Paghuhugas ng paa
Ang paghuhugas ng mga paa[1] o paglilinis ng mga paa[1] ay isang sinaunang Kristiyanong ritwal ng paglilingkod at kababaan ng kalooban na sinimulan ni Hesus ayon sa isang tagpuan sa Juan 13:1-17 ng Bagong Tipan ng Bibliya. Batay kay Juan[2], si Hesus ay "tumayo mula sa hapag, nag-alis ng panlabas na balabal at nagbigkis ng tuwalya sa baywang. Pagkatapos, naglagay siya ng tubig sa palanggana, at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad at pinunasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanyang baywang."[3] Isa itong hindi inaasahang kilos na ginawa ni Hesus, subalit isang galaw na nagpapatunay sa kanyang layunin: ang maglingkod at ibigay ang buhay bilang pantubos sa nakararami, kaugnay ng Mateo 10:45. Isa rin itong pagpapakita ng kababaan ng loob ni Hesus sa pamamagitan ng praktikal na mga gawain ng pag-ibig. Ginawa niya ang paglilinis na ito ng mga paa habang nagtatalu-talo ang mga alagad niya para sa pinakamainam na lugar sa hapag at kung sino ang pinakadakila sa kanila, isang bagay na nakapagpatahimik sa pagpapataasan o kompetensiya.[4] Maging upang ipakita ang sinabi niya sa Marcos 9:35 na: "Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat."[2][3] Sa pamamagitan ng paghuhugas ng mga paa, katulad ng sa kay Simon Pedro, gumanap si Hesus bilang isang tagapagsilbi.[4] Noong panahon ni Hesus, gawain ng mga alipin lamang ang paghuhugas ng mga paa ng ibang tao. Sagisag din ito ng kalinisan ng puso ng taong tumatanggap ng Eukaristiya.[1] Ayon kay Elaine Pagels, mula sinaunang mga panahon magpahanggang sa kasalukuyan marami nang mga kristiyanong muling nagsagawa at nagsasagawa pa ng pag-uulit at paggaya ng eksenang ito. Katulad ng Huling Hapunan, nagbigay daan ito sa pagiging isang rituwal sa Kristiyanismo. Sa Romanong Katolisismo, tuwing Huwebes bago ang Pasko ng Pagkabuhay, gumaganap ang Santo Papa bilang si Hesus sa pamamagitan ng paghuhugas sa mga paa ng kanyang mga kardinal. Sa Simbahan ni Hesukristo ng mga Santo ng Panghuling Panahon, hinuhugasan ng pangulo ng simbahan ang mga paa ng mga nakatatandang mga Mormon. Ginagawa rin ito sa iba pang mga kapangkatang Kristiyano, katulad ng mga simbahang Ortodokso, mga Protestante, ilang mga Bautista at mga Pentekolista.[2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C. (2000). "Juan 13:5 at Juan 13:12, Pangaral sa Huling Hapunan, III. Paghihirap at Muling Pagkabuhay ni Cristo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1582. - ↑ 2.0 2.1 2.2 Pagels, Elaine. Chapter Four, The Canon of Truth and the Triumph of John, Beyond Belief: The Secret Gospel of Thomas, Random House, Lungsod ng Bagong York, 2003, pahina 125, ISBN 0375501568
- ↑ 3.0 3.1 "Ang Halimbawa ng Paghuhugasan ng Paa, Juan 13:1-38; at Marcos 9:35". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Why did Jesus wash the disciples' feet?, John 13:1-17". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 160.
Panlabas na mga kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang Halimbawa ng Paghuhugasan ng Paa, Juan 13:1-38, mula sa AngBiblia.net