Olyokminsk
Olyokminsk Олёкминск | ||
---|---|---|
Lungsod sa ilalim ng hurisdiksiyon ng distrito[1] | ||
Transkripsyong Iba | ||
• Yakut | Өлүөхүмэ | |
| ||
Mga koordinado: 60°22′N 120°25′E / 60.367°N 120.417°E | ||
Bansa | Rusya | |
Kasakupang pederal | Republika ng Sakha[1] | |
Distritong administratibo | Distrito ng Olyokminsky[1] | |
Lungsod | Olyokminsk[1] | |
Itinatag | 1635[1] | |
Katayuang lungsod mula noong | 1783 | |
Pamahalaan | ||
• Pinuno | Semyon Fedulov | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 12 km2 (5 milya kuwadrado) | |
Taas | 150 m (490 tal) | |
Populasyon (Senso noong 2010)[2] | ||
• Kabuuan | 9,494 | |
• Kapal | 790/km2 (2,000/milya kuwadrado) | |
• Kabisera ng | Distrito ng Olyokminsky[1], Lungsod ng Olyokminsk[1] | |
• Distritong munisipal | Olyokminsky Municipal District[3] | |
• Urbanong kapookan | Olyokminsk Urban Settlement[3] | |
• Kabisera ng | Olyokminsky Municipal District[4], Olyokminsk Urban Settlement[3] | |
Sona ng oras | UTC+9 ([5]) | |
(Mga) kodigong postal[6] | 678100, 678139 | |
(Mga) kodigong pantawag | +7 41138 | |
OKTMO ID | 98641101001 |
Ang Olyokminsk (Ruso: Олёкминск, IPA [ɐˈlʲɵkmʲɪnsk]; Yakut: Өлүөхүмэ, Ölüöxümə) ay isang lungsod at sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Olyokminsky sa Republika ng Sakha, Rusya. Matatagpuan ito sa kaliwang pampang ng Ilog Lena, 651 kilometro (405 milya) timog-kanluran ng Yakutsk, ang kabisera ng republika. Ang populasyon nito (ayon sa Senso 2010) ay 9,494 katao.[2]
Kilala ang lungsod sa ilang mga gusaling gawa sa kahoy na matatag pa rin kahit na buhat ang mga ito bago ang ika-20 dantaon wooden architecture, kasama ang Kapilya ng Alexander Nevsky (1891) at ang Katedral ng Ating Tagapagligtas (1860).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ito noong 1635[1] bilang isang ostrog ng mga Cossack na pinamunuan ni Pyotr Beketov, sa kaliwang pampang ng Ilog Lena katapat ng bunganga ng Ilog Olyokma. Inilipat kalaunan ang kuta nang ilang kilometro salungat sa agos, sa isang kinatatayuang hindi gaanong bahain kapag tagsibol.
Bilang tagpuan ng trapiko sa ilog sa Lena at Olyokma, naging himpilan ito para sa mga ekspedisyon ng mga Ruso pasilangan at kalaunan ay naging sentro ng pangangalakal sa ruta ng ilog patungong Yakutsk. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong 1783.
Dito ipinatapon ang mga Disyembristang manghihimagsik na sina Nikolay Chizhov at Andrey Andreyev.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, itinayo rito ang isang palapagan para sa rutang panghimpapawid ng Alaska-Siberia (ALSIB) na ginamit upang ilulan ang Amerikanong mga sasakyang panghimpapawid ng palatuntunang Lend-Lease patungong Silangang Prontera.[7]
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1979 | 10,595 | — |
1989 | 11,478 | +8.3% |
2002 | 10,003 | −12.9% |
2010 | 9,494 | −5.1% |
Senso 2010:[2]; Senso 2002:[8]; Senso 1989:[9]; Senso 1979:[10] |
Ekonomiya at impraestruktura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagproseso ng tabla at ang isang planta ng kuryente ay mga pangunahing bahagi ng ekonomiya ng lungsod, pati na rin ang pagsasaka sa paligid nito.
Pinaglilingkuran ang Olyokminsk ng Paliparan ng Olyokminsk Airport IATA: OLZ.
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Amg Olyokminsk ay may klimang subartiko (Köppen climate classification Dfc). Ang mga taglamig ay may mga katamtamang temperatura mula –34.6 hanggang −26.6 °C (−30.3 hanggang −15.9 °F) sa Enero, habang ang mga tag-init ay may mga katamtamang temperatura mula +12.0 hanggang +24.8 °C (53.6 hanggang 76.6 °F) sa Hulyo. Sa mga buwan ng tag-init ng Hunyo, Hulyo, at Agosto, kadalasang lumalagpas sa +30 °C (86 °F) ang mga temperatura tuwing araw. Mas-mataas ang pag-ulan sa tag-init kaysa sa ibang mga bahagi ng taon.
