Paleoseno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sistema Serye Yugto Edad (Ma)
Neohene Mioseno Aquitanian mas bata
Paleohene Oligoseno Chattian 23.03–28.4
Rupelian 28.4–33.9
Eoseno Priabonian 33.9–37.2
Bartonian 37.2–40.4
Lutetian 40.4–48.6
Ypresian 48.6–55.8
Paleoseno Thanetian 55.8–58.7
Selandian 58.7–61.7
Danian 61.7–65.5
Kretaseyoso Itaas Maastrichtian mas matanda
Subdivision of the Paleogene Period according to the IUGS, as of July 2009.

Ang Paleoseno (Ingles: Paleocene (symbol Pε)[1] o Palaeocene, ang "maagang kamakailan") ay isang epoch na heolohiko na tumagal ng mga 65.5 hanggang 56 milyong taon ang nakalilipas (65.5±0.3 hanggang 55.8±0.2 Ma). Ito ang unang epoch ng Paleohene sa modernong era na Cenozoiko. Gaya ng ibang mas matandang mga panahon, ang strata na naglalarawan ng simula at wakas ng epoch ay mahusay na natukoy ngunit ang eksaktong petsa ng wakas ay hindi matiyak. Ang epoch na Paleoseno ay agad na sinundan ng pangyayaring ekstinksiyon na pang-masa sa huli ng panahong Kretaseyoso na kilala bilang hangganang Kretaseyoso-Paleohene na nagmamarka ng pagkamatay ng mga hindi-ibong mga dinosauro, ang mga higanteng marinong mga reptilya at halos ibang mga fauna at flora. Ang pagkamatay ng mga dinosauro ay nag-iwan ng hindi napunan na mga niche na ekolohikal sa buong mundo. Ang pangalang Paleocene ay nagmula sa Griyego at tumutukoy sa mas matanda (παλαιός, palaios) – "bago" (καινός, kainos) na fauna na lumitaw sa epoch na ito bago ang mga modernong mamalya ay lumitaw sa Eoseno.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Geologic Age Symbol Font (StratagemAge)" (PDF). USGS. 99-430. Nakuha noong 2011-06-22.