Migranteng Manggagawang Pilipino
Mga OFW sa Brunay | |
| Kabuuang populasyon | |
|---|---|
| 2.16 milyon[1][2] (2023) | |
| Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
| 432,000 | |
| 293,760 | |
| 140,400 | |
| 138,240 | |
| 133,920 | |
| 99,360 | |
| Wika | |
| Filipino (pambansa), Ingles (ko-opisyal) mga wikang Pilipino, Arabe | |
| Relihiyon | |
| Kristiyanismo (karamihan), Islam | |
| Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
| Mga Pilipino (Mga Pilipino sa Ibayong Dagat) | |
Ang Migranteng Manggagawang Pilipino (Ingles: Overseas Filipino Worker o OFW) ay tumutukoy sa mga Pilipinong manggagawa na may pagkamamamayang Pilipino at naninirahan sa ibang bansa sa loob ng limitadong panahon para sa pagtatrabaho.[3] Noong pagitan ng Abril at Setyembre 2023, tinatayang nasa 2.16 milyon ang bilang ng mga manggagawang ito.[1] Sa bilang na ito, mas marami ang mga babaeng manggagawa, na bumubuo ng 55.6 porsyento o 1.20 milyon.[4]
Malaking kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas ang perang ipinapadala ng mga OFW sa kanilang mga kamag-anak sa bansa, na umabot sa 3.73 bilyon USD noong 2024, katumbas ng humigit-kumulang 8.3% ng Kabuuang Domestikong Produkto ng Pilipinas.[5]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maagang ika-20 siglo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noon pang unang bahagi ng ika-20 siglo ay nagtatrabaho na sa labas ng kapuluang Pilipinas ang mga migranteng manggagawang Pilipino, kung kailan ipinadala sila sa Hawaii bilang mga manggagawang agrikultural upang matugunan ang pansamantalang pangangailangan sa paggawa sa sektor ng agrikultura ng noo’y teritoryo ng Amerika. Kalaunan, nagtungo ang mga manggagawang Pilipino sa Kalupaang Estados Unidos upang magtrabaho sa mga otel, restoran, at lagarian, gayundin sa pagtatayo ng riles. Nagtrabaho rin sila sa mga plantasyon sa California at sa industriya ng pagdedelata ng Alaska, na noo’y teritoryo ng Amerika. Nagsilbi rin ang ilang Pilipino sa Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig.[6]
Mga sangguanian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Count of Overseas Filipino Workers was Estimated at 2.16 Million" [Bilang ng mga Migranteng Manggagawang Pilipino, Tinatayang nasa 2.16 Milyon]. Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. Setyembre 13, 2024. Nakuha noong Mayo 11, 2022.
- ↑ "TABLE 5: Number and Percent Distribution of Overseas Filipino Workers by Place of Work and Sex with Measures of Precision 2023" [TALAHANAYAN 5: Bilang at Porsiyentong Pamamahagi ng mga Migranteng Manggagawang Pilipino ayon sa Lugar ng Trabaho at Kasarian, na may Mga Panukat ng Katumpakan 2023]. Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. Nakuha noong Mayo 11, 2025.
- ↑ Villegas, Bernardo M. (Agosto 1, 2023). "OFWs as a permanent phenomenon" [Mga OFW bilang permanenteng penomeno]. Business World (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 2, 2023. Nakuha noong Mayo 2, 2024.
- ↑ "TABLE 3: Number and Percent Distribution of Overseas Filipino Workers by Type, Sex, and Area with Measures of Precision 2023" [TALAHANAYAN 3: Bilang at Porsiyentong Pamamahagi ng mga Migranteng Manggagawang Pilipino ayon sa Uri, Kasarian, at Lugar, na may Mga Panukat ng Katumpakan 2023]. Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. Nakuha noong Mayo 11, 2025.
- ↑ "Personal Remittances Reach a Record High of US$3.7 Billion in December 2024; Full-Year Level of US$38.3 Billion Highest to Date" [Mga Personal na Padala, Umabot sa Rekord na US$3.7 Bilyon noong Disyembre 2024; Buong Taóng Antas na US$38.3 Bilyon, Pinakamataas sa Kasaysayan]. Bangko Sentral ng Pilipinas (sa wikang Ingles). Pebrero 17, 2025. Nakuha noong Mayo 16, 2025.
- ↑ Medina, Andrei; Pulumbarit, Veronica (Setyembre 21, 2012). "How Martial Law helped create the OFW phenomenon" [Paano nakatulong ang Batas Militar sa paglikha ng penomenon ng OFW]. GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 16, 2018.