Paggalang

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang paggalang ay ang pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa sarili. Kailangang mayroon itong lalim ng integridad, tiwala, mga komplementaryong pinapahalagaang kaugaliang wagas, at kasanayan.[1]

Dinadagdag ng paggalang ang pangkalahatang tiwalaan sa pakikipag-ugnayan sa lipunan. Tinutulot nito ang mga tao na magsama-samang gumawa sa isang komplementaryong gawi, sa halip na palagiang unawain o sang-ayunan ng bawat tao ang isa't isa. Mahalaga ang paggalang sa mga pamayanan dahil tumutulong ito sa mga tao na makibagay sa ibang mga tao.[1]

Samantala, ang pakundangan ay isang salita na nagpapahayag ng antas ng panggalang. Ang salitang ito ay nahahati sa dalawa at ito ang "paki" at "dangan" na ang una ay nagpapahayag ng paggalang at ang ikalawa ay nagsasabi ng may mabuting dahilan o katuwiran. Kung gagamitin ang salitang ito, mag-iisip muna ang isang tao kung itutuloy niya ang gagawin sa kaniyang kapuwa dahil may pakundangan siya.

Kabaligtaran ng paggalang ang paglapastangan na may kahulugang "kawalan ng pagrespeto".

Mga sanggunian[baguhin]


TaoBuhay Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Buhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.