Pumunta sa nilalaman

Pag-anito

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Igorot hipagmga anitong ninuno, mga espirtu ng mandirigma (c. 1900)

Ang pag-anito o pagsamba sa mga patay, kabilang na ang mga ninuno, ay nakabatay sa pag-ibig at respeto para sa mga yumao.[1][2] Sa ilang kultura, ito ay kaugnay ng paniniwalang may patuloy na pag-iral ang mga patay, at maaaring mayroon silang kakayahang makaapekto sa kapalaran ng mga buhay. Ang ilang grupo ay nagpaparangal sa kanilang mga direktang kamag-anak na ninuno. Ang ilang relihiyosong grupo, partikular na ang mga Silangang Ortodoksong Simbahan, Simbahang Anglikano, at Simbahang Katoliko ay nagbibigay galang sa mga santo bilang mga tagapamagitan sa Diyos; naniniwala rin ang huli sa panalangin para sa mga kaluluwang nasa Purgatoryo. Subalit, may mga ibang relihiyosong grupo na itinuturing ang paggalang sa mga patay bilang pagsamba sa diyus-diyusan at kasalanan.

pag-anito o pag-a-anito sa pakikipag-usap sa mga espiritu ng mga patay, masasamang espiritu at mga diyos-diyosan[3][4]

Pagsamba sa mga yumao sa sinaunang kulturang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sinaunang Tagalog ay naniniwala sa mga anito, ang mga espiritu o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. Pinararangalan at sinasamba nila ang mga ito sa araw-araw, lalo na ang mga espiritu ng mga magulang at lolo’t lola na pumanaw na. Ang mga espiritu ng mga ninuno ay kadalasang kinakatawan ng maliliit na imahen na itinatago sa bahay, kung minsan ay yari sa ginto at may anyong hayop, gaya ng buwaya.[5][6]

Hindi lamang sa tahanan matatagpuan ang mga anito. Naniniwala ang ilan na naninirahan din sila sa mga bundok, kagubatan, at palayan. Kadalasan, sila ay mga kaluluwa ng sinaunang mandirigma o mga naunang nanirahan sa lupa. Naniniwala ang mga Tagalog na kaya silang protektahan o saktan ng mga espiritung ito kaya pinararangalan sila nang may paggalang.[5] [7] [8][9]

Hindi tulad ng ibang kultura sa paligid na sumasamba sa maraming diyos at espiritu nang walang imahen, ang mga Tagalog ay gumagawa lamang ng pisikal na representasyon para sa ilang anito, partikular na yaong kaugnay ng sambahayan. May iba’t ibang pangalan para sa mga espiritung ito depende sa rehiyon at tribo. Habang ang mga Tagalog ay gumagamit ng salitang anito, ang iba ay gumagamit ng nitu, aitu, o hantu. Ipinapakita nito kung gaano kalaganap at kalalim ang paniniwala sa mga espiritu ng ninuno sa buong Timog-Silangang Asya.[5] [10] [11][12]


Mga pag samba sa patay sa ibang kultura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Kultura sa Kanlurang at Timog-Silangang Africa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagpaparangal sa mga ninuno ay laganap sa buong Africa, at nagsisilbing batayan ng maraming relihiyon. Madalas itong sinasabayan ng paniniwala sa isang kataas-taasang nilalang, ngunit ang mga panalangin at/o alay ay karaniwang iniaalay sa mga ninuno na maaaring ituring na maliit na mga diyos. Nanatili ang pagpaparangal sa mga ninuno sa maraming mga Aprikano, minsan ay isinasabay sa mga relihiyong kalaunang ipinakilala tulad ng Kristiyanismo (gaya sa Nigeria sa mga Igbo people) at Islam (sa mga iba't ibang Mandé na grupo at ang Bamum at Bakossi na mga tao) sa maraming bahagi ng kontinente.[13][14] Sa ortodoksong Serer religion, ang pangool ay pinararangalan ng mga Serer people.

Serer ng Senegal at Gambia

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga Seereer na tao ng Senegal, Gambia at Mauritania na sumusunod sa mga turo ng A ƭat Roog (relihiyong Seereer) ay naniniwala sa pagpaparangal sa pangool (mga sinaunang banal na Seereer at/o espiritu ng ninuno). Mayroong iba't ibang uri ng pangool (isahan: fangol), bawat isa ay may kani-kaniyang paraan ng pagpaparangal.

