Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pag-aasawa"

Jump to navigation Jump to search
Ang sibil na pagpapakasal(civil marriage) ay kasal na pinapahintulutan ng gobyerno ng isang bansa. Kaakibat ng sibil na kasal ay pagkakaroon ng mga benepisyo at legal na proteksiyon. Bawat bansa ay may kanya-kanyang mga batas sa sibil na pagpapakasal.
==Relihiyosong pagpapakasal==
Ang relihiyosong pagpapakasal ay kasunduan ayon sa relihiyon ng nagpapakasal. Ang relihiyosong pagpakasal ay ginagawa pagkatapos, bago o kasabay ng sibil na pagpakasal(civil marriage). Ang bawat relihiyon ay may kanya kanya paniniwala sa kasal at may iba iba ring kinakagawian sa pagsasagawa sa [[kasal (seremonya)|seremonya]] ng kasal. Sa katoliko ang mga ritwal ng katolikong pagkakasal(catholic wedding) ay ginagawa ng isang [[pari]].
===Poligamiya sa [[Bibliya]]===
Ang [[Torah]] ay may mga ilang regulasyon sa paglahok sa isang poligamiya. Kabilang sa mga karakter sa Lumang Tipan na mayroon maraming asawa si [[Abraham]](ama ng Hudaismo), [[Jacob]], [[David]], [[Solomon]](na may 700 asawa, mga prinsesa, at 300 kabit), [[Lamech]], [[Esau]], [[Gideon]], [[Saul]], [[David]], [[Solomon]], [[Rehoboam]], [[Elkanah]], [[Ashur]], [[Abijah]] and [[Jehoiada]]. Ayon sa Exodo 21:10, ang pagpapakasal sa maraming asawa ay hindi dapat magpabawas sa karapatan ng unang asawa gaya ng karapatan sa pagkain, pananamit, at mga ugnayan ng mag-asawa. Ayon sa Deuteronomyo 21:15–17, ang isang lalake ay dapat magbigay ng pamana sa unang anak na lalake kahit kinapopootan ng lalake ang ina ng batang ito at mas mahal niya ang ibang mga asawa.<ref>[http://www.mechon-mamre.org/p/pt/pt0521.htm#15 Deuteronomy 21:15–17] from mechon-mamre.org</ref> Ayon sa Deuteronomyo 17:17, ang isang hari, ay hindi dapat magkaroon ng sobrang daming asawa. <ref>[http://www.chabad.org/library/article.asp?AID=9981&showrashi=true Judaica Press Complete Tanach, Devarim - Chapter 17] from [[Chabad.org]]</ref> Ang pag-aasal ng hari ay kinondena ni propeta Samuel(1Samuel 8). Ang [[Exodo]] 21:10 ay nagpapatungkol sa mga "kabit"(concubine) na Hudyo.
11,766

edits

Menu ng paglilibot