Pagtatangi

Ang pagtatangi ay ang proseso ng paggawa ng mga mapanghusgang pagkakaiba sa pagitan ng mga tao batay sa mga pangkat, uri, o iba pang kategoryang kinabibilangan nila o inaakalang kanilang kinabibilangan,[1] gaya ng lahi, kasarian, edad, uri (klase), relihiyon, kapansanan o oryentasyong sekswal.[2] Karaniwang humahantong ang pagtatangi sa hindi makatarungang pagtrato sa mga pangkat batay sa inaakalang katangian o katayuan, gaya ng etniko, lahi, kasarian, o relihiyon.[2][3] Kinasasangkutan nito ang pagkitil sa mga kasapi ng isang pangkat ng mga pagkakataon o pribilehiyo na ibinibigay sa mga kasapi ng ibang pangkat.
Umiiral ang mga mapagtatanging tradisyon, patakaran, kaisipan, gawain, at batas sa maraming bansa at institusyon sa iba't ibang panig ng daigdig, kabilang na ang ilan na tahasang tumututol sa ganitong uri ng pagtatangi. Sa ilang lugar, ginamit ang mga panukalang katumbas tulad ng quota o takdang bilang upang maituwid ang kalagayan pabor sa mga taong pinaniniwalaang biktima ng pagtatangi noon o sa kasalukuyan. Madalas na nagbubunga ng pagtatalo ang mga pagsisikap na ito, at kung minsan ay tinatawag na baligtad na pagtatangi.[4]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang salitang Tagalog na pagtatangi ay nagmula sa salitang-ugat na "tangi", na nangangahulugang "iba", "natatangi", "bukod sa iba", o "hiwalay sa karamihan." Sa makabagong gamit, nagkaroon ito ng negatibong konotasyon mula sa payak na "pagkakaiba" tungo sa hindi makatarungang pagbubukod o pagtrato sa lahi, kasarian, relihiyon o iba pang katangian.
Ang salitang diskriminasyon ay isang hiram na salita mula sa wikang Kastila na discriminación na siyang tumutukoy din sa proseso ng paggawa ng mga mapanghusgang pagkakaiba sa pagitan ng mga tao. Hango naman ang salita mula sa Latin na discriminat- na nangangahulugang 'pinag-iba', mula sa pandiwang discriminare, na nagmula naman sa discrimen na ibig sabihin ay 'pagkakaiba', at mula rin sa pandiwang discernere na katumbas ng "makilala" o "maunawaan".[5]
Sa wikang Ingles, ang katumbas na salita ay discrimination kung saan ang salitang-ugat nito na discriminate ay unang lumitaw noong unang bahagi ng ika-17 dantaon. Mula noong Digmaang Sibil sa Amerika, umunlad sa wikang Ingles ng Amerika ang paggamit ng salitang discrimination bilang tumutukoy sa mapanghusgang pagtrato sa isang tao batay lamang sa kanyang lahi, at kalaunan ay pinalawak upang tumukoy sa pagiging kasapi sa isang pangkat o kategoryang panlipunang itinuturing na hindi kanais-nais.[6]
Mga kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagtatangi ay inilalarawan bilang mga gawa, gawi, o patakaran na mali at di-makatarunga na naglalagay ng isang tao sa mas mababang kalagayan o pagkakait batay sa pagiging kasapi nila sa isang kilalang pangkat panlipunan.[7] Isa itong paghahambing na kahulugan. Hindi kailangang aktuwal na mapinsala ang isang tao upang masabing siya ay pinag-iiba o pinagtatangi. Sapat na na siya ay tratuhing mas masama kaysa sa iba dahil lamang sa walang batayang dahilan. Halimbawa, kung may isang taong nagpasiyang magbigay ng donasyon para sa mga batang ulila, subalit nagbigay ng mas maliit na halaga sa mga bata mula sa isang partikular na lahi dahil sa pagkiling na rasista, gumagawa siya ng mapagtatanging kilos kahit na sa teknikal na pananaw ay napakikinabangan pa rin ng mga batang iyon sa donasyon. Ang pagtatangi ay maaari ring maging pinagmumulan ng pang-aapi, ang pagkilos ng pagkilala sa isang tao bilang 'iba' hanggang sa sila ay tratuhing di-makatao at hamakin.
Ang ganitong moral na kahulugan ng pagtatangi ay naiiba sa di-moral na kahulugan—sa una, ang pagtatangi ay itinuturing na mali sa mismong depinisyon nito, samantalang sa huli, hindi ito awtomatikong itinuturing na mali.[8]
Ayon sa paninindigan ng mga Nagkakaisang Bansa:
"Ang mga mapagtatanging asal ay may iba't ibang anyo, subalit lahat ng ito ay may kinalaman sa anumang uri ng pag-aalis o pagtataboy."[9]
Ang Konseho ng Karapatang Pantao ng mga Nagkakaisang Bansa (United Nations Human Rights Council) at iba pang pandaigdigang organisasyon ay nagsisikap na wakasan ang pagtatangi saanmang panig ng daigdig.
Mga uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Edad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagtatangi batay sa edad ay ang pagtatangi at pagbubuo ng mga estereotipo (mga nakaugaliang pananaw) batay sa gulang ng isang tao.[10] Isa itong hanay ng mga paniniwala, pamantayan, at pagpapahalaga na ginagamit upang bigyang-katwiran ang pagtatangi o pagpapasailalim sa isang tao dahil sa kanyang gulang.[11] Kadalasang nakatuon ang diskriminasyon laban sa mga nakatatanda, o sa mga kabataan at mga bata.
Ipinakita ng mga pag-aaral na umiiral ang pagtatangi batay sa edad sa proseso ng pagkuha ng empleyado sa Estados Unidos. Si Joanna Lahey, isang propesor sa The Bush School of Government and Public Service (Paaralan ng Pamahalaan at Pampublikong Paglilingkod ng Bush) sa Pamantasang Texas A&M, ay natuklasang mahigit 40% na mas malamang na kapanayamin ng mga kompanya ang mas batang aplikante kaysa sa mas nakatatandang aplikante. Sa Europa, sina Stijn Baert, Jennifer Norga, Yannick Thuy, at Marieke Van Hecke, mga mananaliksik sa Unibersidad ng Ghent sa Belhika, ay nakapagsukat ng mga magkakatulad na proporsiyon. Natuklasan nila na ang pagtatangi batay sa edad ay nag-iiba depende sa mga aktibidad na isinagawa ng mga mas nakatatandang kandidato matapos ang kanilang pormal na pag-aaral. Sa Belhika, pinag-iiba lamang sila kung mas matagal silang walang trabaho o kung ang kanilang dating trabaho ay walang kaugnayan sa posisyong nais na pasukan.
