Orasyon
Ang Orasyon ( /o·ras·yón/ ) o Angelus (Latin ng "anghel") ay isang debosyong Kristiyano na gumugunita sa Pagkakatawang-tao. Gaya ng karamihan sa mga dasaling Kristiyano, ang Orasyon ay hango sa incipit nitong: Angelus Domini nuntiavit Mariæ ("Binati ng Anghel ng Panginoon si Ginoong Santa Maria...") at dinarasal sa pagbanggit bilang bersikulo at tugon ng tatlong talata sa Bibliya na naglalarawan ng misteryo; kasalítan ang "Aba Ginoong Maria."[1]
Ang debosyon ay karaniwang dinarasal sa mga simbahan, kumbento at monasteryong Katoliko, tatlong ulit araw-araw: 6:00 nu, tanghaling-tapat, at 6:00 ng (marami pa ring simbahan ang sumusunod sa debosyon, at ilan sa mga kabahayan).[2] Sinusunod din ng ilang simbahang Anglicano at Luterano ang debosyon.
Karaniwang sinasamahan ang Orasyon ng pagtunog ng kampana, na isang panawagan upang magdasal at palaganapin ang kagandahang-loob sa lahat. Ang anghel na tinutukoy sa dasal ay si Gabriel, ang sugo ng Diyos na bumati kay Maria na siya'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki na kikilalaning Anak ng Kataas-taasan.[3]
Teksto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Latin
[baguhin | baguhin ang wikitext]℣. Angelus Domini nuntiavit Mariæ,
℟. Et concepit de Spiritu Sancto.
℣. Ave Maria, gratia plena, Dominus tecum. Benedicta tu in mulieribus, et benedictus fructus ventris tui, Iesus.
℟. Sancta Maria, Mater Dei, ora pro nobis peccatoribus, nunc et in hora mortis nostræ. Amen.
℣. Ecce Ancilla Domini.
℟. Fiat mihi secundum Verbum tuum.
℣. Ave Maria, gratia plena, Dominus tecum. Benedicta tu in mulieribus, et benedictus fructus ventris tui, Iesus.
℟. Sancta Maria, Mater Dei, ora pro nobis peccatoribus, nunc et in hora mortis nostræ. Amen.
℣. Et Verbum caro factum est.
℟. Et habitavit in nobis.
℣. Ave Maria, gratia plena, Dominus tecum. Benedicta tu in mulieribus, et benedictus fructus ventris tui, Iesus.
℟. Sancta Maria, Mater Dei, ora pro nobis peccatoribus, nunc et in hora mortis nostræ. Amen.
℣. Ora pro nobis, Sancta Dei Genetrix.
℟. Ut digni efficiamur promissionibus Christi.
Oremus: Gratiam tuam quæsumus, Domine,
mentibus nostris infunde;
ut qui, angelo nuntiante,
Christi Filii tui Incarnationem cognovimus,
per passionem eius et crucem,
ad resurrectionis gloriam perducamur.
Per eundem Christum Dominum nostrum.
℟. Amen.
Tagalog
[baguhin | baguhin ang wikitext]L. Binatì ng Anghel ng Panginoón si María
All. At siya'y naglihî lalang ng Espíritu Santo.
- Abá Ginoóng María, napupunô ka ng grasya, ang Panginoóng Diyos ay sumásaiyó. Bukód kang pinagpalà sa babaeng lahat, at pinagpalà namán ang iyóng Anak na si Hesús.
Santa María, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kamí'y mamámatay. Amen.
L. Nárito ang alipin ng Panginoón.
All. Maganáp nawâ sa akin ayon sa wikà mo.
- Abá Ginoóng María, napupunô ka ng grasya, ang Panginoóng Diyos ay sumásaiyó. Bukód kang pinagpalà sa babaeng lahat, at pinagpalà rin namán ang iyóng Anak na si Hesús.
Santa María, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kamí'y mamámatay. Amen.
L. At ang Verbo ay nagkatawáng-tao,
All. At nakibahagi sa atin.
- Abá María, napupunô ka ng grasya, ang Panginoóng Diyos ay sumásaiyó. Bukód kang pinagpalà sa babaeng lahat, at pinagpalà rin namán ang iyóng Anak na si Hesús.
Santa María, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kamí'y mamámatay. Amen.
L. Ipanalangin mo kamí, O Santang Maria Ina ng Diyos,
All. Nang kamí’y magíng karapat dapat na makinabang sa mga pangakò ni Kristo.
L: Manalangin tayo:
All: Panginoón, naming Diyos,
pagkalooban ang aming mga káluluwâ ng Iyóng mahál na grasya
at dahil sa pamamalità ng Ánghel
ay nákilala namin ang Pagkákatawang-tao ni Hesukristong Anak Mo;
sa pamamagitan niya sa krus;
makinabang nawa kami sa pagkabuhay niyang muli;
sa kaluwalhatian sa langit;
sa pamamagitan din ni Kristong Panginoon namin;
Amen.
℟. Amen.
- Luwalhatì sa Amá, at sa Anak, at sa Espíritu Santo,
- Kapara noóng sa unang-una, ngayon at kailamán, at mágpasawaláng-hanggán. Amen. (3x)
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Prayer: a history by Philip Zaleski, 2005 ISBN 0-618-15288-1 p. 128
- ↑ Angelus
- ↑ (Lucas 1:26-38)