Sementeryo del Norte
Pasukan ng Sementeryo ng Hilagang Maynila | |
| Detalye | |
|---|---|
| Kinaroroonan | Santa Cruz, Maynila |
| Bansa | |
| Klase | Pampubliko |
| Nagmamay-ari | Lungsod ng Maynila |
| Sukat | 54 ha (130 akre) |
| Hanapin ang Libingan | Sementeryo del Norte |
Ang Sementeryo del Norte[1][2] o Sementeryo ng Hilagang Maynila (Kastila: Cementerio del Norte, Ingles: Manila North Cemetery) na dating tinatawag na Paang Bundok ay ang isa sa pinakamatanda at pinakamalaking sementeryo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Nasa 54 hektarya ang lawak nito. Ang nasa hangganan nito ang Sementeryo ng La Loma at Sementeryong Tsino ng Maynila. Ang sementeryong ito ay nasa pangangasiwa ng pamahalaan ng Maynila.
Matatagpuan sa Abenida Andres Bonifacio, maraming maralitang pamilya ang partikular na naninirahan sa ilang mga mausoleo.[3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Sementeryo ng Hilagang Maynila ay dating bahagi ng Sementeryo ng La Loma subalit inihiwalay bilang isang eksklusibong libingan para sa mga Katoliko.[4] Ang sementeryong dating kilala sa Kastilang pangalan nito na Cementerio del Norte[5] ay isinagawa noong 1904.[6]
Noong una, ang buong sementeryo ay tinatawag na Paang Bundok, ang lugar na pinili ni Jose Rizal bilang kanyang huling himlayan. Ang kasalukuyang Paang Bundok ay isang barangay na matatagpuan bago ang sementeryo.[7]
Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging lugar ng kalupitan ang sementeryo, ayon sa mga ulat na ang mga puwersang Imperyal na Hapones na pinamunuan ni Heneral Tomoyuki Yamashita, malupit na pinatay ang mahigit 2,000 walang kalaban-labang sibilyan sa sementeryo mula Oktubre hanggang Nobyembre 1944.[5]
Arkitektura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang isa sa mga pinakamatandang sementeryo sa kalakhang Maynila, makikita ang katangian nito sa iba’t ibang disenyo ng mga mausoleo na sumasalamin sa namamayaning estilo ng arkitektura sa Pilipinas noong mga panahong itinayo ang mga ito. Ang mga istilo ay nag-iiba mula sa payak, karaniwang pininturahan at may kaunting luntian, hanggang sa napakakomplikadong disenyo na may mga relief o ukit na nakaangat na mahirap ukitin at may sari-saring kulay.
Pook ng mga impormal na naninirahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maraming tao ang nakatira sa loob ng sementeryo, at ilan sa kanila ay nagsisilbing tagapag-alaga ng mga mausoleo kung saan rin sila nanunuluyan upang mabuhay. Kapag dumarating ang mga pamilya o may-ari ng mga mausoleo, lalo na tuwing at matapos ang Araw ng mga Kaluluwa, lumilipat ang mga pamilya sa ibang lugar. Bukod pa rito, ang mga impormal na naninirahan ay madalas ding nagsisilbing di-opisyal na tagapaglibot, na nagdadala ng mga bisita sa mga puntod ng mga tanyag na tao at nagkukuwento ng pasalitang kasaysayan ng lugar.[6] Ang iba naman ay sinasamantala ang dami ng mga bisita tuwing kapistahan ng Allhallowtide (Tatlong Araw ng mga Banal at Kaluluwa), nagtatalaga ng mga tindahan upang magbenta ng inumin at meryenda, at nag-aalok ng iba pang serbisyo gaya ng pagpapagamit ng kanilang palikuran kapalit ng bayad.[8]
Noong 2019, isinagawa ang mga operasyong paglilinis na sumira sa mga barung-barong at iba pang harang sa loob ng sementeryo, dahilan upang mapaalis ang mga pamilyang naninirahan sa mga barung-barong at sa mga mausoleo.[9]
Mga kilalang personalidad na nakahimlay dito
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Babasahing Panggitnang Baytang Sa Tagalog: Intermediate Readings in Tagalog. University of California Press. 1968. p. 75.
- ↑ Lubang, Jeffrey Alfaro (2007). Pantyon: ilang pamahiin, tradisyon, at kuwento ng paglilibing sa Kabite. Ige Ramos Design Studio. p. 7. ISBN 978-971-93979-1-5.
- ↑ James Chance (2010). "Living with the dead: Manila's North Cemetery". Pictures of the Year International (sa wikang Ingles). Donald W Reynolds Journalism Institute. Nakuha noong Abril 5, 2013.
- ↑ Republic of the Philippines: Presidential Museum and Library."Our Heritage and the Departed: A Cemeteries Tour Naka-arkibo 2015-09-28 sa Wayback Machine.". (sa Ingles)
- 1 2 Palafox, Quennie Ann (Setyembre 4, 2012). "Cemeteries of Memories, Where Journey to Eternity Begins" (sa wikang Ingles). National Historical Commission of the Philippines. Nakuha noong Nobyembre 4, 2018.
- 1 2 Vintage Philippines. Disyembre 2, 2010. "Manila North Cemetery: A Time Capsule of Philippine History Naka-arkibo 2014-05-03 sa Wayback Machine.". (sa Ingles)
- ↑ "Rizal did not get his dying wish–to have simple burial at 'Paang Bundok'" (sa wikang Ingles). Disyembre 25, 2016.
- ↑ Sauler, Erik. Nobyembre 2, 2012. Philippine Daily Inquirer."From buko shakes to portalets, entrepreneurs thrive at Manila North Cemetery". (sa Ingles)
- ↑ Valenzuela, Nikka G. (Oktubre 30, 2019). "Illegal settlers out of Manila North Cemetery". Inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 9, 2020.