Datos ng klima para sa Olyokminsk | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 2.8 (37) |
1.0 (33.8) |
11.2 (52.2) |
18.8 (65.8) |
31.9 (89.4) |
35.4 (95.7) |
36.5 (97.7) |
37.7 (99.9) |
31.9 (89.4) |
18.2 (64.8) |
6.1 (43) |
−0.7 (30.7) |
37.7 (99.9) |
Katamtamang taas °S (°P) | −26.6 (−15.9) |
−20.4 (−4.7) |
−8.1 (17.4) |
3.3 (37.9) |
13.3 (55.9) |
22.2 (72) |
24.8 (76.6) |
21.2 (70.2) |
11.5 (52.7) |
−0.8 (30.6) |
−16.6 (2.1) |
−26.0 (−14.8) |
−0.18 (31.67) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −30.7 (−23.3) |
−25.9 (−14.6) |
−15.1 (4.8) |
−2.9 (26.8) |
7.1 (44.8) |
15.3 (59.5) |
18.4 (65.1) |
14.6 (58.3) |
6.1 (43) |
−5.0 (23) |
−20.8 (−5.4) |
−29.9 (−21.8) |
−5.73 (21.68) |
Katamtamang baba °S (°P) | −34.6 (−30.3) |
−30.7 (−23.3) |
−21.8 (−7.2) |
−9.2 (15.4) |
1.0 (33.8) |
8.5 (47.3) |
12.0 (53.6) |
8.8 (47.8) |
1.4 (34.5) |
−9.0 (15.8) |
−24.9 (−12.8) |
−33.7 (−28.7) |
−11.02 (12.16) |
Sukdulang baba °S (°P) | −60.1 (−76.2) |
−57.6 (−71.7) |
−47.4 (−53.3) |
−35.1 (−31.2) |
−16.1 (3) |
−4.7 (23.5) |
0.2 (32.4) |
−4.4 (24.1) |
−14.5 (5.9) |
−32.1 (−25.8) |
−49.1 (−56.4) |
−57.2 (−71) |
−60.1 (−76.2) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 17 (0.67) |
11 (0.43) |
9 (0.35) |
10 (0.39) |
32 (1.26) |
39 (1.54) |
58 (2.28) |
50 (1.97) |
40 (1.57) |
21 (0.83) |
21 (0.83) |
18 (0.71) |
326 (12.83) |
Araw ng katamtamang pag-ulan | 0 | 0 | 0.2 | 3 | 15 | 16 | 15 | 15 | 16 | 5 | 0.1 | 0 | 85.3 |
Araw ng katamtamang pag-niyebe | 27 | 23 | 18 | 11 | 3 | 0.1 | 0 | 0 | 2 | 20 | 27 | 27 | 158.1 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 80 | 79 | 71 | 60 | 57 | 63 | 69 | 74 | 75 | 77 | 82 | 80 | 72.3 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 38 | 116 | 211 | 249 | 268 | 295 | 308 | 241 | 152 | 93 | 60 | 17 | 2,048 |
Sanggunian #1: pogoda.ru.net,[11] | |||||||||||||
Sanggunian #2: NOAA (sun only, 1961-1990)[12] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 Registry of the Administrative-Territorial Divisions of the Sakha Republic
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Law #173-Z #353-III
- ↑ Law #172-Z #351-III
- ↑ "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
- ↑ Igor Lebedev. Aviation Lend-Lease to Russia. Nova Publishers, 1997, pp. 44–49
- ↑ Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso).
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly.
{{cite web}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Всесоюзная перепись населения 1979 г. Национальный состав населения по регионам России" [All Union Population Census of 1979. Ethnic composition of the population by regions of Russia] (XLS). Всесоюзная перепись населения 1979 года [All-Union Population Census of 1979] (sa wikang Ruso). 1979 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly (website of the Institute of Demographics of the State University—Higher School of Economics.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Weather And Climate - Climate Olekminsk" (sa wikang Ruso). Nakuha noong Enero 20, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Climate Normals for Olekminsk". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Enero 20, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga pinagkunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Official website of the Sakha Republic. Registry of the Administrative-Territorial Divisions of the Sakha Republic. Olyokminsky District. (sa Ruso)
- Padron:RussiaAdmMunRef/sa/munlist0
- Padron:RussiaAdmMunRef/sa/munlist1