Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen Maria
Sanctae Mariae Coronavi ni Giacomo di Mino, c. 1340-1350
Litanya ng Loreto ni Papa Sixto V (1587):
Reyna ng mga Propeta
Reyna ng mga Apostol
Reyna ng mga Martir
Reyna ng mga Kumpesor
Reyna ng mga Birhen
Reyna ng mga Patriarka
Reyna ng mga Anghel
Reynang iniakyat sa Langit
Reyna ng Kapayapaan
Reyna ng lahat ng mga Santo
Reyna ng Santu-santuhang Rosaryo

Papa Pio XII (1954):
Reyna ng Langit

Ikalawang Konsilyong Vaticano (1964): Reyna ng Sansinukob (Lumen Gentium, sek.#59)
Pinipintuho sa Simbahang Katolika Romana
Kapistahan Mayo 31 (hanggang 1968)
Agosto 22 (kasalukuyan)
Katangian Si Maria kinorohan sa Langit ni Hesus, kasamaa o ng Banal na Santatlo; kerubin; napaliligiran ng mga Santo

Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen o Pagkokorona kay Maria ay isang paksa ng Kristiyanong sining na naging popular noong ika-14 hanggang ika-15 siglo lalo na sa Italya, subalit nagpatuloy pa rin ang pagkapopular nito hanggang ika-18 siglo. Si Kristo, kung minsa'y sinasamahan ng Diyos Ama at ng Espiritu Santo sa anyo ng isang kalapati ay nagpuputong ng korona sa ulo ni Maria bilang Reyna ng Langit. Sa mga naunang bersiyon, ang tagpo ng Langit ay tila'y nasa korte na pinaliligiran ng mga anghel at mga banal; sa mga kalaunang bersiyon, ang Langit ay karaniwang makikitang nasa kaulapan, na may mga nakaupo sa ulap. Mahalaga rin ang paksa dahil malimit nitong ipinapakita ang buong Kristiyanong Santatlo na magkakasama, at kung minsa'y sa di-karaniwang paraan. Bagaman makakikita ang mga kinokoronahang Birhen sa iconograpiya sa Silanganing Ortodoksiya, hindi makakikita ng diyos na nagpuputong ng korona. Minsa'y ipinapakita si Maria sa kapwa Silanganin at Kanluraning sining na kinokoronahan ng isa o dalawa pang anghel, ngunit ito'y itinuturing na magkaibang paksa.

Naging bahagi ang paksa sa pangkalahatang paglaganap ng debosyon kay Maria noong sinaunang panahong Gothic, at isa sa pinakakaraniwang paksang nakaligtas sa ika-14 na siglong pagpipinta sa Italya, karamihan sa mga ito'y ginagamit sa mga tagilirang-altar ng mga simbahan. Ang higit na bilang ng mga Katolikong simbahan ay may o nagkaroon ng mga tagilirang-altar o "Lady chapel" na handog kay Maria. Ang paksa ay karaniwan pa ring isinasadula sa mga ritwal o popular na prusisyong medyebal, bagaman ang pagpuputong ng korona ay ginagampanan ng mga tao.

Nagkaroon ng pagsang-ayon ng Papa ang paniniwalang si Maria ang Reyna ng Langit noong Oktubre 11, 1954 sa ensiklikang Ad caeli reginam ni Papa Pio XII.[1][2] Ito rin ang ikalimang Misteryo ng Luwalhati ng Rosaryo. Ipinagdiriwang sa Simbahang Katolika Romana ang kapistahan nito tuwing Agosto 22, kung kailan pinalitan nito ang dating oktaba ng pag-aakyat sa Langit kay Maria noong 1969, isang hakbang na ginawa ni Papa Pablo VI. Dating ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing Mayo 31, sa pagwawakas ng buwan ni Maria, kung kailan ginugunita na ng kasalukuyang pangkalahatang kalendaryo ang Kapistahan ng Pagdalaw ng Mahal na Birhen kay Elizabeth.

Pinagmulan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang tagpo ay ang huling kaganapan sa Buhay ng Mahal na Birhen, at kasunod ng kaniyang pag-aakyat sa langit — hindi pa dogma noong mga Gitnang Panahon — o Paghimbing. Matatagpuan sa Bibliya sa Awit ng mga Awit (4:8), Mga Salmo (45:11-12) at Pahayag (12:1-7) ang batayan nito sa Bibliya. Pinaliwanag ito sa isang sermong inakalang kay San Jeronimo at ginamit sa mga karaniwang likhang medyebal gaya ng Legenda aurea at ng iba pang manunulat. Ang titulong "Reyna ng Langit", o Regina Coeli, para kay Maria ay mula pa noong ika-12 siglo.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Ad caeli reginam."
  2. Frisk, M. Jean. "Coronation of Mary." The Marian Library. International Marian Research Institute. Hinango noong 2015-09-25.