Nestor de Villa
Nestor de Villa | |
|---|---|
| Kapanganakan | Gines Francisco Soriano July 6, 1928 Cabanatuan, Nueva Ecija, Pilipinas |
| Kamatayan | February 21, 2004 (75 taong gulang) Muntinlupa, Pilipinas |
| Aktibong taon | 1951–2004 |
| Asawa | Marilu Cacho |
| Anak | 4 |
Si Gines Francisco Soriano (Hulyo 6, 1928 – Pebrero 21, 2004), na mas kilala sa kanyang pangalang-pang-entablado na Nestor de Villa, ay isang Pilipinong aktor na madalas gumanap sa mga pelikulang musikal. Isa siyang mahusay na mananayaw na madalas itambal kay Nida Blanca, ang kanyang nakasanayang kapareha kapwa sa pelikula at telebisyon.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si De Villa ay isinilang bilang Gines Francisco Soriano noong Hulyo 6, 1928, sa bayan noon ng Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Isa siyang estudyante ng pre-medikal na kurso nang siya ay kunin ng LVN Pictures. Nadismaya ang kanyang ama sa kanyang desisyong maging aktor, at nagkaroon ng lamat ang kanilang ugnayan. Gayunpaman, nagkaayos sila sa tulong ng pangulo ng LVN na si Doña Sisang de Leon,[1] na siyang nag-ayos upang palihim na makadalo ang ama ni de Villa sa isa sa mga premiere ng kanyang pelikula.[2]
Ginawa niya ang kanyang unang pelikula sa LVN, ang "Amor-Mio" ("My Love"), noong 1951. Sumunod na taon, nakatambal niya ang isa pang contract star ng LVN na si Nida Blanca para sa "Romansa sa Nayon".[3] Dahil sa tagumpay ng pelikula, sumikat ang tambalan nina Nestor at Nida, bagaman sa totoong buhay ay kinasal sina de Villa at Marilu Cacho Soriano na mula sa isang mariwasa at kilalang angkan.
Nanatili siya sa LVN hanggang noong 1961, nang itigil ng studio ang paggawa ng mga pelikula. Lumipat siya pagkatapos sa Sampaguita Pictures, kung saan noong 1962 ay ginawa niya ang kanyang unang pelikula para sa nasabing studio, ang "Tugtuging Bukid", kasama si Gloria Romero.Noong 1960s, tatlong beses siyang hinirang para sa gantimpalang FAMAS para sa Best Actor; sa Mga Yapak ng Walang Bakas (1962); Naku Yabang (1964); at Siete Dolores (1968). Sina De Villa at Blanca ay nagtambal din sa isang lingguhang palabas sa telebisyon ng ABS-CBN, ang The Nida-Nestor Show.[3]
Noong 1967, nagtangkang tumakbo si de Villa bilang bise-alkalde ng Makati bilang katambal ng dating embahador na si Amelito Mutuc, ngunit natalo siya sa nakaupong bise-alkalde na si Teotimo Gealogo.[4]
Noong dekada '80, nagbalik-pelikula si de Villa nang muli siyang ipareha kay Blanca sa dalawang pelikula para sa Viva Films: ang "Forgive and Forget" — na kinatampukan din nina Sharon Cuneta at William Martinez; at ang "Saan Darating ang Umaga?", isang tinaguriang drama na kapwa kinatampukan nina Maricel Soriano, Nida Blanca, at Jaypee de Guzman.
Pagpanaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nanatiling aktibo sa pelikula si De Villa hanggang sa kanyang pagpanaw noong Pebrero 21, 2004, dahil sa mga komplikasyong dulot ng kanser sa atay at apdo (hepatobiliary cancer).[3] Ginawaran siya ng pagkilala sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang pangalan sa Eastwood City Walk of Fame[5] noong Disyembre 2005, pagkalipas ng kanyang pagpanaw.
Talaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Taon | Pamagat |
|---|---|
| 1951 | Amor Mio |
| 1952 | Tenyente Carlos Blanco |
| Dimas | |
| Dalawang Sundalong Kanin | |
| Haring Solomon at Reyna Sheba | |
| Romansa sa Nayon | |
| Rodrigo de Villa | |
| Tenyente Carlos Blanco | |
| 1953 | Tumbalik na Daigdig |
| Hijo de Familia | |
| Squatters | |
| Dalawang Pag-Ibig | |
| Hiyasmin | |
| 1954 | Waray-Waray |
| Tin-edyer | |
| Luneta | |
| Singsing Na Tanso | |
| 1955 | Darling Ko |
| 1 2 3 | |
| Ang Ibong Adarna | |
| Dalagang Taring | |
| Talusaling | |
| Ikaw Kasi | |
| 1956 | Handang Matodas |
| Easy Ka Lang Padre! | |
| Medalyong Perlas | |
| Big Shot | |
| Ganyan Ka Pala | |
| Bahala Na! | |
| Aling Kutsero | |
| 1957 | Sebya, Mahal Kita |
| Kalyehera | |
| Krisalis | |
| Turista | |
| Tignan Natin | |
| 1958 | Villa Milagrosa |
| Austerity Love | |
| Casa Grande | |
| Wala Kang Paki | |
| Mga Anak ni Waray | |
| Bayanihan | |
| 1959 | Ang Langit Ko'y Ikaw |
| Baguio Fever | |
| Chinita | |
| Surrender - Hell! | |
| Limang Punglo[6] | |
| Tayo'y Magsaya | |
| 1960 | Unos sa Laot |
| Dahlia | |
| Kung Ako'y Mahal Ko | |
| Pitong Gabi sa Paris | |
| Sandakot na Alabok | |
| Lawiswis Kawayan | |
| My Serenade | |
| Anino ng Kahapon | |
| Bakit Ka Nagtampo | |
| Wala Kang Kapantay | |
| 1961 | Nagbabagang Lupa |
| Walang Sisihan | |
| Mga Yapak na Walang Bakas | |
| 1962 | Tugtuging Bukid |
| Sikat Na, Siga Pa! | |
| Oy... Akin Yata Yan! | |
| Jam Session | |
| Magtiis Ka Darling | |
| 1963 | Adonis Abril |
| Limbo Rock | |
| Asyang Ng La Loma | |
| Ang Bukas ay Akin | |
| Naku, Yabang! | |
| 1964 | Ginintuang Ani |
| Yeba Chiquicha | |
| Si Doray Naman... | |
| 1965 | Utos ni Tale Hindi Mababale |
| Everybody Dance | |
| 1966 | Sound of Bwisit |
| Mabilis Paa't Kamay | |
| Huwag Kang Sumingit | |
| Familia Galawgaw | |
| Espiya Contra Espiya | |
| 1967 | Wow Na Wow! |
| 1968 | Siete Dolores |
| 1975 | Siya'y Umalis, Siya'y Dumating |
| 1982 | Mother Dear |
| Forgive and Forget | |
| Cross My Heart | |
| 1983 | Saan Darating Ang Umaga? |
| 1984 | Anak ni Waray, Anak ni Biday |
| 1985 | Hindi Nahahati ang Langit |
| Like Father, Like Son | |
| 1986 | Paglingon sa Kinabukasan |
| 1987 | Prinsipeng Gusgusin |
| 1993 | Ligaw-Ligawan, Kasal-Kasalan, Bahay-Bahayan |
| 2002 | Forevermore (Last film appearance) |
Seryeng Talebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Taon | Pamagat |
|---|---|
| 1960–1964 | The Nida-Nestor Show[7] |
Talasanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Narcisa de Leon". imdb.com.
- ↑ Mercado, Monina (1977). Doña Sisang and Filipino Movies. Philippines: Vera-Reyes, Inc. p. 41.
- 1 2 3 "Remembering Nestor". Philstar.com. February 26, 2004.
- ↑ "Makati elections". Manila Bulletin. Makati, Rizal: Manila Bulletin Publishing Corporation. PNS. November 17, 1967. p. 2.
- ↑ Lo, Ricky. "Walk of Fame: Kuya Germs' dream soon a reality". Philstar.com. Nakuha noong November 6, 2021.
- ↑ "LVN has 4 releases on December sked". The Manila Times. The Manila Times Publishing Company, Inc. November 11, 1959. p. 7-B.
It cast Nestor de Villa in an action role after his successes in comedy and drama vehicles.
- ↑ "The Nida-Nestor Show". imdb.com.