Pumunta sa nilalaman

Ninpa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nimpa (diwata))

Ang ninpa (Sinaunang Griyego: νύμφη, romanisado: nýmphē; Atikong Griyego: [nýmpʰɛː]) ay isang diyosang menor de edad ng kalikasan sa sinaunang kuwentong bayan ng Gresya. Naiiba sa ibang mga diyosa ng Gresya, karaniwang itinuturing ang mga ninpa bilang pagpapakatao ng kalikasan; kadalasan silang nakaugnay sa isang tiyak na lugar, anyong-lupa, o puno, at karaniwang inilalarawan bilang mga dalaga. Dahil sa kanilang ugnayan sa mga bukal, madalas silang ituring na may kapangyarihang nakagagamot;[1] kabilang pa sa mga banal na kapangyarihan ng mga ninpa ang panganghula at pagbabagong-anyo.[2] Subalit, sa kabila ng kanilang pagka-diyos, hindi sila imortal.[1]

Hinahati ang mga ninpa sa iba’t ibang malalawak na pangkat batay sa kanilang tirahan,[3] gaya ng Meliyadas (mga ninpa ng punong abeto o presno), ang Driyadas (mga ninpa ng ensina o robles), ang Alseyadas (mga ninpa ng kakahuyan o siit), ang Nayadas (mga ninpa ng bukal), ang Nereydas (mga ninpa ng dagat), ang Oseanidas (mga ninpa ng karagatan), at ang Oreyadas (mga ninpa ng bundok). Mayroon ding ibang ninpa tulad ng Esperides (mga ninpa ng gabi), ang Hiyadas (mga ninpa ng o), at ang Pleyadis (mga kasama ni Artemisa).

Lumilitaw ang mga ninpa sa mga klasikong sining, panitikan, at mitolohiya. Madalas silang mga tagapagsilbi ng mga diyosa at karaniwan ding lumalabas sa mga mito na may temang pag-ibig, bilang mga mangingibig ng mga bayani at iba pang diyos.[3] Kaakit-akit at malibog, bihira silang maging ganap na masupil, at madalas pang maging marahas sa kanilang ugnayang mortal.[4][5] Simula sa Gitnang Panahon, minsan ding iniuugnay o napagkakamalan ang mga ninpa bilang mga engkanto (fairies).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Brill's New Pauly, s.v. Nymphs.
  2. Larson 2001, p. 11, 71.
  3. 3.0 3.1 Grimal 1996, pp. 313–314.
  4. Larson 2001, p. 4.
  5. Parad, Carlos; Förlag, Maicar (1997). "Genealogical Guide to Greek Mythology: Nymphs" (sa wikang Ingles). Astrom Editions. Nakuha noong 25 Mayo 2019.
  • Brill's New Pauly: Encyclopaedia of the Ancient World. Antiquity, Volume 9, Mini – Obe, pinatnugot ni Hubert Cancik at Helmuth Schneider, Brill, 2006. ISBN 9004122729. (sa Ingles)
  • Grimal, Pierre (1996). The Dictionary of Classical Mythology (sa wikang Ingles). Wiley-Blackwell. ISBN 978-0-631-20102-1.
  • Larson, Jennifer (2001). Greek Nymphs: Myth, Cult, Lore (sa wikang Ingles). New York: Oxford University Press. ISBN 978-0-19-514465-9.