Sa isang sarbey para sa Unibersidad ng Kent, Inglatera, 29% ng mga tumugon ang nagsabing naranasan nila ang pagtatangi batay sa edad. Mas mataas ito kaysa sa proporsiyon ng mga nakaranas ng pagtatangi batay sa kasarian o lahi. Ayon kay Dominic Abrams, propesor ng sikolohiyang panlipunan sa nasabing unibersidad, ang diskriminasyon sa edad ang pinakalaganap na anyo ng pagkiling o pagtatangi na nararanasan ng mga tao sa Reyno Unido.
Kasta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa UNICEF at Human Rights Watch (o Bantay sa Karapatang Pantao), ang pagtatangi batay sa kasta ay nakaaapekto sa tinatayang 250 milyong tao sa buong mundo at pangunahing laganap sa mga bahagi ng Asya (Indiya, Sri Lanka, Bangladesh, Pakistan, Nepal, Hapon) at Aprika.[12][13] Noong 2011, tinatayang mayroong 200 milyong Dalit o mga kabilang sa Nakatakdang Kasta (na dating kilala bilang mga "hindi masaling") sa Indiya.[14]
Pagkamamamayan o nasyonalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagtatangi batay sa nasyonalidad, pagkamamamayan o naturalisasyon ay karaniwang kasama sa mga batas sa paggawa o pagtatrabaho. Maaaring mag-iba ito mula sa mga batas na nag-aayos ng pagkuha at pagtanggal ng empleyado batay sa pagkamamamayan, hanggang sa sapilitang pagreretiro, kabayaran, sahod, at iba pa, depende sa katayuan sa imigrasyon. Sa mga estadong GCC (Gulf Cooperation Council o Konsehong Pangkooperasyon sa Golpo), sa mga lugar ng trabaho, mas binibigyan ng pabor ang mga ganap na mamamayan, kahit na marami sa kanila ay kulang sa karanasan o motibasyon upang gampanan ang trabaho. Ang mga benepisyong ipinagkakaloob ng estado ay karaniwang para lamang sa mga mamamayan.[15] Maaaring makita ang pagtatangi batay sa pagkamamamayan sa anyo ng "antas ng pagtanggap" sa isang pangkat, halimbawa, sa paraan ng pagturing sa mga bagong kasapi o empleyado na may ibang pagkamamamayan kaysa sa karamihan ng kasapi ng pangkat. Minsan, ang pagtatangi batay sa pagkamamamayan ay kaugnay ng pagtatangi batay sa lahi,[16] bagaman maaari itong manyari nang hiwalay.
Uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagtatangi batay sa uri, na kilala rin bilang klasismo, ay ang pagkiling o pagtatangi batay sa katayuang panlipunan. Kabilang dito ang mga indibiduwal na saloobin, asal, mga sistema ng patakaran, at mga gawi na itinatag upang paboran ang mga nasa nakatataas na uri kapalit ng kapinsalaan ng mga nasa mababang uri.[17]
Ang katayuang panlipunan ay tumutukoy sa pagpangkat ng mga indibidwal sa isang herarkiya batay sa yaman, kita, edukasyon, hanapbuhay, at ugnayang panlipunan.
Kapansanan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagtatangi laban sa mga taong may kapansanan pabor sa mga taong walang kapansanan ay tinatawag na kapasitismo. Ang pagtatangi batay sa kapansanan ay tumutukoy sa pagtrato sa mga taong walang kapansanan bilang pamantayan ng 'normal na pamumuhay', na nagreresulta sa mga pampubliko at pribadong lugar at serbisyo, pati na rin sa mga lugar ng trabaho at institusyong pang-edukasyon, na idinisenyo para sa mga 'karaniwang' tao, kaya nagtataboy o humahadlang sa mga taong may iba't ibang uri ng kapansanan.
Ipinakita ng ilang pag-aaral na ang pagkakaroon ng trabaho ay maaaring maging kapaki-pakinabang para sa mga taong may kapansanan, dahil nakakatulong ito sa pagpapanatili ng kanilang kalusugang pangkaisipan at kabuuang kagalingan. Ang trabaho ay maaaring makatugon sa mga pangunahing pangangailangan ng isang tao tulad ng pangkolektibong layunin, ugnayang panlipunan, katayuan, at aktibidad, kaya nakababawas sa panlipunang pag-iisa.[18]
Gayunman, ipinapakita ng ibang pananaliksik na hindi palaging nakabubuti ang pagtatrabaho, lalo na kung hindi isinasaalang-alang ang mga pangangailangan ng taong may kapansanan. Dahil sa pagbaba ng bilang ng mga manggagawang nasa hustong edad, lalo na sa Europa, ang mga taong may kapansanan ay nakikita na ngayon bilang mahalagang yaman sa pamilihan ng paggawa, para sa mga dahilang pang-ekonomiya.[19]
Sa Estados Unidos, ipinag-uutos ng Americans with Disabilities Act (ADA, Batas para sa mga Amerikanong May Kapansanan) ang pagkakapantay-pantay ng akses sa parehong mga gusali at serbisyo, at ito ay may katumbas na mga batas sa ibang bansa, gaya ng Equality Act (Batas ng Pagkapantay-pantay) ng 2010 sa Reyno Unido.
Kahusayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang diskriminasyon sa kahusayan[20] ay ang paglabag sa pormal na pagkakapantay-pantay ng oportunidad[21] at meritokrasya,[22] na nagbibigay-gantimpala sa mga merito ng indibidwal at sa labis na tagumpay o kahusayan.[20] Ang diskriminasyon sa kahusayan ay maaaring dulot ng iba't ibang dahilan, kabilang ang mga pribilehiyo batay sa ugnayang pampamilya,[23] nepotismo, makabuluhang pagkakapantay-pantay,[21] aksyong positibo,[24] pagtatangi batay sa edad[25] o di-sinasadyang suwerte.[26]
Wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang pagtatangi batay sa wika (tinatawag ding glotopobiya at lingguwisismo) ay ang hindi makatarungang pagtrato sa mga tao batay sa kanilang paggamit ng wika at katangian ng kanilang pananalita, gaya ng kanilang unang wika, punto, tinatayang lawak ng bokabularyo (mapalawak man o hindi ang gamit ng salita), modalidad, at sintaks.[27] Halimbawa, ang isang tagapagsalita ng Oksitano sa Pransya ay malamang na tratuhin nang iba kaysa sa isang tagapagsalita ng Pranses.[28]
Batay sa pagkakaiba sa paggamit ng wika, maaaring agaran bumuo ang isang tao ng hatol tungkol sa yaman, edukasyon, katayuang panlipunan, karakter, o iba pang katangian ng isa pang tao, na maaaring magdulot ng pagtatangi. Nagdulot ito ng pampublikong talakayan tungkol sa mga teorya ng lokalisasyon, pati na rin sa pangkalahatang paglaganap ng pagkakaiba-iba sa maraming bansa sa Kanluran.
