Nuraga



Ang nuraga, nuraghe, o nurhag,[1] ay ang pangunahing uri ng sinaunang edipisyong megalitiko na natagpuan sa Cerdeña, Italya, na binuo noong Panahong Nurahiko sa pagitan ng 1900 at 730 BK.[2] Ngayon ito ay naging simbolo ng Cerdeña at ang natatanging kultura nito na kilala bilang Sibilisasyong Nurahiko. Mahigit sa 7,000 nuraga ang natagpuan, bagaman naniniwala ang mga arkeologo na sa orihinal ay mayroong higit sa 10,000.[3]

Pangkalahatang pagkakaayos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tipikal na nuraga ay matatagpuan sa mga lugar kung saan ipinamahagi ang mga dating sinaunang kulturang Sardo, na, ay hindi malayo sa mga kapatagang alubyon (bagaman kakaunti ang mga nuraga na lumilitaw sa mga kapatagan sa kasalukuyan dahil ang mga ito ay nawasak ng mga gawain ng tao tulad ng agrikultura, mga prinsa, at paggawa ng kalsada) at may panlabas na hugis ng pinutol na toreng konuko, kaya't kahawig ng isang toreng bobeda sa loob.[4]
Ang mga pader ng estraktura ay binubuo ng tatlong bahagi: isang panlabas na patong (nakatagilid sa loob at gawa sa maraming patong ng mga bato na ang laki ay lumiliit sa pagtaas ng taas: kadalasan, ang mga mas mababang patong ay binubuo ng mga masoneriyang durog na bato, habang ang mga pantaas na layer ay kadalasang gawa sa masoneriyang silyar); isang panloob na layer, na gawa sa mas maliliit na bato (upang bumuo ng isang palsa bobeda ng uri ng tholos na hugis bala, at kung saan mas madalas na ginagamit ang masoneriyang silyar); at isang intermedyaryong layer ng napakaliit na piraso at dumi, na ginagawang napakatibay ng buong konstruksiyon: ito ay nakatayo lamang sa bisa ng bigat ng mga bato nito, na ang bawat isa ay maaaring umabot sa ilang tonelada. Ang ilang mga nuraga ay humigit-kumulang 20 metro (66 tal) sa taas, ang pinakamataas na kilala, ang Nuraghe Arrubiu, ay umabot sa taas na 25–30 metro (82–98 tal).[5]
Ang pasukan ay humahantong sa isang pasilyo, kung saan ang mga gilid ay madalas na bukas na mga nitso, na humahantong sa bilog na silid. Isang pilipit na hagdang bato, na humahantong sa mga itaas na palapag (kung mayroon) at/o sa isang terasa, ay itinayo sa loob ng makapal na pader at ito ay pinaliwanagan ng mga alpeysar. Ang mga torang Nurahiko ay maaaring magkaroon ng hanggang tatlong kamarang mensula na isa sa ibabaw ng isa. Sa kumplikadong mga pasilyong nuraga ay madalas na naroroon, kung minsan ay may mensula, tulad ng sa Santu Antine, kung saan ang pasilyong arkong mensula ay nakapatong sa dalawang antas, at umabot sa haba na 27 metro (89 tal) .
Ngayon ay wala pang 7,000 nananatiling nakatayo ang nuraga ang kanilang bilang ay orihinal na mas malaki. Ang mga nuraga ay pinakalaganap sa hilagang-kanluran at timog-gitnang bahagi ng pulo.[6]
Gamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Walang pinagkasunduan sa gamit ng mga nuraga: maaaring sila ay mga tirahan ng mga pinuno, mga kuta ng militar, mga bulwagan ng pagpupulong, mga templong panrelihiyon, mga ordinaryong tirahan, o isang kumbinasyon ng alinman sa mga bagay na ito. Ang ilan sa mga nuraga ay, gayunpaman, ay matatagpuan sa mga madeskarteng lugar—tulad ng mga burol—kung saan ang mahahalagang daanan ay madaling makontrol. Maaaring sila ay isang bagay sa pagitan ng isang "simbolo ng katayuan" at isang gusaling "depensang pasibo", na sinadya upang maging isang hadlang para sa mga posibleng kaaway.
