Pagtatakbo

Ang pagtatakbo ay isang paraan ng paggalaw sa lupa kung saan ang mga tao at iba pang hayop ay mabilis na nakikilos gamit ang kanilang mga paa. Ang pagtakbo ay isang paraan ng paggalaw na may yugto sa hangin kung saan walang paa ang nakadikit sa lupa (bagaman may mga eksepsiyon).[1] Kabaligtaran ito sa paglalakad, isang mas mabagal na anyo ng paggalaw kung saan laging may paa na nakadikit sa lupa, ang mga binti ay nananatiling tuwid, at ang sentro ng grabidad ay lumilipat sa ibabaw ng nakatindig na binti o mga binti sa isang baligtad na pendulong galaw.[2] Ang tampok ng tumatakbong katawan mula sa pananaw ng mekanikang paigkas-masa ay ang sabayang pagbabago ng enerhiyang kinetiko at potensiyal sa loob ng bawat hakbang, na may pag-iimbak ng enerhiya na dulot ng paigkas na litid at pasibong pagkalastiko ng kalamnan.[3] Ang salitang “pagtatakbo” ay maaaring tumukoy sa iba't ibang antas ng bilis, mula sa pagja-jog hanggang sa pagspi-sprint.
Para sa mga tao, ang pagtatakbo ay may kaugnayan sa pinabuting kalusugan at mas mahabang inaasahang buhay.[4]
Ipinapalagay na nakabuo ng kakayahang tumakbo nang malalayong distansiya ang mga ninuno ng sangkatauhan mga 2.6 milyong taon na ang nakalilipas, marahil upang manghuli ng mga hayop.[5][6]
Ang mapagkompitensiyang pagtatakbo ay umusbong mula sa mga relihiyosong pagdiriwang sa iba't ibang panig ng daigdig. Ang mga tala ng ganitong karera ay nagsimula sa Palarong Tailteann sa Irlanda sa pagitan ng 1171 BCE at 632 BCE,[7][8][9] samantalang ang unang naitalang Palarong Olimpiko ay naganap noong 776 BCE. Inilalarawan ang pagtakbo bilang pinakamadaling lapitang palaro sa mundo.[10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Rubenson, Jonas; Heliams, Denham B.; Lloyd, David G.; Fournier, Paul A. (22 Mayo 2004). "Gait selection in the ostrich: mechanical and metabolic characteristics of walking and running with and without an aerial phase" [Pagpili ng galaw sa abestrus: mga katangiang mekanikal at metaboliko ng paglalakad at pagtakbo na may at walang yugto sa hangin]. Proceedings of the Royal Society of London B: Biological Sciences (sa wikang Ingles). 271 (1543): 1091–1099. doi:10.1098/rspb.2004.2702. PMC 1691699. PMID 15293864.
- ↑ Biewener, A. A. 2003. Animal Locomotion. Oxford University Press, US. ISBN 978-0-19-850022-3, books.google.com
- ↑ Cavagna, G. A.; Saibene, F. P.; Margaria, R. (1964). "Mechanical Work in Running" [Gawaing Mekanikal sa Pagtatakbo]. Journal of Applied Physiology (sa wikang Ingles). 19 (2): 249–256. doi:10.1152/jappl.1964.19.2.249. PMID 14155290.
- ↑ Pedisic, Zeljko; Shrestha, Nipun; Kovalchik, Stephanie; Stamatakis, Emmanuel; Liangruenrom, Nucharapon; Grgic, Jozo; Titze, Sylvia; Biddle, Stuart JH; Bauman, Adrian E; Oja, Pekka (4 Nobyembre 2019). "Is running associated with a lower risk of all-cause, cardiovascular and cancer mortality, and is the more the better? A systematic review and meta-analysis" [Nauugnay ba ang pagtatakbo sa mas mababang panganib ng pagkakamatay mula sa lahat ng sanhi, sakit sa puso, at kanser, at mas mainam ba kapag mas marami? Isang sistematikong pagsusuri at meta-analisis] (PDF). British Journal of Sports Medicine (sa wikang Ingles). 54 (15): bjsports–2018–100493. doi:10.1136/bjsports-2018-100493. PMID 31685526. S2CID 207895264. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2021.
- ↑ "Born To Run – Humans can outrun nearly every other animal on the planet over long distances" [Ipinanganak Para Tumakbo – Kayang lampasan ng mga tao sa pagtakbo ang halos lahat ng iba pang hayop sa planeta sa malalayong distansiya.]. Discover Magazine (sa wikang Ingles). 2006. p. 3.
- ↑ Heinrich, Bernd (7 Mayo 2009). Why we run: A natural history [Bakit tayo tumatakbo: Isang natural na kasaysayan] (sa wikang Ingles). Harper Collins. ISBN 978-0060958701.
- ↑ "Running | the Gale Encyclopedia of Fitness - Credo Reference" [Pagtatakbo | ang Ensiklopedyang Gale ng Kakayahang Pangkalusugan - Reperensiyang Credo] (sa wikang Ingles).
- ↑ Alpha, Rob (2015). What Is Sport: A Controversial Essay About Why Humans Play Sports [Ano ang Isport: Isang Kontrobersiyal na Sanaysay kung Bakit Naglalaro ang mga Tao ng Isport] (sa wikang Ingles). BookBaby. ISBN 9781483555232.
- ↑ "History of Running" [Kasaysayan ng Pagtatakbo]. Health and Fitness History (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 2018. Nakuha noong 23 Nobyembre 2018.
- ↑ Soviet Sport: The Success Story. p. 49, V. Gerlitsyn, 1987