Otonari no Tenshi-sama ni Itsu no Ma ni ka Dame Ningen ni Sareteita Ken
Otonari no Tenshi-sama ni Itsu no Ma ni ka Dame Ningen ni Sareteita Ken The Angel Next Door Spoils Me Rotten | |
Talaksan:The Angel Next Door Spoils Me Rotten volume 1 cover.jpg | |
お隣の天使様にいつの間にか駄目人間にされていた件 Kung Paano Ako Ginagawang Walang Kuwentang Tao ng Mala-anghel Kong Kapitbahay nang Di Ko Namamalayan | |
---|---|
Manga | |
Kuwento | Saekisan |
Naglathala | Shōsetsuka ni Narō |
Takbo | 20 Disyembre 2018 – kasalukuyan |
Manga | |
Kuwento | Saekisan |
Guhit |
|
Naglathala | SB Creative |
Imprenta | GA Bunko |
Demograpiko | Panlalaki |
Takbo | 15 Hunyo 2019 – kasalukuyan |
Bolyum | 9 + 2 na maikling kuwento |
Manga | |
Kuwento |
|
Guhit | Wan Shibata |
Naglathala | Square Enix |
Magasin | Manga Up! |
Demograpiko | Shōnen |
Takbo | 6 Enero 2022 – kasalukuyan |
Bolyum | 3 |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Lihua Wang |
Iskrip | Keiichirō Ōchi |
Musika | Moe Hyūga |
Estudyo | Project No.9 |
Lisensiya | Crunchyroll |
Inere sa | Tokyo MX, BS NTV, AT-X |
Takbo | 7 Enero 2023 – 25 Marso 2023 |
Bilang | 12 |
Manga | |
Otonari no Tenshi-sama ni Itsu no Ma ni ka Dame Ningen ni Sareteita Ken after the rain Kung Paano Ako Ginagawang Walang Kuwentang Tao ng Mala-anghel Kong Kapitbahay nang Di Ko Namamalayan after the rain | |
Kuwento | Saekisan |
Guhit | Puyo |
Naglathala | Square Enix |
Magasin | Manga Up! |
Demograpiko | Shōnen |
Takbo | 7 Disyembre 2023 – kasalukuyan |
Ang Otonari no Tenshi-sama ni Itsu no Ma ni ka Dame Ningen ni Sareteita Ken (Hapones: お隣の天使様にいつの間にか駄目人間にされていた件, lit. na 'Kung Paano Ako Ginagawang Walang Kuwentang Tao ng Mala-anghel Kong Kapitbahay nang Di Ko Namamalayan', Ingles: The Angel Next Door Spoils Me Rotten , lit. na 'Ginagawa Akong Bulok ng Anghel sa Kabila') ay isang nobelang magaan na isinulat ni Saekisan at iginuhit ni Hanekoto.
Balangkas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakatira na mag-isa si Amane Fujimiya at ang pinakamaganda niyang kaklase, si Mahiru Shiina, ay nakatira sa kasunod na silid, na hindi nila alam noong una. Halos hindi sila nag-uusap kahit magkaklase sila—hanggang sa araw na makita niya itong nalulungkot sa tag-ulan at ipinahiram sa kanya ang kanyang payong. Upang ibalik ang pabor, nag-aalok siya sa kanya ng tulong sa paligid ng bahay, at bago nila ito napagtanto, ang isang relasyon ay unti-unting namumulaklak habang ang distansya sa pagitan nila ay lumalapit.
Mga tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Amane Fujimiya (藤宮 周 Fujimiya Amane)
- Boses ni: Taito Ban[1]
- Ang bida ng serye, siya ay isang mahiyain at nag-iisa na binata na nasa sekondarya at nakatira nang mag-isa sa kanyang apartment. Dahil hindi siya magaling mag-ayos ng mga bagay, madalas siyang kumakain sa labas o bumili ng pagkain sa mga convenience store. Nagsimula siyang umibig kay Mahiru habang nakikipag-usap ito sa kanya, ngunit patuloy na pinapaalalahanan ang sarili na huwag dahil hindi sila nagliligawan, at dahil sa takot na tanggihan siya nito.
- Mahiru Shiina (椎名 真昼 Shiina Mahiru)
- Boses ni: Manaka Iwami[1]
- Ang babaeng bida ng serye, isang napakarilag at mabait na dalagita na nakatira nang mag-isa sa maliit na apartment, sa tabi ng kina Amane. Iniidolo siya sa paaralan dahil sa kanyang kagandahan pati na rin sa kanyang kakayahan sa akademiko at atleta at binigyan ng palayaw na Angel. Galing siya sa mayamang pamilya, pero malayo siya sa kanyang mga magulang dahil hindi sila magkasundo. Bagama't sa simula ay hindi nagpapakita ng damdamin o pagmamahal para kay Amane, nagsimula siyang mag-init sa kanya habang sila ay nagbubuklod at napagtanto na maaaring mahuhulog din siya sa kanya. Ang ina ni Amane ay nagkakaroon ng pagmamahal sa kanya at pinahahalagahan ang kanyang pag-aalaga sa kanya.