Maaaring ang nuraga ay ang "pambansang" simbolo ng mga mamamayang Nurahiko. Ang mga maliliit na modelo ng nuraga ay madalas na nahukay sa mga relihiyosong lugar (hal. sa "maze" na templo sa lugar ng Su Romanzesu malapit sa Bitti sa gitnang Cerdeña). Maaaring ipinapahiwatig lamang ng nuraga ang kayamanan o kapangyarihan, o maaaring ang mga ito ay isang indikasyon na ang isang pook ay may mga may-ari nito. Ang mga kamakailang hindi kinumpirmang teorya ay may posibilidad na magmungkahi na ang mga bayan ng Cerdeña ay mga independiyenteng entidad (tulad ng mga lungsod-estado, bagaman sa isang kahulugang heograpiko ay hindi sila mga lungsod) na bumuo ng mga pederasyon at na ang pagtatayo ng mga monumento na ito ay maaaring nakadepende sa napagkasunduang pamamahagi ng teritoryo sa mga pagkakaisang pederado.
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Pasukan
-
Nitso ng gitnang silid
-
Hagdanan
-
Tholos ng Nuraga Sant'Antine
-
Bintana at mga alpeysar
-
Rekonstruksiyon ng isang nuraga mula 1600 BK
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Nurhag". Collins Dictionary. Nakuha noong 29 March 2023.
- ↑ Depalmas, A.; R. T. Melis (2010). "The Nuragic People: Their settlements, economic activities and use of the land, Sardinia, Italy.". Sa Martini, I. P.; Chesworth, W. (mga pat.). Landscapes and Societies: Selected Cases. New York, NY: Springer Science+Business Media.
- ↑ Sergio Vacca, Angelo Aru, Paolo Baldaccini, Rapporti tra suoli e insediamenti nuragici nella regione del Marghine-Planargia (Sardegna centro-occidentale), in Il sistema uomo-ambiente tra passato e presente, a cura di Claude Albore Livadie e Franco Ortolani, Edipuglia, Bari, 1998, ISBN 88-7228-197-0
- ↑ it:Museo archeologico nazionale di Nuoro, Il Sarcidano: Orroli, Nuraghe Arrubiu at www.museoarcheologiconuoro.beniculturali.it. Naka-arkibo 2015-06-30 sa Wayback Machine.
- ↑ it:Museo archeologico nazionale di Nuoro, Il Sarcidano: Orroli, Nuraghe Arrubiu at www.museoarcheologiconuoro.beniculturali.it. Naka-arkibo 2015-06-30 sa Wayback Machine.
- ↑ Encyclopædia Britannica, "Italy."
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Dyson Stephen L., Rowland Robert J. (2007). Shepherds, sailors, & conquerors – Archeology and History in Sardinia from the Stone Age to the Middle Ages. Philadelphia: University of Pennsylvania, Museum of Archeology and Anthropology. ISBN 978-1-934536-02-5.
- Giovanni Lilliu, I nuraghi. Torri preistoriche della Sardegna, Nuoro, Edizioni Ilisso, 2005. ISBN 88-89188-53-7ISBN 88-89188-53-7
- Lilliu, Giovanni (2004). La civiltà dei Sardi. Dal Paleolitico all'età dei nuraghi (sa wikang Italyano). Edizioni il Maestrale. ISBN 978-88-86109-73-4.
- Paolo Melis, Civiltà Nuragica Error in webarchive template: Check
|url=
value. Empty., Sassari, Delfino editore, 2003. ISBN 88-7138-287-0ISBN 88-7138-287-0 - Giovanni Ugas, L'alba dei Nuraghi, Cagliari, Fabula, 2005. ISBN 88-89661-00-3ISBN 88-89661-00-3
- Ugas, Giovanni (2016). Shardana e Sardegna : i popoli del mare, gli alleati del Nordafrica e la fine dei Grandi Regni (XV-XII secolo a.C.) (sa wikang Italyano). Cagliari: Edizioni della Torre. ISBN 9788873434719.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Larawan sa himpapawid ni Su Nuraxi
- Nuraghi.org Su Nuraxi ng Barumini
- Isang mapa ng lahat ng Nuraghes sa Sardinia Error in webarchive template: Check
|url=
value. Empty. - Isa pang mapa na nagbibigay ng lokasyon ng bawat Nuraghe – Nurnet Error in webarchive template: Check
|url=
value. Empty. - ArcheologiaSarda.com (sa Italyano)
- NeroArgento.com (sa Italyano)
- Virtual Reconstructions (sa Italyano)
- Virtual Tour sa HD[patay na link]