Noong una, ang pagtatangi batay sa wika ay itinuring na aksyon ng rasismo. Noong kalagitnaan ng dekada 1980, inilarawan ng lingguwista na si Tove Skutnabb-Kangas ang ideya ng lingguwisismo bilang pagtatangi batay sa wika, na tinukoy bilang "mga ideolohiya at estruktura na ginagamit upang gawing lehitimo, isakatuparan, at muling likhain ang hindi pantay na paghahati ng kapangyarihan at yaman (materyal at hindi materyal) sa pagitan ng mga pangkat na tinukoy batay sa wika".[29] Bagaman ibinibigay ang iba't ibang pangalan sa ganitong uri ng pagtatangi, lahat ito ay may parehong kahulugan. Ang pagtatangi batay sa wika ay kultural at panlipunang tinutukoy dahil sa paboritismo sa isang paraan ng paggamit ng wika kaysa sa iba.
Sinuri ng mga iskolar ang papel ng lingguwistikong imperyalismo sa lingguwisismo, kung saan sinasabi ng ilan na ang mga tagapagsalita ng mga dominanteng wika ay may tendensiyang magpakita ng pagtatangi laban sa mga tagapagsalita ng iba pang wika na hindi gaanong dominante, habang pinapahamak ang kanilang sarili sa larangan ng wika sa pamamagitan ng pananatiling monolingguwal.[30]
Ayon kay Carolyn McKinley, ang penomenon na ito ay pinakamalaganap sa Aprika, kung saan malaking bahagi ng populasyon ay nagsasalita ng mga wikang Europeo na ipinakilala noong panahon ng kolonyalismo; kilala rin ang mga estado sa Aprika sa paggamit ng mga wikang Europeo bilang pangunahing midyum ng pagtuturo, sa halip na mga katutubong wika.[30] Itinuro ng mga ulat ng UNESCO na sa kasaysayan, ang sistemang ito ay nagbigay ng pakinabang lamang sa mataas na uri ng Aprika, at kabaliktaran, nagpahamak sa karamihan ng populasyon na may iba't ibang antas ng kasanayan sa mga wikang Europeo na ginagamit sa lupalop.[30]
Napansin din ng mga iskolar ang impluwensya ng dominansiya ng wikang Ingles sa mga disiplina ng akademya; inilalarawan ni Anna Wierzbicka, propesor ng lingguwistika sa Australyanong Pambansang Unibersidad, ang mga disiplina tulad ng mga agham panlipunan at humanidades bilang "nakakulong sa isang konseptuwal na balangkas na nakabase sa Ingles", na hindi pinapayagan ang akademya sa kabuuan na maabot ang isang mas pangkalahatan at kultura-independenteng pananaw.[31]
Sa Pilipinas, may halos hanggang 200 wikang sinasalita, na sa kabila ng yaman ng wika, ay nagiging dahilan sa pagkiling at pagtatangi.[32] Maraming Pilipino ang hinuhusgahan hindi dahil sa kung sino sila, kundi dahil sa wikang kanilang ginagamit, punto, o kakayahan sa Filipino at Ingles. Ang mga tagapagsalita ng mga wikang rehiyonal tulad ng Sebwano,[33] Ilokano, Waray, Ilonggo, at iba pang katutubong wika ay minsang niloloko, minamaliit, o pinapahiya, lalo na sa pormal at pang-edukasyong konteksto. Pinapalakas nito ang isang herarkiya ng wika, kung saan itinuturing na mas mataas ang Filipino at Ingles, habang ang mga lokal na wika ay tinitingnan bilang "mas mababa". Nagkakaroon din sa Pilipinas ng pagtatangi sa gumagamit ng salitang-bakla o swardspeak, na ginagamit ng pamayanang LGBTQIA+.[34]
Pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagtatangi batay sa pangalan ng isang tao ay maaari ring mangyari, kung saan ipinapahiwatig ng mga mananaliksik na ang ganitong uri ng pagtatangi ay nakabatay sa kahulugan ng pangalan, pagbigkas nito, pagiging kakaiba, pagkakaugnay sa kasarian, at kaugnayan sa lahi.[35][36][37][38][39] Ipinakita ng pananaliksik na sa aktwal na mundo, ang mga tagapangalap ng aplikante ay karaniwang gumugugol lamang ng anim na segundo sa pagsusuri ng bawat résumé (o impormasyong pampropesyonal) bago gumawa ng paunang desisyon kung ang aplikante ay "akma/hindi akma," at ang pangalan ng isang tao ay isa sa anim na pangunahing bagay na kanilang pinagtutuunan ng pansin.[40] Ipinagbabawal ng Pransya na tingnan ang pangalan ng isang tao sa résumé kapag nagsasagawa ng paunang iskrining ng pinaka-kuwalipikadong kandidato. Sinubukan din ng Gran Britanya, Alemanya, Suwisa, at Netherlands ang mga proseso ng résumé na hindi nakabatay sa pangalan.[41] Ang ilang nakikitang pagtatangi ay maaaring ipaliwanag ng iba pang mga salik tulad ng karaniwang gamit ng pangalan.[42] Ang mga epekto ng pagtatangi batay sa pangalan dahil sa kadalian ng pagbigkas nito ay banayad, maliit, at maaaring magbago depende sa umiiral na pamantayan sa lipunan.[43]
Lahi o etnisidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]



Ang pagtatangi batay sa lahi at etnisidad ay naghihiwalay sa mga indibiduwal batay sa tunay at pinaniniwalaang pagkakaiba-iba sa lahi at etnisidad at nagdudulot ng iba't ibang anyo ng tinatawag na parusa sa etniko.[44][45] Maaari rin itong tumukoy sa paniniwala na ang mga grupo ng tao ay may iba't ibang katangiang asal na kaugnay ng kanilang pisikal na anyo at maaaring hatiin batay sa itinuturing na kahusayan ng isang lahi kaysa sa iba.[46][47][48][49] Maaari rin itong mangahulugan ng prehuwisyo, pagtatangi, o pagkamuhi na nakadirekta laban sa ibang tao dahil sila ay mula sa ibang lahi o etnisidad.[47][48]
