Pumunta sa nilalaman

Oryente

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Oryental)
Sinaunang Oryente ng Imperyong Romano at ang eklesyastikong orden nito pagkaraan ng Konsilyo ng Chalcedon noong taong 451

Ang oryente[1] (Kastila: oriente, Ingles: orient) ay isang termino na kinagisnang gamitin ng mga Europeo sa anumang bagay na kabilang o mula sa mundong Silanganin. Kasalungat nito ang terminong oksidente na tumutukoy naman sa mundong Kanluranin.

Kadalasang pagpapalit-tawag ito sa kontinenteng Asya sa wikang Ingles, kabilang na ang Kanlurang Asya, Gitnang Asya, Timog Asya, Timog-silangang Asya, Silangang Asya, at kung minsan ay kasali ang Kaukaso. Unang ginamit ang katawagang oryente sa Malapit na Silangan, ngunit lumawak ang kahulugan nito paglaon at kasali na rin sa oryente ang Gitnang Asya, Timog-kanlurang Asya, Timog Asya, Timog-silangang Asya, o Malayong Silangan.

Malimit na gamitin ang terminong oryental (Ingles: oriental) ay kadalasang ginagamit upang ilarawan ang mga bagay mula sa Oryente o Silangang Asya, at sa mapanghamak na paraan, ang mga tao mula sa mga rehiyon na ito.[2]

Mga diyosesis administratibo ng Imperyong Romano noong 300, kabilang ang unang Diyosesis ng Oryente

Nagmumula ang salitang "oryente" sa salitang Latin na oriens, na nangangahulugang "silangan" (literal na kahulugan: "sumisikat" < orior "sumikat"). May mga katumbas sa maraming mga wika ang paggamit ng salitang "sumikat" upang tumukoy sa silangan (kung saan sumisikat ang araw): paghambingin ang mga terminong "Arevelk" sa wikang Armenyo: Արեւելք (nangangahulugang "Silangan" o "Pagsikat ng Araw" ang Arevkelk), "Levant" (< levant sa wikang Pranses, nangangahulugang "sumisikat"), "Vostok" sa wikang Ruso: Восток (< voskhod / восход sa wikang Ruso, nangangahulugang "pagsikat ng araw"), "Anatolia" (< anatole sa wikang Griyego), "mizrah" sa wikang Hebreo (zriha na nangangahulugang "pagsikat ng araw"), "sharq" sa wikang Arabe: شرق (< Arabe yashriq / يشرق na nangangahulugang "sumikat", shurūq / شروق na nangangahulugang "sumisikat"), "shygys" sa wikang Kasaho: шығыс (< Kasaho shygu / шығу "lumitaw"), "doğu" sa wikang Turko (< Turko doğmak na nangangahulugang "sumilang" o "sumikat"), "xavar" sa wikang Persa: خاور (na nangangahulugang "silangan"), sa wikang Tsino: (Pinyin: dōng, isang pictograph ng araw na sumisikat sa likod ng isang puno[3]) at Lupain ng Sumisikat na Araw (Land of the Rising Araw) na tumutukoy sa Hapon. Literal na nangangahulugang "pagsikat ng araw" at "silangan" sa Arabe ang Mashriq, na nagmula sa pandiwang sharaqa (Arabe شرق, "suminag, lumiwanag, kumislap" at "sumikat"), mula sa ugat ng sh-rq (ش-ر-ق) na tumutukoy sa silangan, kung saan sumisikat ang araw.[4][5] Dating katimugang bahagi ng Silangang Imperyong Romano ang Mashriq.

Maraming itinayong mga sinaunang templo na may mga pasukang nakaharap sa Silangan, tulad ng mga templong pagano, templong Hindu, templong Budista, templong Jain, at ng Templo ng mga Hudyo sa Herusalem. Minana ng mga simbahang Kristiyano ang kinaugaliang ito.

Nagmumula ang kabaligtaran ng Oryente na "Oksidente" sa salitang Latin na occidens, na nangangahulugang kanluran (literal na paglubog < occidere "pagbaba/pag-ayos"). Nangangahulugan na kanluran ang salitang ito, bilang direksiyon na lumulubog ang araw, subalit hindi na gaanong ginagamit ang occident sa Ingles, at pinalitan na ng katawagang "Western world".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "oryente". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong Nobyembre 10, 2025.
  2. "Definition of ORIENTAL". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 27, 2022.
  3. Harbaugh, Rick (1998). "東". Chinese Characters: A Genealogy and Dictionary. Han Lu Book & Pub. Co. p. 227. ISBN 0-9660750-0-5. Nakuha noong Oktubre 26, 2010.
  4. Alvarez, Lourdes María (2009). Abu Al-Ḥasan Al-Shushtarī. Paulist Press. p. 157. ISBN 978-0-8091-0582-3.
  5. Peek, Philip M.; Yankah, Kwesi (Disyembre 12, 2003). African Folklore: An Encyclopedia. Routledge. p. 442. ISBN 978-1-135-94873-3.