Pumunta sa nilalaman

Pagkapukaw na seksuwal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagkaantig na seksuwal)

Ang pagkapukaw na seksuwal o pagkaantig na seksuwal ay ang "pagkagising" ng damdaming seksuwal o pagkautog. Ito ang "pagkabuhay" o pagkanaudyok, pagkanabuyo, o pagkanasulsulan na humahantong sa pagkakaroon ng pagnanasang seksuwal, habang nagaganap o habang inaasahan ang gawaing seksuwal. Tinatawag na estimulong erotiko ang mga bagay na nakabubuo, nakabubuyo, o nakapagsusulsol ng seksuwal na pagkapukaw o seksuwal na pagkaantig. Kolokyal itong tinatawag na mga pampagana o pampaandar (ng kalibugan), katumbas ng turn-on sa Ingles. Maraming mga maaaring maging estimulo, kapwa pisikal o mental, na nakapagsasanhi sa isang tao upang malibugan. Karaniwang humahantong ang seksuwal na pagkaantig sa mga pagbabagong pisyolohikal sa naantig na tao, na ang ilan sa mga ito ay malinaw, hayagan, at malinaw; habang ang iba ay mas banayad o hindi gaanong halata.

Maaaring hindi humantong ang kaantigang seksuwal sa isang tiyak na gawaing seksuwal, na lampas sa kaantigang pang-isipan at sa mga pagbabagong pangpisyolohiyang kasabay o kasama nito. Kapag nabigay ng sapat na estimulasyong pangseks, ang pagkapukaw na seksuwal ay tipikal na magtatapos sa orgasmo; subalit ang kasabikang seksuwal o seksuwal na pananabik ay maaaring pasigasigin para sa sarili nitong kapakanan, kahit na walang orgasmo.

Ayon sa The Free Dictionary ng Farlex, ang mga damdaming seksuwal (sexual feelings) ay isang konstelasyon ng mga sentimyentong sikolohikal na binubuo ng hangarin o lunggati na seksuwal na masiyahan (katulad ng masiyahan sa pakikipagtalik) o pagpapakawala ng tensiyon o kaigtingan seksuwal.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Sexual Feelings, thefreedictionary.com