Ang mga modernong anyo ng rasismo ay kadalasang nakabatay sa panlipunang pananaw sa biyolohikal na pagkakaiba ng mga tao. Ang ganitong pananaw ay maaaring makita sa anyo ng mga panlipunang kilos, gawain, o paniniwala, o sa mga sistemang pampulitika kung saan ang iba't ibang lahi ay niraranggo bilang likas na nakahihigit o nakahihina sa isa't isa, batay sa inaakalang mga katangiang namamana, kakayahan, o kalidad.[48][50] Ito ay naging opisyal na patakaran ng pamahalaan sa ilang bansa, tulad ng Timog Aprika noong panahon ng apartheid. Kasama sa mga diskriminatoryong patakaran laban sa mga etnikong minorya ang pagtatangi batay sa lahi laban sa mga etnikong Indiyo at Tsino sa Malaysia. Ang konsepto ng multirasismo ay ginamit upang ipaliwanag ang iba't ibang anyo ng pagtatangi batay sa lahi. Pagkatapos ng Digmaang Biyetnam, maraming Biyetnames na refugee o takas-digmaan ang lumipat sa Australya at Estados Unidos, kung saan sila ay nakaranas ng diskriminasyon. Maaaring mataas ang sahod ng mga Kanluranin kumpara sa ibang mga imigrante sa mga estado ng GCC.[51]
Rehiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagtatanging pangrehiyon o pangheograpiya ay isang anyo ng diskriminasyon na nakabatay sa rehiyon kung saan nakatira ang isang tao o kung saan siya ipinanganak. Naiiba ito sa pambansang pagtatangi sapagkat maaaring hindi ito batay sa mga hangganan ng bansa o sa bansang tinitirhan ng biktima. Sa halip, ito ay nakabatay sa mga prehuwisyo laban sa isang partikular na rehiyon sa isa o higit pang mga bansa. Kabilang sa mga halimbawa nito ang pagtatangi laban sa mga Tsino na ipinanganak sa mga rehiyon sa kanayunan na malayo sa mga lungsod sa loob ng Tsina, at pagtatangi laban sa mga Amerikano na nagmula sa mga rehiyon sa timog o hilagang bahagi ng Estados Unidos. Madalas din itong kasabay ng pagtatangi batay sa punto, diyalekto, o pagkakaibang kultural.[52]
Mga paniniwalang panrelihiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang pagtatangi batay sa relihiyon ay ang pagbibigay-halaga o pagtrato sa mga tao o grupo sa magkaibang paraan dahil sa kanilang paniniwala o kawalan ng paniniwala, o dahil sa kanilang saloobin patungkol sa isang relihiyon. Halimbawa, ang mga Hudyo sa Alemanya, at maging sa malaking bahagi ng Europa, ay nakaranas ng matinding diskriminasyon sa ilalim ni Adolf Hitler at ng partidong Nazi mula 1933 hanggang 1945. Pinilit silang manirahan sa mga ghetto, isuot sa kanilang damit ang bituing David bilang pagkakakilanlan, at ipadala sa mga kampong piitan at kamatayan sa kanayunan ng Alemanya at Polonya, kung saan sila ay pinahirapan at pinatay dahil lamang sa kanilang relihiyong Hudaismo. Maraming batas (pinakatanyag ang Mga Batas ng Nuremberg noong 1935) ang nagbukod sa mga Hudyo bilang umano'y mga mababang uri kumpara sa mga Kristiyano.
Ipinatupad din ng mga Kristiyanong awtoridad ang mga limitasyon sa mga propesyong maaaring pasukin ng mga Hudyo. Maraming hanapbuhay ang isinara sa kanila, kaya napilitan silang pumasok sa mga trabahong itinuring na mababa sa lipunan, gaya ng pangongolekta ng buwis at upa, at pautang ng salapi. mga gawaing pinahintulutan lamang bilang "kasamaang kailangan." Nilimitahan din ang bilang ng mga Hudyong maaaring manirahan sa iba't ibang lugar; sila ay pinagtibay sa mga ghetto at ipinagbawal na magmay-ari ng lupa.
Sa Saudi Arabia, hindi pinapayagang hayagang isagawa ng mga hindi Muslim ang kanilang relihiyon at ipinagbabawal din silang pumasok sa Meka at Medina.[53] Bukod pa rito, ang mga pribadong pagtitipon ng mga hindi Muslim ay maaaring salakayin ng pulisyang panrelihiyon.[53]Sa Maldivas, bawal sa mga hindi Muslim, mga naninirahan man o bumibisita, na hayagang ipahayag ang kanilang paniniwalang panrelihiyon, magsagawa ng pampublikong pagtitipon, o isama ang mga taga-Maldivas sa mga aktibidad na iyon. Ang mga nagpapahayag ng paniniwala maliban sa Islam ay maaaring makulong nang hanggang limang taon, mabigyan ng pagkakulong sa bahay, mapagmulta ng 5,000 hanggang 20,000 rufiyaa, o mapatalsik sa bansa.[54]
Sa Myanmar, humigit-kumulang 600,000 Rohingyang Muslim ang napilitang tumakas papuntang Bangladesh dahil sa sistematikong diskriminasyong panrelihiyon na nakaugat sa batas, polisiya, at gawi ng pamahalaan.[55] Halimbawa, hindi sila binibigyan ng pagkamamamayan, kaya sila ay walang estado at walang legal na pagkakakilanlan. Noong 2015, nagprotesta ang mga makabayang Budista laban sa karapatan ng mga Rohingya na bumoto sa plebisito ng konstitusyon.[56]
Noong 1979, sa isang pagpupulong tungkol sa isyung ito, tinukoy ng komisyon ng Estados Unidos sa mga karapatang sibil ang pagtatangi batay sa relihiyon kaugnay ng mga karapatang sibil na ginagarantiyahan ng Ika-labing-apat na Susog (Fourteenth Amendment). Samantalang ang mga kalayaang panrelihiyon, tulad ng karapatang maniwala o hindi maniwala, ay mahalaga para sa Kalayaan sa Relihiyon (sa Estados Unidos, sa ilalim ng Unang Susog o First Amendment), nagaganap naman ang pagtatangi batay sa relihiyon kapag ang isang tao ay ipinagkakait ang pantay na proteksiyon sa ilalim ng batas, pantay na katayuan, pantay na pagtrato sa katarungan, at pantay na pagkakataon sa trabaho, edukasyon, pabahay, mga serbisyong pampubliko, at mga pasilidad dahil lamang sa paggamit niya ng karapatang panrelihiyon.
