Nekromansiya
Itsura
(Idinirekta mula sa Nekromansya)
Ang nekromansiya (Ingles: necromancy; Kastila: nigromancia o necromancia) ay ang tawag sa kakayahan ng isang tao sa pakikipag-ugnayan sa kaluluwa ng mga patay. Tinatawag din itong mahika negra o may kaugnayan sa pangkukulam at pambabarang, na kabilang sa mga katangiang mahiwaga o may mahika.[1]
Ang nekromansero kung lalaki o nekromansera kapag babae (mula sa Ingles na necromancer) ay isang taong nagpapahayag na nakapaglalantad siya ng mga pangyayaring magaganap sa hinaharap sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan o pakikipag-usap sa mga taong namatay na. Sa pangkalahatan, nagagamit ang katawagang ito para sa mga salamangkero.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Necromancy, nekromansya - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: Missing or empty|title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 436.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.