Pumunta sa nilalaman

Pagsamba sa kalikasan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagsamba sa kalikasan o Pagdiwata sa Filipino, na tinatawag ding naturismo o fisiolatriya, ay tumutukoy sa iba't ibang uri ng panrelihiyon, espiritwal, at debosyonal na mga gawain na nakatuon sa pagsamba sa isang diyos ng kalikasan na itinuturing na nasa likod ng mga likas na penomenang makikita sa kalikasan.

Ang isang diyos ng kalikasan ay maaaring mamahala sa kalikasan, isang lugar, isang biotope, ang biospero, ang kosmos, o ang uniberso. Madalas itinuturing ang pagsamba sa kalikasan bilang sinaunang pinagmulan ng mga modernong paniniwalang panrelihiyon, at makikita ito sa animismo, pantheismo, panentheismo, politeismo, deismo, totemismo, shamanismo, Taoismo, Hinduismo, ilang anyo ng teismo, at paganismo kabilang ang Wicca.

Karaniwang taglay ng halos lahat ng anyo ng pagsamba sa kalikasan ang espiritwal na pokus sa ugnayan at impluwensya ng isang indibidwal sa ilang aspeto ng kalikasan at ang paggalang dito. Dahil sa kanilang paghanga sa kalikasan, ang mga akda nina Edmund Spenser, Anthony Ashley-Cooper, at Carl Linnaeus ay itinuturing na mga halimbawa ng pagsamba sa kalikasan.[1] [2] [3] [4] [5] [6] [7] [8] [9]

  1. "Definition of PHYSIOLATRY". Merriam-Webster. 2022-10-13. Nakuha noong 2022-10-13.
  2. Uversa Press (2003). The Urantia Book. New York: Fifth Epochal Fellowship. pp. 805–810. ISBN 0965197220.
  3. Weir, James (16 July 2008). "Lust and Religion" (eBook).
  4. Tzu, Chuang Tzu (2010). The Tao of Nature (sa wikang Ingles) (ika-1st (na) edisyon). United kingdom: Penguin UK. pp. 25–100. ISBN 9780141192741.
  5. Sanders, C. (2009). Wicca's Charm: Understanding the Spiritual Hunger Behind the Rise of Modern Witchcraft and Pagan Spirituality. Crown Publishing Group. p. 13. ISBN 978-0-307-55109-2. Nakuha noong 2023-02-27.
  6. Wesleyan-Methodist Magazine: Being a Continuation of the Arminian Or Methodist Magazine First Publ. by John Wesley. 1778. p. 914. Nakuha noong 2022-10-13.
  7. Gill, S. (2006). William Wordsworth's The Prelude: A Casebook. Casebooks in Criticism. OUP USA. p. 181. ISBN 978-0-19-518091-6. Nakuha noong 2022-10-13.
  8. Glickman, S. (2000). The Picturesque and the Sublime: A Poetics of the Canadian Landscape. McGill-Queen's University Press. p. 8. ISBN 978-0-7735-2135-3. Nakuha noong 2023-02-26.
  9. Test, E.M.L. (2019). Sacred Seeds: New World Plants in Early Modern English Literature. Early Modern Cultural Studies. University of Nebraska Press. p. 111. ISBN 978-1-4962-1289-4. Nakuha noong 2023-02-26.