Pagboykot sa mga gawang-Tsina
Maraming kampanya ang isinagawa sa iba't ibang panig ng mundo para ipanawagan ang pagboykot sa mga gawang-Tsina. Madalas, itinuturo ang dahilan sa di umano'y mababang kalidad ng mga produkto (sa kolokyal na usapan, made in China), mga isyu sa karapatang-pantao, mga awayan sa teritoryo, suporta para sa mga kilusang gustong humiwalay sa Tsina, hanggang sa mga pagtanggi sa mga bagay na may kinalaman ang Tsina, tulad ng palpak na pamamahala ng gobyerno nito sa pandemya ng COVID-19.
Ipinapanawagan ang pagboykot sa mga gawang-Tsina sa mga bansang tulad ng India, Pilipinas, at Vietnam, gayundin sa mga kilusang gustong humiwalay sa Tsina. Mahirap ang tunay na pagboykot sa gawang-Tsina, dahil na rin sa katotohanang maraming mga produkto ang ginagawa at iniluluwas ng Tsina sa iba't ibang panig ng mundo, at marami sa mga Tsino ang may hawak o may kontrol sa mga kumpanyang di-Tsino.
Mga dahilan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Tsina ay ang pinakamalaking bansa sa mundo batay sa populasyon, at pangatlong pinakamalaki ayon sa teritoryo. Nagsasalo ito ng iisang hangganan ng ilan sa ibang mga bansa.[1] Sa buong kasaysayan nito, nasangkot ito sa mga alitan ng teritoryo sa pagitan nito at ng mga kalapit-bansa nito.[2] Dahil nasa sentro ng Asya, nagtangka ang ilang mga emperador na Tsino na palawakin ang kanilang mga imperyo sa pamamagitan ng pakikidigma noong panahon ng mga dinastiya. At sa kasalukuyan, sangkot ang bansa sa mga usaping alitan ng teritoryo at hangganan ng mga bansa tulad ng Vietnam at Pilipinas ukol sa mga pulo at bahura sa Dagat Timog Tsina at ng India ukol sa lalawigan ng Arunachal Pradesh na inaangkin nito. Gayon din, may maraming mga pinagtatalunang pambansang interest at polisiya sa pagitan ng Tsina at ibang mga bansa, tulad ng mga alitan sa pagitan ng ibang mga bansa at Tsina at ng mga ka-alyando nito. Bilang bunga ng mga alitang ito, may pagtutol laban sa Tsina sa pagitan ng mga hangganang bansa nito, at ang mga panawagan sa pagboboykoteo ng mga produktong Intsik ay nagmumula sa naiwang galit dulot ng mga alitan sa mga hangganan.
Noong 1949, nakuha ng mga komunistang Tsino ang pamamahala ng Tsina.[3] Mula noong dekada-1980, naging isa sa unang mga prayoridad ng mga pinuno ng bansa ang pagpapaunlad ng ekonomiya.[4] Kadalasang nakagagawa ang mga kompanyang Tsino ng mga produktong nababagay sa mga inaasahan sa pamilihan; kaya maaaring hindi mataas ang kalidad ng mga produktong Intsik[5] kapag ninanais ng mga konsyumer ang mababang presyo.
Isang maaaring dahilan sa paglikha ng mga produktong mababa ang kalidad ang labis na pagdami ng populasyon ng tao. Ilang mga kompanya ay hindi kayang makahanap ng sapat na hilaw na materyales na kinakailangan sa paggawa ng mga produktong naglilingkod sa mga pangangailangan ng mga konsyumer, at sa halip ay nakagagawa ng mga bersiyong gawa sa mas-mura o mas-mababang kalidad na materyal. Sa pagkakataong ito, maaaring kulang din sa kapital, kasanayang pangalalang, at lakas sa pagbebenta sa pamilihan (marketing power) ang mga kompanya at negosyo, kaya nahahahantong lamang ito sa mga huwad o pekeng produkto. Maraming walang etikang mga kompanyang Intsik ay nakagawa ng mga huwad na produkto upang magkaroon ng mataas na kita. Kung minsan, nakokopya ang mga produkto ng mga tanyag na korporasyon tulad ng Apple, Hyatt at Starbucks.[6][7]
Gayunpaman, kung titingnan ang kalagayan ayon sa konteksto ng kasaysayan, maaaring pagtalunan ito bilang isang karaniwang transisyon sa paggawa, sapagkat ang yugto ng paggawa ng mga produktong huwad at mababa ang kalidad ay hindi bukod-tangi sa Tsina, dahil nakaranas din ng kahalintulad na yugtong ekonomiko ang mga bansang Hapon, Timog Korea, at Taiwan.[8][9] Kapag isasaisip ang nabanggit na impormasyon, maaaring mapansin na para bagang pataas ang kalakaran sa kalagayan ng paggawa sa Tsina, kalakip ng mga de-kalidad na mga produkto mula sa mga kompanyang Tsino tulad ng Huawei, Lenovo, at DJI nitong nakaraang mga taon.[10]
