National Technical University of Athens

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ang pangunahing harapan ng gusaling Averof.
Ang NTUA Central Library sa Zografou campus.

Ang National Technical University of Athens (NTUA; Griyego: Εθνικό Μετσόβιο Πολυτεχνείο, National Metsovian Polytechnic), paminsan-minsan na kilala bilang Athens Polytechnic, ay kabilang sa pinakamatandang institusyon sa mas mataas na edukasyon ng Gresya at pinakaprestihiyosong sa inhenyeriya.[1] Ito ay pinangalanang Metsovio(n) sa karangalan ng mga tagapagtangkilik nito na sinaNikolaos Stournaris, Eleni Tositsa, Michail Tositsas at Georgios Averoff, na nagmula sa bayan ng Metsovo sa rehiyon ng Epirus.[2]

Ang NTUA ay nahahati sa siyam na mga akademikong paaralan, walo ay sa inhenyeriya, kabilang ang arkitektura, at isa para sa aplikadong agham (matematika at pisika). Ang pag-aaral sa antas batsilyer ay tumatagal nang limang taon. Ang pagpasok sa NTUA ay selektibo at maaari lamang matupad kung makakatanggap ng katangi-tanging grado sa taunang pagsusulit na Apolytirion sa mga sekundaryang paaralan.

Mga tala at mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "QS World University Rankings 2016-2017". Enero 1, 2016. Hinango noong 2016-11-29.
  2. "History". NTUA.gr. Sininop mula sa orihinal noong 2009-04-01. Hinango noong 2009-03-30.