Kasariang pambiyolohiya, katangian ng kasarian, kasarian, at pagkakakilanlan ng kasarian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang seksismo ay isang uri ng pagtatangi batay sa kasariang pambiyolohiya (sex) o kasarian (gender) ng isang tao. Ito ay may kaugnayan sa mga estereotipo at mga gampaning pangkasarian,[57][58] at maaaring kabilang ang paniniwala na ang isang kasariang pambiyolohiya o kasarian ay likas na nakahihigit kaysa sa iba. Ang matinding seksismo ay maaaring magbunga ng pang-aabusong sekswal, sekswal na panliligalig, panggagahasa, at iba pang anyo ng karahasang sekswal. Ang pagtatanging pangkasarian ay maaaring sumaklaw sa seksismo at tumutukoy sa pagtatangi laban sa mga tao batay sa kanilang pagkakakilanlang ng kasarian [59] o sa kanilang kasarian o kasariang pambiyolohiya.[60] Partikular na nakikita ang pagtatanging pangkasarian sa hindi pagkakapantay-pantay sa lugar ng trabaho,[60] at maaari itong magmula sa mga kaugalian o pamantayang panlipunan at pangkultura.[61]
Nakakaranas din ng pagtatangi ang mga taong interseks dahil sa kanilang likas na di-karaniwang mga katangiang pangkasarian. Sa kasalukuyan, maraming hurisdiksiyon ang naglalagay ng mga batas upang protektahan ang mga indibiduwal batay sa kanilang katayuang interseks o mga katangiang pangkasarian. Ang Timog Aprika ang unang bansa na tahasang nagdagdag ng interseks sa batas bilang bahagi ng katangiang 'kasarian'. Ang Australya naman ang unang bansa na nagdagdag ng isang hiwalay na katangiang 'katayuang interseks".[62] Samantala, ang Malta ang unang nagpasa ng mas malawak na balangkas na tinatawag na "mga katangiang pangkasarian" sa pamamagitan ng batas na nagwakas din sa mga pagbabago sa kasariang pambiyolohiya ng mga menor de edad na isinasagawa para sa mga layuning panlipunan o pangkultura.[63][64] Kabilang sa mga pandaigdigang pagsisikap laban sa pagtatangi ang Layunin Blg. 5 ng mga Layuning Pangkaunlad ng Nagkakaisang Bansa (United Nations Sustainable Development Goal 5), na naglalayong wakasan ang lahat ng anyo ng pagtatangi batay sa kasarian at kasariang pambiyolohiya.[65]
Oryentasyong sekswal
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang oryentasyong sekswal ng isang tao ay tumutukoy sa “pagkiling sa homosekswalidad, heterosekswalidad, o bisekswalidad.” Tulad ng karamihan sa mga pangkat minorya, ang mga homosekswal at bisekswal ay madaling maging biktima ng prehuwisyo at pagtatangi mula sa nakararaming pangkat. Maaaring makaranas sila ng pagkapoot mula sa iba dahil sa kanilang seksuwalidad; ang ganitong uri ng pagkapoot batay sa oryentasyong sekswal ay tinatawag na homopobya. Marami pa rin ang may negatibong pananaw sa mga taong may oryentasyong di-heterosekswal at nagtuturing sa kanila bilang naiiba o di-katanggap-tanggap. Ang mga taong may iba pang bihirang oryentasyong sekswal ay nakararanas din ng pagtatangi. Isang pag-aaral ang nakatuklas na ang mga heterosekswal sa kanilang sampol ay mas may prehuwisyo laban sa mga asekswal kaysa sa mga homosekswal o bisekswal.[66]
Ang pagtatangi sa trabaho batay sa oryentasyong sekswal ay nag-iiba depende sa bansa. Sa Tsipre at Gresya, ang pagsisiwalat ng pagiging lesbiyana (halimbawa, sa pamamagitan ng pagbanggit ng pakikilahok sa isang organisasyong bahaghari o pagsasabi ng pangalan ng kapareha) ay nakababawas sa pagkakataong makapasok sa trabaho. Subalit, sa Suwesya at Belhika, wala itong negatibong epekto, at sa huli nga, natuklasan pa na maaaring magkaroon ng positibong epekto para sa mga babaeng nasa edad na maaaring magkaanak.[67][68][69][70]
Noong 2009, naglathala ang ILGA ng isang ulat batay sa pananaliksik ni Daniel Ottosson ng Pamantasang Kolehiyong Södertörn sa Estokolmo, Suwesya. Natuklasan sa pag-aaral na sa 80 bansa sa buong mundo na patuloy na itinuturing na ilegal ang homosekswalidad, lima ang nagpapatupad ng parusang kamatayan para sa gawaing homosekswal, at dalawa naman ang nagpapatupad nito sa ilang rehiyon ng bansa.[71] Tinukoy ito sa ulat bilang "homopobya na sinusuportahan ng estado".[72] Karaniwang nangyayari ito sa mga estadong Islamiko o sa mga rehiyong pinamumunuan ng awtoridad na Islamiko.[73][74]

Noong Pebrero 5, 2005, naglabas ang IRIN ng ulat na pinamagatang "Iraq: Male homosexuality still a taboo" (Iraq: Ang pagiging bakla ng lalaki ay nananatiling pinagbabawal). Nabanggit sa artikulo na ang mga pagpatay dahil sa dangal na ginagawa ng mga taga-Iraq laban sa mga miyembro ng pamilya nilang bakla ay karaniwan at binibigyan pa ng bahagyang proteksiyong legal.[75] Noong Agosto 2009, naglabas ang Human Rights Watch (Bantay sa Karapatang Pantao) ng malawakang ulat tungkol sa pagpapahirap sa mga lalaking pinaghihinalaang bakla sa Iraq, kabilang ang pagbabara sa puwitan ng mga biktima gamit ang pandikit bago bigyan ng pampurga.[76]
Bagaman legal na ang kasal ng magkaparehong kasarian sa Timog Aprika mula pa noong 2006, madalas pa rin itong kinokondena bilang "di-Aprikano."[77] Ipinakita ng isang pananaliksik noong 2009 na 86% ng mga itim na lesbiyana sa Kanluraning Cape ay nabubuhay sa takot na magahasa.[78]
Maraming bansa, lalo na yaong sa mundong Kanluranin, ang nagpasa ng mga batas upang bawasan ang pagtatangi laban sa mga seksuwal na minoridad, kabilang ang mga batas laban sa krimeng nagmumula sa poot at pagtatangi sa trabaho. Ang ilan ay nag-legalisa rin ng kasal o sibil na unyon ng magkaparehong kasarian upang mabigyan sila ng parehong karapatan at benepisyo tulad ng sa mga heterosekswal na mag-asawa. Noong 2011, ipinasa ng mga Nagkakaisang Bansa ang una nitong resolusyon na kumikilala sa mga karapatan ng LGBT.
