Padma (Nelumbo)
Padma | |
---|---|
![]() | |
Nelumbo nucifera o Padma (sacred lotus) | |
![]() | |
Nelumbo luteao Bayno (American lotus) | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Orden: | Proteales |
Pamilya: | Nelumbonaceae |
Sari: | Nelumbo Adans. |
Species | |
|
Ang Nelumbo (/nɪˈlʌmboʊ/) ay isang genus ng mga halamang-tubig na may malalaki at kapansin-pansing mga bulaklak. Karaniwang tinatawag ang mga ito bilang lotus, bagama’t ginagamit din ang pangalang ito para sa iba’t ibang halaman at grupo ng halaman kabilang na ang genus na Lotus na hindi kaugnay ng Nelumbo. Ang sagradong lotus ay tinatawag na Padma sa Filipino, habang ang European lotus naman ay tinatawag na Bayno. Kahit kahawig ng mga halamang kabilang sa pamilyang Nymphaeaceae (mga liryo sa tubig), ang Nelumbo ay malayong kaugnay nito sa agham[1]
Ang Nelumbo ay isang sinaunang genus, at may mga fossil ng dose-dosenang species nito mula pa noong Panahong Cretaceous. Gayunpaman, dalawa lamang ang kilalang buhay na species ng lotus sa kasalukuyan:
- Ang mas kilalang Nelumbo nucifera, o Padma sa wikang Filipino na likas sa Silangang Asya, Timog Asya, Timog-Silangang Asya, at marahil pati Australia. Karaniwan itong itinatanim bilang pagkain at ginagamit din sa tradisyunal na medisina ng Tsina.
- Ang Nelumbo lutea, o Bayno sa wikang Tagalog na likas sa Hilagang Amerika at sa Caribbean.
May mga horticultural hybrids (mga pinaghala-halong uri) na ginawa mula sa dalawang allopatric species na ito (ibig sabihin, mula sa magkaibang rehiyon).[2]
Sangunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Zhang, Youfa; Wu, Hao; Yu, Xinquan; Chen, Feng; Wu, Jie (2012-03). "Microscopic Observations of the Lotus Leaf for Explaining the Outstanding Mechanical Properties". Journal of Bionic Engineering (sa wikang Ingles). 9 (1): 84–90. doi:10.1016/S1672-6529(11)60100-5. ISSN 1672-6529.
{{cite journal}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Marmur, Abraham (2004-04-01). "The Lotus Effect: Superhydrophobicity and Metastability". Langmuir (sa wikang Ingles). 20 (9): 3517–3519. doi:10.1021/la036369u. ISSN 0743-7463.