PBN Broadcasting Network
Uri | Pribado |
---|---|
Industriya | Pagsasahimpapawid |
Ninuno | People's Broadcasting Network People's Broadcasting System |
Itinatag | Oktubre 24, 1958 |
Punong-tanggapan | Bicol |
Pangunahing tauhan | Jorge Bayona Founder |
Website | pbnbicol.com |
Ang PBN Broadcasting Network, Inc. ay isang kumpanyang pagsasahimpapawid. Ang opisina nito ay matatagpuan sa 3rd floor, Eesan Bldg., #32 Quezon Ave., Lungsod Quezon, at ang punong tanggaan nito ay matatagpuan sa 3rd Floor, Bayona Bldg., Imperial Court Subd. Phase 1, Legazpi, Albay.[1][2][3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang PBN noong Oktubre 24, 1958 bilang Bicol Wire Broadcasting System (BWBS). Sa pamumuno ni George D. Bayona, pinangunahan ng PBN ang pagsasahimpapawid sa rehiyon ng Bicol sa pamamagitan ng "Radyo Balagon".[4]
Sa tagumpay ng BWBS, at bagama't nasa simula pa lamang ang klaseng teknolohiya noong dekada 60, naging People's Broadcasting System (PBS) ang BWBS. Noong 1960, itinatag ang kauna-unahang himpilan sa lalawigan ng Albay, ang DZGB-AM.[5]
Hindi nagtagal at nagpatayo ito ng DZGM, ang kauna-unahang himpilang nagpatugtog ng musika bilang mayorya ng mga programa nito. Noong dekada 70, nagpalawig ang PBS sa iba't ibang mga lugar sa Bicol sa pamamgitan ng DZMD-AM sa Daet noong Hunyo 24, 1970, at DZMS-AM sa Sorsogon noong 1972. Sa parehong taon, naging People's Broadcasting Network (PBN) ang PBN.
Noong 1987, sumabak ang PBN sa pagsasahimpapawid sa FM sa pamamgitan ng DWGB-FM sa Legazpi. Makalipas ang halos anim na buwan, naging kabilang ito sa mga pinakapinakikinggan na himpilan sa FM sa lungsod.
Sa pagdating ng dekada 90, sumabak ang PBN sa pagsasahimpapawid sa telebisyon sa pamamgitan ng PBN TV 5 sa Naga noong Marso 3, 1995. Bukod sa pagpalabas ng sarili nitong mga programa, naging lokal na kaanib ito ng ABC 5 (na ngayo'y TV5). Noong Hunyo sa parehong taon, itinatag ang PBN TV 6 sa Legazpi. Sa parehong taon, naging PBN Broadcasting Network, Inc. ang PBN.
Dahil sa malaking tagumpay ng DWGB-FM sa Legazpi, itinatag ang DZGB-FM sa Naga noong Hulyo 3, 1995. Sa kalagitnaan ng dekada 2010, nagpalawig ang pagsasahimpapawid nito sa FM sa Daet, Tabaco at Katimugang Leyte.
Mga Himpilan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangalan | Callsign | Ch. # | Lakas | Lokasyon |
---|---|---|---|---|
PBN 5 | DZGB | TV-5 | 10,000 watts | Naga |
AM
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangalan | Callsign | Talapihitan | Lakas | Lokasyon |
---|---|---|---|---|
DZGB | DZGB | 729 kHz | 10,000 watts | Legazpi |
FM
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangalan | Callsign | Talapihitan | Lakas | Lokasyon |
---|---|---|---|---|
OKFM Naga | DZOK | 97.5 MHz | 5,000 watts | Naga |
OKFM Daet | DWJL | 98.5 MHz | 5,000 watts | Daet |
OKFM Legazpi | DWGB | 97.1 MHz | 5,000 watts | Legazpi |
OKFM Sorsogon | DWJX | 89.5 MHz | 5,000 watts | Lungsod ng Sorsogon |
WGB FM | DWPT | 106.9 MHz | 5,000 watts | Tabaco |
OKFM Sogod | DYLX | 102.1 MHz | 5,000 watts | Sogod |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ House Bill No. 3243
- ↑ Republic Act No. 8158
- ↑ President signs four laws extending various broadcast franchises
- ↑ Bacason, Jed (July 28, 2005). "Golden voices of Legazpi radio". Philippine Daily Inquirer. Makati. p. A15. Nakuha noong November 29, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
- ↑ "Legaspi City profile report (Part 1 of 2)". The Philippine Economy Bulletin. Manila: National Economic Council. January–February 1969. p. 25. Nakuha noong November 30, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.