Baligtad na pagtatangi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang baligtad na pagtatangi ay tumutukoy sa pagtatangi laban sa mga kasapi ng nangingibabaw o mayoryang pangkat, na pumapabor naman sa mga kasapi ng minorya o mga pangkat na dating napag-iwanan o pinagsamantalahan sa kasaysayan.[79] Ang ganitong uri ng pagtatangi ay maaaring naglalayong itama ang mga hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan kung saan ang mga minoryang pangkat ay nagkaroon ng mas kaunting pagkakataon na matamasa ang mga pribilehiyong tinatamasa ng mayorya. Sa ganitong mga kaso, layunin nitong alisin o ituwid ang umiiral na pagtatangi na maaaring nararanasan na ng mga minorya.
Maaaring ipakahulugan ang baligtad na pagtatangi bilang hindi pantay na pagtrato sa mga kasapi ng mayoryang pangkat dahil sa mga patakarang nagbibigay-pabor (tulad ng sa pagtanggap sa kolehiyo o pag-eempleyo) na naglalayong itama ang dating pagtatangi laban sa mga minorya.[80]
Ang pagtingin sa positibong aksyon bilang baligtad na pagtatangi ay naging tanyag noong unang bahagi hanggang kalagitnaan ng dekada 1970, isang panahong nakatuon sa kakulangan sa representasyon at sa mga patakarang naglalayong itama ang mga epekto ng nakaraang pagtatangi sa parehong pamahalaan at mundo ng negosyo.[81]
Mga batas kontra pagtatangi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pilipinas ay may mahabang kasaysayan sa pagpapatatag ng mga batas upang protektahan ang mga indibiduwal laban sa pagtatangi at tiyakin ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas.[82] Ang Kodigo sa Paggawa ng Pilipinas (Dekretong Pampangulo Blg. 442, 1974) ay nagpapatupad ng pagkakapantay-pantay sa lugar ng trabaho, na ipinagbabawal ang pagtatangi batay sa kasarian, lahi, o paniniwala (Artikulo 3).[83] Ipinagbabawal din ang pagtatangi sa sahod batay sa kasarian (Artikulo 133), upang matiyak na ang kalalakihan at kababaihan ay tumatanggap ng pantay na sahod para sa trabahong may pantay na halaga. Ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 ang nagbibigay ng pangunahing balangkas, na tinitiyak na ang lahat ng tao ay may karapatan sa pantay na proteksyon ng batas (Artikulo III, Seksyon 1).[84] Ang mga sumunod na batas ay tumutukoy sa pagtatangi batay sa kasarian, edad, kapansanan, kalusugan ng isip, katayuang panlipunan, at oryentasyong sekswal.
Isa sa mga naunang komprehensibong batas laban sa pagtatangi ay ang Magna Carta para sa mga Taong may Kapansanan (Batas Republika Blg. 7277), na naipasa noong 1992.[85] Pinoprotektahan ng batas na ito ang mga taong may kapansanan mula sa hindi makatarungang pagtrato, partikular sa trabaho, edukasyon, transportasyon, kalusugan, at akses sa pampublikong serbisyo. Ipinag-uutos nito ang pagtanggal ng mga balakid at pagbibigay ng pantay na oportunidad upang ganap na makibahagi sa lipunan. Ang Batas Laban sa Sekswal na Panliligalig ng 1995 (Batas Republika Blg. 7877) ay itinuturing na pagtatangi kung ang isang sekswal na pabor ay ginagawa bilang kondisyon sa pagkuha, pagpapatuloy ng trabaho, promosyon, o pagtanggap ng benepisyo (Seksyon 3).[86] Ang mga empleyadong tumangging tuparin ang ganitong kahilingan ay hindi maaaring tratuhin nang hindi makatarungan, pagkakait ng oportunidad, o pagkakaroon ng negatibong epekto sa trabaho. Noong 2000, naipasa ang Batas sa Kapakanan ng mga Magulang na Nag-iisa (Batas Republika Blg. 8972).[87] Pinoprotektahan nito ang mga magulang na nag-iisa laban sa pagtatangi sa trabaho (Seksyon 7).
