Pagpag

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang pagpag ay isang katawagang Tagalog para sa mga tirang pagkaing itinapon ng mga restawran o kainan sa basurahan o sa tambakan ng basura na hinahalungkat o kinakalakal para kainin.[1] Karaniwang itong hinuhugusan at muling niluluto upang kainin. Itinitinda rin ito sa ilang mga karinderya sa mas murang mga halaga.[2] Hinango ang katawagang pagpag sa karaniwang kahulugan nito sa Tagalog — ang pagpag bilang ang pag-alis ng isang bagay sa pamamagitan ng pagyugyog. Ang tirang pagkain ay tinatanggalan ng mga maduduming elemento sa pamamagitan ng pagpagpag kung kaya't tinawag itong pagpag. Nagbuhat mula sa mga tunay na hamon ng kagutuman na nagdulot mula sa labis na kahirapan.[3]

Maaring kainin ang pagpag sa mismong pinagkuhanan nito o kaya'y lutuin ito. Kadalasang piniprito ito sa mainit na mantika. May mga maliliit na mga industriyang nasa bahay ang lumitaw dahil sa pagpag. May mga mahihirap na ginagawang hanapbuhay ang pangangalakal, pagkolekta, pagproseso at pagbenta ng mga prinosesong pagpag sa ibang mahihirap.[3]

May panganib sa kalusugan ang pagkain ng pagpag. Kabilang sa mga ito ang paglunok ng lason at toksin, mga sakit na nakukuha sa pagkain at ibang karamdaman. Nagbabala ang Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan laban sa pagkain ng pagpag dahil sa banta ng malnutrisyon at sakit.[4] Sa kabila ng panganib ng pagkain ng pagpag, isang nagtitinda ng pagpag ang nagsabing wala pang namatay sa pagkain ng papag na binibenta niya.[5]

Ibang gamit ng salita[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa karaniwang gamit, nangangahulugan na ang pagpag ay ang pagtanggal ng alikabok o dumi. Katawagan din ang pagpag sa pamahiing Pilipino na nagsasabing hindi maaring umuwi ang isang taong galing sa burol hangga't hindi siya nagpapagpag.[6] Ginagawa ito upang maiwasan na sundan ng kaluluwa ng namatay ang tahanan ng dumalaw sa burol.[7][8]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Associated Press (13 Enero 2015). "Image of Asia: Eating pagpag in celebration of pope's visit" (sa Ingles). Daily Mail. http://www.dailymail.co.uk/wires/ap/article-2908202/Image-Asia-Eating-pagpag-celebration-popes-visit.html. Hinango noong 10 Hunyo 2016. 
  2. "'Garbage chicken' a grim staple for Manila's poor" (sa Ingles). CNN. 1 Mayo 2012. http://edition.cnn.com/2012/04/30/world/asia/philippines-pagpag-slums/. Hinango noong 10 Hunyo 2016. 
  3. 3.0 3.1 Rodriguez, Fritzie (15 Marso 2014). "Meal of the day: 'Pagpag'" (sa Ingles). http://www.rappler.com/move-ph/issues/hunger/53080-leftover-meal-hunger. Hinango noong 10 Hunyo 2016. 
  4. Michaela Cabrera (30 Abril 2008). "Filipino poor scavenge for recycled food to survive" (sa Ingles). Reuters. http://www.reuters.com/article/2008/04/30/us-philippines-food-scavengers-idUSSP32323420080430. Hinango noong 10 Hunyo 2016. 
  5. "Kalderetang pagpag, tampok sa 'Reel Time'". GMA News. 16 Abril 2016. http://www.gmanetwork.com/news/story/471054/newstv/reeltime/kalderetang-pagpag-tampok-sa-reel-time. Hinango noong 10 Hunyo 2016. 
  6. Manlangit, Shinji (30 Oktubre 2015). "14 of the Dumbest Superstitions from the Philippines" (sa Ingles). Philippine Daily Inquirer. http://preen.inquirer.net/16952/14-of-the-dumbest-superstitions-from-the-philippines. Hinango noong 10 Hunyo 2016. 
  7. Garcia, Joseph (26 Disyembre 2013). "A horror treat" (sa Ingles). BusinessWorld. http://ns5.bworldonline.com/content.php?section=Weekender&title=A-horror-treat&id=81266. Hinango noong 10 Hunyo 2016. 
  8. Marasigan, Zig (28 Disyembre 2013). "‘Pagpag:' Stylish superstition" (sa Ingles). http://www.rappler.com/entertainment/movies/46787-pagpag-stylish-superstition. Hinango noong 10 Hunyo 2016. 

Mga link na panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]