Itinuturing na isang malakas na hudyat at kasuduklan sa mababang antas ng kaligtasan sa pagkain sa Tsina ang naganap na iskandalo sa gatas sa Tsina ng 2008, kung saang maraming mga gatas ay mayroong melamine at nakaapekto ito ng libu-libong mga mamamayan, at dahil diyan maraming mga magulang na Tsino ay hindi nagtitiwala sa mga produktong gatas na Intsik.[11] Nitong nakaraang mga taon, inihayag ng pamahalaan ng Tsina na gumagawa sila ng mga hakbang upang maiayos ang mga produktong pagkain na may pinagdududahang kaligtasan at antas ng kalidad.[12]
Mga bansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maraming mga kampanyang pambuong bansa na naghihikayat ng pagboboykoteo ng mga produktong Intsik ang isinagawa ng iba't-ibang mga pangkat, dahil sa usapin ng pag-aangkin ng Tsina ng mga pulo at bahura sa Dagat Luzon sa loob ng eksklusibong sonang ekonomiko ng Pilipinas.[13] Sinuportahan ni Gobernador Joey Salceda ng Albay ang mga mamamayan sa pagboboykoteo ng mga Tsinong produkto hinggil sa pagtatalo sa Kapuluang Spratly at sa Kulumpol ng Panatag (o Kulumpol ng Scarborough) nang naganap ang Di-pagkakasundo sa Kulumpul ng Scarborough noong 2012.[14][15]
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- A ^ Ang salitang "iboykoteho" bilang salitang Tagalog/Filipino ng "boycott" ay ayon sa: pahina 22 ng English-Tagalog, Tagalog-English Dictionary, ni Marissa R. Enriquez, inilathala ng Amos Books, Inc., 1157 Abenida Quezon, Lungsod Quezon - ISBN 971-0324-24-1
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The World Factbook". Inarkibo mula sa ang orihinal noong Oktubre 13, 2016. Nakuha noong Oktubre 22, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo October 11, 2016[Date mismatch], sa Wayback Machine. - ↑ Xiaobing Li (2012). China at War: An Encyclopedia. Publisher ABC-CLIO. ISBN 1598844156. Preface XV.
- ↑ Mikhail Iosifovich Sladkovskiĭ (1966). History of Economic Relations Between Russia and China. Publisher Transaction Publishers. ISBN 1412825199. Page 236.
- ↑ "China, Japan can help by helping themselves". Nakuha noong Oktubre 22, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pula, Gabor& Santabárbara, Daniel (March 2011). Is China climbing up the quality ladder? Estimating cross country differences in product quality using Eurostat's COMEXT trade database. WORKING PAPER SERIES.
- ↑ "China's fake Apple shops point to impatience for the newest products". the Guardian. Nakuha noong Oktubre 24, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Copycat China Still A Problem For Brands & China's Future: Just Ask Apple, Hyatt & Starbucks". Forbes. Nakuha noong Oktubre 24, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rita Reif (Oktubre 9, 1994). "'Made in Japan' (Without the Inferiority Complex)" (sa wikang Ingles). The New York Times. Nakuha noong Hulyo 15, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Levy, Sidney; Rook, Dennis (1999). Brands, Consumers, Symbols and Research: Sidney J Levy on Marketing. p. 167. ISBN 0761916970.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kim Bhasin (Hunyo 12, 2013). "'Made In China' Evolves As Chinese Manufacturers Fight To Shed Poor Reputation" (sa wikang Ingles). The Huffington Post. Nakuha noong Hulyo 15, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Why it’s Still So Hard to Find Safe Baby Formula By Qi Yue (启越) The Economic Observer Online 2013-06-13 17:44
- ↑ Lin Fu (Mayo 13, 2016). "What China's new food safety law might mean for consumers and businesses" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 15, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ News Desk in Washington/Philippine Daily Inquirer. "Filipino, Vietnamese Americans call for boycott of 'Made in China' products". Yahoo News Philippines. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Oktubre 19, 2014. Nakuha noong Oktubre 19, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo October 19, 2014[Date mismatch], sa Wayback Machine. - ↑ "Philippine governor calls for boycott of 'Made in China' products". Inarkibo mula sa ang orihinal noong Oktubre 21, 2014. Nakuha noong Oktubre 19, 2014.
{{cite web}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo October 21, 2014[Date mismatch], sa Wayback Machine. - ↑ "Albay gov renews call for boycott of China products". Nakuha noong Oktubre 20, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)