Ang Magna Carta ng Kababaihan (Batas Republika Blg. 9710), naipasa noong 2009, ay malinaw na ipinagbabawal ang pagtatangi laban sa kababaihan sa lahat ng anyo (Seksyon 2).[88] Nagbibigay ito sa kababaihan ng pantay na akses sa edukasyon, trabaho, pampolitikang partisipasyon, pangangalaga sa kalusugan, at serbisyong panlipunan. Noong 2016, naipasa ang Batas Laban sa Diskriminasyon sa Trabaho Batay sa Edad (Batas Republika Blg. 10911) upang protektahan ang mga manggagawa laban sa prehuwisyo sa trabaho batay sa edad.[89] Ipinagbabawal nito ang mga tagapag-empleyo na magpatupad ng limitasyon sa pagkuha batay sa edad o tanggalin ang empleyado dahil lamang sa edad (Seksyon 5). Ang Batas sa Kalusugang Pangkaisipan (Batas Republika Blg. 11036), naipasa noong 2018, ay nagpoprotekta sa mga indibiduwal na may kondisyon sa kalusugang pangkaisipan laban sa kasiraang-puri at pagtatangi (Seksyon 2).[90] Tinitiyak nito ang akses sa serbisyo sa kalusugang pangkaisipan at hinihikayat ang ganap na partisipasyon ng mga apektadong tao sa lipunan at trabaho. Ang Batas sa Ligtas na Lugar (Batas Republika Blg. 11313 o kilala rin bilang Batas ng Bawal Bastos), naipasa noong 2019, ay nagpoprotekta sa mga indibiduwal laban sa panliligalig batay sa kasarian sa mga lugar ng trabaho, institusyong pang-edukasyon, pampublikong lugar, at online.[91] Ipinagbabawal nito ang pagtatangi, panliligalig, at mapanirang pahayag batay sa kasariang pambiyolohiya, kasarian, oryentasyong sekswal, o pagkakakilanlan ng kasarian, kasama na ang mga mapanirang pahayag laban sa kababaihan at LGBTQ+.[92] Ayon sa Mga Alituntunin at Regulasyong Tagapagpatupad ng Batas Republika Blg. 11313, ang pahayag na seksista o pang-iinsulto ay mga pahayag na nagpapakita ng prehuwisyo, pag-estereotipo, o pagtatangi batay sa kasarian, karaniwang tinatarget ang kababaihan.[93]
Ang Batas Pantay sa Oryentasyong Sekswal, Pagkakakilanlan ng Kasarian, Pagpapahayag ng Kasarian, at Katangian ng Kasarian (o SOGIESC Equality Act o SOGIE Equality Bill) ay isang panukalang batas na naglalayong malinaw na ipagbawal ang pagtatangi laban sa mga LGBTQIA+ na indibidwal. Layunin ng panukalang batas na pigilan ang marginalisasyon, panliligalig, at hindi pantay na pagtrato sa trabaho, edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at pampublikong pasilidad. Ang pagpasa nito ay magpapatibay sa legal na proteksyon para sa mga sekswal at minoryang kasarian, na umaayon sa konstitusyonal na garantiya ng pagkakapantay-pantay. Ang unang bersyon ng SOGIE Equality Bill ay naisumite noong 2000, inihain nina Miriam Defensor‑Santiago (Senado) at Etta Rosales (Kamara) sa ika-11 Kongreso ng Pilipinas.[94] Noong 2025, nananatiling hindi naipapasa ang SOGIE Equality Bill, na ang huling mahalagang hakbang sa proseso ay noong Marso 19, 2024, nang isumite ng mga komite ng Kamara sa Kababaihan at Pantay na Pagkakataon at Pondo ang Ulat ng Komite Blg. 1035 na nagrerekomenda sa panukala bilang kapalit ng ilang panukalang batas ng Kapulungan.
Mga dokumento ng mga Nagkakaisang Bansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mahalagang mga dokumento ng mga Nagkakaisang Bansa na tumatalakay sa diskriminasyon ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Ang Pandaigdig na Pahayag ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) ay isang pahayag na pinagtibay ng Pangkalahatang Pagpupulong ng mga Nagkakaisang Bansa (United Nations General Assembly) noong Disyembre 10, 1948. Nakasaad dito na: "Ang lahat ay nararapat tumanggap ng lahat ng mga karapatan at kalayaang itinakda sa Pahayag na ito, nang walang anumang pagkakaiba tulad ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, pananaw sa politika o iba pang opinyon, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan, o anumang katayuan."[95] Bagaman walang puwersang legal ang UDHR, ang mga bansa ay nangangakong pangangalagaan ang mga karapatang iyon sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga pandaigdigang kasunduan ukol sa karapatang pantao.[96]
- Ang Pandaigdig na Kasunduan para sa Pag-aalis ng Lahat ng Uri ng Diskriminasyong Batay sa Lahi (International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination o ICERD) ay isang kasunduan ng mga Nagkakaisang Bansa na nag-uutos sa mga kasaping estado na alisin ang lahat ng anyo ng diskriminasyong batay sa lahi. Pinagtibay at binuksan ito para sa pagpirma ng Pangkalahatang Pagpupulong ng mga Nagkakaisang Bansa noong Disyembre 21, 1965, at naging epektibo noong Enero 4, 1969.
- Ang Kasunduan sa Pag-aalis ng Lahat ng Uri ng Diskriminasyon laban sa Kababaihan (Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women o CEDAW) ay isang pandaigdigang kasunduan na pinagtibay noong 1979 ng Pangkalahatang Pagpupulong ng mga Nagkakaisang Bansa. Itinuturing itong pandaigdigang pahayag ng mga karapatan ng kababaihan, at naging ganap na epektibo noong Setyembre 3, 1981.
- Ang Kasunduan ukol sa mga Karapatan ng mga Taong may Kapansanan (Convention on the Rights of Persons with Disabilities) ay isang pandaigdigang kasunduang pang-karapatang pantao ng mga Nagkakaisang Bansa. Inaatasan nito ang mga kasaping estado na itaguyod, protektahan, at tiyakin ang ganap na pagtamasa ng mga karapatang pantao ng mga taong may kapansanan, at tiyakin din na sila ay may ganap na pagkakapantay-pantay sa ilalim ng batas. Ang teksto ay pinagtibay ng Pangkalahatang Pagpupulong ng mga Nagkakaisang Bansa noong Disyembre 13, 2006, binuksan para sa pagpirma noong Marso 30, 2007, at naging epektibo noong Mayo 3, 2008 matapos mapagtibay ng ika-20 bansa.
Mga eksepsiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karamihan sa mga batas laban sa pagtatangi sa iba't ibang bansa ay nagpapahintulot at gumagawa ng mga eksepsiyon hinggil sa pagtatangi batay sa nasyonalidad at katayuang imigrante.[97] Ang Pandaigdig na Kasunduan para sa Pag-aalis ng Lahat ng Uri ng Diskriminasyong Batay sa Lahi ay hindi nagbabawal ng diskriminasyon ayon sa nasyonalidad, pagkamamamayan, o naturalisasyon, subalit ipinagbabawal nito ang diskriminasyon "laban sa anumang partikular na nasyonalidad."[98]
Mga teorya at pilosopiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga teoryang panlipunan tulad ng igualitarismo (pagkakapantay-pantay) ay nagsusulong na dapat manaig ang pagkakapantay-pantay sa lipunan. Sa ilang mga lipunan, kabilang ang karamihan sa mga mauunlad na bansa, kabilang sa mga karapatang sibil ng bawat indibiduwal ang karapatang maging malaya mula sa panlipunang pagtatangi na isinusulong ng pamahalaan.[99] Dahil sa paniniwala na ang lahat ng hayop ay may kakayahang makaramdam ng sakit o pagdurusa, ipinapalagay ng abolisiyonista o vegan igualitarismong begano na ang mga interes ng bawat nilalang (anumang ang kanilang espesye) ay nararapat na isaalang-alang nang pantay sa interes ng mga tao; at ang hindi paggawa nito ay isang anyo ng espesismo (pagtatangi batay sa uri ng nilalang).[100]
Pinagtatalunan ng mga pilosopo kung gaano kalawak ang dapat na saklaw ng kahulugan ng panlipunang pagtatangi. Ipinanukala ng ilang pilosopo na ang pagtatangi ay dapat tumukoy lamang sa maling o nakapipinsalang pagtrato sa loob ng isang mahalagang panglipunang grupo (katulad ng lahi, kasarian, sekswalidad, at iba pa) sa isang tiyak na konteksto. Sa pananaw na ito, kung hindi lilimitahan ang konsepto ng pagtatangi, ito ay magiging labis na malawak; halimbawa, dahil karamihan sa mga pagpatay ay nagaganap dahil sa nakikitang pagkakaiba sa pagitan ng salarin at ng biktima, maaaring maituring na pagtatangi ang maraming pagpatay kung hindi isasama ang kundisyong "mahalagang panglipunang grupo." Ayon sa pananaw na ito, ang paggawa sa kahulugan ng pagtatangi na labis na malawak ay magpapawalang-saysay dito.
