Oratorio dei Filippini
Itsura
Ang Oratorio dei Filippini (Oratoryo ni San Felipe Neri) ay isang gusali na matatagpuan sa Roma at itinayo sa pagitan ng 1637 at 1650 sa ilalim ng pangangasiwa ng arkitektong si Francesco Borromini. Ang oratoryo ay katabi ng Chiesa Nuova Santa Maria sa Vallicella, ang inang simbahan ng kapisanan. Sa harap ng dalawang panig ay isang maliit na nakakubling plaza, na kabahagi na ngayon ng Corso Vittorio Emanuele II.