Nisei
Ang Nisei (二世) ay salitang Hapones para sa "pangalawang salinlahi" o "ikalawang henerasyon", at partikular na tumutukoy sa mga anak ng mga magulang (ang mga Issei) na Hapones na ipinanganak at nakapag-aral sa Estados Unidos. Nahihiwalay ang mga nisei mula sa lipunang Hapones dahil sa kanilang pagkamamamayang Amerikano at edukasyon. Parati silang nakatatanggap ng hindi makatarungang paghuhusga o paghahatol mula sa mga Amerikanong puti ang balat. Dahil dito, itinatag nila ang Liga ng Mga Mamamayang Hapones-Amerikano noong 1930, na may layuning tangkilikin ang mga gawaing panglipunan, kalabanin ang mga paghuhusgang laban sa mga nagmula sa Silangan o mga Oryental. Sinuportahan nila ang pagpaparehistro ng mga nisei sa Hukbong Katihan ng Estados Unidos.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Nisei". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa titik na N, pahina 445.
![]()
![]()
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Estados Unidos at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.