Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "José Rizal"

Jump to navigation Jump to search
typo
(Orden de Caballeros de Rizal)
(typo)
Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong [[Disyembre 30|ika-30 ng Disyembre]] [[1896]], binaril siya sa Bagumbayan, na [[Liwasang Rizal]] ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siya'y pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sa [[pamahalaan]].
 
Sipi mula sa kaniyang huling liham: "''Prof. [[Ferdinand Blumentritt|Fernando Blumentritt]] - My dear Brother, when you receive this letter, I shall be dead by then. Tomorrow at 7, I shall be shot; but I am innocent of the crime of rebellion...''" (Mahal na Kapatid, wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang liham na ito. Bukas ng ala-siyete, ako ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sa salang rebelyon...)
 
Hindi kalayuan sa lugar na kanyang kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon, gawa ni Richard Kissling, isang [[eskultura|eskultor]] escoces na siya ring lumikha ng estatwa ni [[Wilhelm Tell]]. May nakasulat dito- "''Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang lupa, na kapag tayo'y marunong mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at paniniwala, ang kamataya'y di mahalaga, kung papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang ating bayan at iba pang mga mahal sa buhay.''"
28

edit

Menu ng paglilibot