- Ang kanyang pangalan na Mahiru (lit. "tanghali"), na ibinigay ng kanyang ama, si Asahi (lit. "araw ng umaga"), na kumakatawan sa tanghali sa pagitan ng umaga at gabi, na siyang pangalan ng kanyang ina, si Sayo (lit. "munting gabi").[2]
- Itsuki Akasawa (赤澤 樹 Akasawa Itsuki)
- Boses ni: Taku Yashiro[1]
- Kaibigan at kaklase ni Amane. Siya ay isang masayahin at mabait na binatilyo at isa siya sa kakaunting kaibigan ni Amane pagkatapos niyang lisanin ang kanyang bayan. Matapos niyang malaman ang tungkol sa relasyon nina Amane at Mahiru, siya na ang sumuporta at nagpayo kay Amane, na mahiyain sa paksang "pag-ibig" o romansa.
- Chitose Shirakawa (白河 千歳 Shirakawa Chitose)
- Boses ni: Haruka Shiraishi[1]
- Kaklase ni Amane at kasintahan ni Itsuki.
- Yūta Kadowaki (門脇 優太 Kadowaki Yūta)
- Boses ni: Kensho Ono
- Kaklase nina Amane at Mahiru, siya ang pinakadalubhasa ng track and field team ng paaralan at sikat siya sa mga babae, na kung saan naging bansag siya bilang "Prinsipe". Bukod kina Itsuki at Chitose, sinuportahan rin niya ang relasyon nina Amane at Mahiru.
Iba pang tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Shūto Fujimiya (藤宮 修斗 Fujimiya Shūto)
- Ama ni Amane.
- Shihoko Fujimiya (藤宮 志保子 Fujimiya Shihoko)
- Ina ni Amane.
- Sayo Shiina (椎名 小夜 Shiina Sayo)
- Ina ni Mahiru.
Medya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nobelang magaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang serye ng nobelang magaan ay nagsimulang inilathala sa website na Shōsetsuka ni Narō noong Disyembre 2018. Mula Hunyo 2019, kinuha ng SB Creatives ang serye at naglathala sila ng siyam na volume sa ilalim ng kanilang GA Bunko label, habang ang Yen Press ang may hawak ng lisensiya na mga sinalin sa Ingles sa Hilagang Amerika.[3] Si Nicole Wilder ay responsable sa pagsasalin ng mga nobelang magaan sa wikang Ingles.[4]
Mula volume 2, si Hanekoto ang naging kapalit ni Hazano Kazutake bilang tagapag-guhit.[5]
Manga
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang adaptasyon ng serye sa manga, na inanunsiyo noong 18 Nobyembre 2019,[6] na may sining ni Wan Shibata at komposisyon ni Suzu Yūki, ay nagsimula ang paglalathala sa online manga magazine ng Square Enix na Manga Up! noong 6 Enero 2022.[1][7] Mula noong Disyembre 7, 2023, ang mga kabanata nito ay nakolekta sa tatlong volume na tankōbon.
Anime
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inanunsiyo noong 4 Enero 2022 na ang serye ay magkakaroon ng adaptasyong anime. Ito ay produksiyon ng Project No.9 at direksiyon ni Lihua Wang, na may pamamahala ni Kenichi Imaizumi, panulat ng mga iskrip ni Keiichirō Ōchi, disenyo ng mga tauhan ni Takayuki Noguchi, at komposisyong musika ni Moe Hyūga.[1] Ipinalabas ang serye sa Tokyo MX at iba pang mga estasyon mula 7 Enero hanggang 25 Marso 2023.[8]
Inanunsiyo sa isang kaganapan noong 8 Oktubre 2023 na magkakaroon ng ikalawang season ang nasabing palabas.[9]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Loo, Egan (Enero 4, 2022). "The Angel Next Door Spoils Me Rotten Light Novels Get TV Anime". Anime News Network. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 7, 2022. Nakuha noong Enero 4, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 佐伯さん (Setyembre 30, 2019). お隣の天使様質問回答そのに (sa wikang Hapones). Shōsetsuka ni Narō. Nakuha noong Agosto 12, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pineda, Rafael Antonio (Hulyo 3, 2020). "Yen Press Licenses Unnamed Memory, 5 Other Novels, 6 Manga". Anime News Network. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 3, 2020. Nakuha noong Hulyo 14, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The angel next door spoils me rotten". Library of Congress Catalog. 2022-04-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 佐伯さん (Pebrero 18, 2020). 【重要】お隣の天使様の発売日につきまして (sa wikang Hapones). Shōsetsuka ni Narō. Nakuha noong Hulyo 14, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 佐伯さん (Nobyembre 18, 2019). お隣の天使様コミカライズ&続刊決定! (sa wikang Hapones). Shōsetsuka ni Narō. Nakuha noong Setyembre 1, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "お隣の天使様にいつの間にか駄目人間にされていた件" [The case where the angel next door made me a useless human]. Manga UP! (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2023. Nakuha noong 25 Abril 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hodgkins, Crystalyn (Oktubre 4, 2022). "The Angel Next Door Spoils Me Rotten Anime's Promo Video Reveals January 2023 Debut". Anime News Network. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 17, 2022. Nakuha noong Agosto 12, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Loo, Egan (Oktubre 8, 2023). "The Angel Next Door Spoils Me Rotten Anime Gets 2nd Season". Anime News Network. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 8, 2023. Nakuha noong Oktubre 8, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga link sa labas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Web novel at Shōsetsuka ni Narō (sa Hapones)
- Opisyal na website ng nobelang magaan (sa Hapones)
- Website ng anime (sa Hapones)
- Otonari no Tenshi-sama ni Itsu no Ma ni ka Dame Ningen ni Sareteita Ken (light novel) sa ensiklopedya ng Anime News Network