Oras Gitnang Europa
Itsura
Ang Oras Gitnang Europa o Central European Time (CET), ginagamit sa karamihang bahagi ng Unyong Europeo, ay ang pamantayang oras na 1 oras na nauuna sa Coordinated Universal Time (UTC). Ang pagkakaiba ng oras mula sa UTC ay maaring isulat bilang +01:00. Kilala din ang kaparehong pamantayang oras, UTC+01:00, sa Ingles bilang Middle European Time (MET, Aleman: MEZ) at ibang pang pangalan sa Ingles tulad ng Berlin Time, Romance Standard Time, Paris Time or Rome Time.[1]