Famadihana seremonya ng muling paglilibing

Ang pagpaparangal sa mga ninuno ay laganap sa buong isla ng Madagascar. Tinatayang kalahati ng populasyon ng bansa na may 20 milyong katao ang kasalukuyang nagsasagawa ng tradisyunal na relihiyon,[15] na karaniwang nagbibigay-diin sa ugnayan ng mga buhay at ng razana (mga ninuno). Ang ganitong pagpaparangal ay humantong sa malawakang tradisyon ng pagtatayo ng mga libingan, pati na rin ang pagsasagawa ng famadihana sa kabundukan, kung saan ang labi ng yumaong kamag-anak ay hinuhukay upang muling balutan ng bagong seda bago muling ilibing. Ang famadihana ay isang okasyon upang ipagdiwang ang alaala ng mahal na ninuno, magtipon ang pamilya at komunidad, at magsaya. Ang mga residente ng karatig nayon ay madalas na iniimbitahang dumalo sa salu-salo, kung saan may pagkain, alak, at karaniwang may musikang hiragasy o iba pang aliwan.[16] Ipinapakita rin ang pagpaparangal sa mga ninuno sa pagsunod sa mga fady, mga tabu na iginagalang habang at pagkatapos ng buhay ng taong nagtakda nito. Pinaniniwalaan na ang pagpapakita ng respeto sa mga ninuno sa ganitong paraan ay maaaring magdulot ng biyaya sa mga buhay. Sa kabaligtaran, ang mga kamalasan ay madalas isinasangkot sa mga ninunong hindi nirerespeto. Ang pag-aalay ng zebu ay isang tradisyonal na paraan ng paggalang sa mga ninuno. Ang mga simpleng kilos ng respeto araw-araw ay kinabibilangan ng pagbuhos ng unang tagay ng bagong bukas na alak sa hilagang-silangang sulok ng kwarto bilang bahagi ng kanilang karampatang alay.[17]

  1. Scott, William Henry (1994). Barangay: sixteenth-century Philippine culture and society. Quezon City, Manila, Philippines: Ateneo de Manila University Press. ISBN 978-971-550-135-4.
  2. Zialcita, Fernando N.; (2020-10-28). "Gilda Cordero-Fernando, 1932–2020". Philippine Studies: Historical and Ethnographic Viewpoints. 68 (3). doi:10.13185/2244-1638.1070. ISSN 2244-1638.{{cite journal}}: CS1 maint: extra punctuation (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. Scott, William Henry (1994). Barangay: sixteenth-century Philippine culture and society. Quezon City, Manila, Philippines: Ateneo de Manila University Press. ISBN 978-971-550-135-4.
  4. Zialcita, Fernando N.; (2020-10-28). "Gilda Cordero-Fernando, 1932–2020". Philippine Studies: Historical and Ethnographic Viewpoints. 68 (3). doi:10.13185/2244-1638.1070. ISSN 2244-1638.{{cite journal}}: CS1 maint: extra punctuation (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 Blair, Emma Helen; Robertson, James Alexander; Bourne, Edward Gaylord (1903). The Philippine Islands, 1493–1803. Bol. 5 (1582–1583). The Arthur H. Clark Company. Inarkibo mula sa orihinal noong June 4, 2024. Nakuha noong June 4, 2024.
  6. "Blumentritt, Ferdinand". doi.org. Nakuha noong 2025-05-05.
  7. "Blumentritt, Ferdinand". doi.org. Nakuha noong 2025-05-05.
  8. Zaide, Sonia M. (1999). The Philippines: A Unique Nation (ika-2nd (na) edisyon). Quezon City: All-Nations Publishing Company. p. 69. ISBN 971-642-064-1.
  9. "The Gods and Goddesses". Philippines Mythology and Folklore. Nakuha noong May 2, 2022.
  10. "Blumentritt, Ferdinand". doi.org. Nakuha noong 2025-05-05.
  11. Alvina, C.S. (2001). "Colors and patterns of dreams". Sa Oshima, Neal M.; Paterno, Maria Elena (mga pat.). Dreamweavers. Makati City, Philippines: Bookmark. pp. 46–58. ISBN 9715694071.
  12. "The Preconquest Filipino Tattoos". Datu Press. January 10, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 10, 2021. Nakuha noong August 10, 2021.
  13. Igor Kopytoff (1997), "Ancestors as Elders in Africa", sa Roy Richard Grinker, Christopher Burghard Steiner (pat.), Perspectives on Africa: A Reader in Culture, History, and Representation, Blackwell Publishing, ISBN 978-1-55786-686-8
  14. Some reflections on ancestor worship in Africa Naka-arkibo 2009-04-25 sa Wayback Machine., Meyer Fortes, African Systems of Thought, pp. 122–142, University of Kent.
  15. Bureau of African Affairs (3 May 2011). "Background Note: Madagascar". U.S. Department of State. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 October 2020. Nakuha noong 24 August 2011.
  16. Bearak, Barry (5 September 2010). "Dead Join the Living in a Family Celebration". New York Times. p. A7. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 January 2012. Nakuha noong 13 January 2012.
  17. Bradt (2011), pp. 13–20