Sa kabilang banda, iginiit naman ng ibang pilosopo na ang pagtatangi ay dapat lamang tumukoy sa maling at nakapipinsalang pagtrato, anuman ang antas ng kahalagahang panlipunan ng grupo. Ipinapalagay nilang ang paglilimita sa konsepto sa mga "mahalagang panglipunang grupo" ay arbitraryo o walang batayan, at nagbubukas pa ng usapin kung aling mga grupo ang dapat isaalang-alang na "mahalaga sa lipunan." Ang tanong kung aling mga grupo ang dapat maisama ay naging paksa ng maraming debateng pampulitika at panlipunan.[101]
Batay sa teorya ng makatotohanang tunggalian[102] at teorya ng panlipunang pagkakakilanlan[103], binigyang-diin nina Rubin at Hewstone[104] ang pagkakaiba sa tatlong uri ng pagtatangi:
- Makatotohanang kompetisyon – nag-uugat sa pansariling interes at layuning makuha ang mga materyal na yaman (hal., pagkain, teritoryo, mamimili) para sa sariling grupo (in-group), tulad ng pagkiling sa sariling grupo upang makakuha ng higit pang yaman para sa mga kasapi nito, kabilang ang sarili.
- Panlipunang kompetisyon – pinasisigla ng pangangailangan sa pagpapahalaga sa sarili at layuning makamit ang positibong katayuang panlipunan para sa sariling grupo kumpara sa ibang grupo (out-group), tulad ng pagkiling sa sariling grupo upang magmukhang mas mataas ito kaysa sa iba.
- Pagtatanging pinahintulot – nagmumula sa pangangailangan ng katumpakan[105] at sumasalamin sa matatag at lehitimong hirarkiya ng katayuang panlipunan sa pagitan ng mga pangkat, tulad ng pagkiling sa mataas na katayuang grupo dahil lamang sa may mataas itong katayuan.
Mga epekto sa kalusugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sikolohikal na epekto ng pagtatangi sa kalusugan ay tumutukoy sa mga landas ng pagiisip kung paano naaapektuhan ng pagtatangi ang kalusugang mental at pisikal ng mga nasa laylayan at mababang katayuang grupo (halimbawa, mga minoryang panglahi at sekswal).[106] Ang pananaliksik tungkol sa ugnayan ng pagtatangi at kalusugan ay lumago noong dekada 1990, nang imungkahi ng mga mananaliksik na ang patuloy na pagkakaiba sa kalusugan batay sa lahi o etniko ay maaaring ipaliwanag ng mga pagkakaiba sa karanasan ng pagtatangi.[107] Habang karamihan ng pananaliksik ay nakatuon sa interaksyon ng interpersonal na pagtatangi at kalusugan, iminungkahi ng mga mananaliksik sa Estados Unidos na ang institusyonal na pagtatangi at rasismong pangkultura ay lumilikha rin ng mga kondisyon na nag-aambag sa patuloy na pagkakaiba sa kalusugang pang-ekonomiya at pang-lahi.[108][109]
Isinagawa ang balangkas ng istes at pagharap sa suliranin upang imbestigahan kung paano nakakaapekto ang pagtatangi sa kalusugan ng mga minoryang pang-lahi, pangkasarian, at pang-sekswal, pati na rin sa mga imigrante at katutubong populasyon.[110][111] Ipinapakita ng pananaliksik na ang karanasan ng pagtatangi ay kaugnay ng mas malalang kalusugang pisikal at mental at nagdudulot ng pagtaas sa mga hindi malusog na gawi. Ang ebidensya ng kabaligtarang ugnayan ng pagtatangi at kalusugan ay paulit-ulit na naobserbahan sa iba't ibang grupo ng populasyon at sa iba't ibang kontekstong kultural at pambansa.[112]
Ang pagsusuri ng datos mula sa UK Household Longitudinal Study (Pangmatagalang Pag-aaral sa mga Sambahayan ng Reyno Unido) ay nagpakita ng ugnayan sa pagitan ng pagtatangi sa mga taong may kapansanan at kagalingan sa buhay. Tinatayang 13.4% ng mga taong may kapansanan ay nakaramdam ng pagtatangi. Mas malalaking pag-aaral sa Europa ang natuklasang napakadalas ng pagtatangi sa mga taong may kapansanan. Ang pagtatangi sa kanila ay kaugnay ng mas mababang antas ng kagalingan, tulad ng depresyon, sariling pagtataya sa kalusugan, sikolohikal na pagkabalisa, at kasiyahan sa buhay.[113]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "What drives discrimination and how do we stop it?". www.amnesty.org (sa wikang Ingles). Amnesty International. Nakuha noong 2020-10-13.
Discrimination occurs when a person is unable to enjoy his or her human rights or other legal rights on an equal basis with others because of an unjustified distinction made in policy, law or treatment.
- ↑ 2.0 2.1 "Discrimination: What it is, and how to cope" (sa wikang Ingles). American Psychological Association. 2019-10-31. Nakuha noong 2020-10-13.
Discrimination is the unfair or prejudicial treatment of people and groups based on characteristics such as race, gender, age or sexual orientation.
- ↑ "discrimination, definition". Cambridge Dictionaries Online (sa wikang Ingles). Cambridge University. Nakuha noong Marso 29, 2013.
- ↑ Mahalia Mayne, Mayne (6 Hulyo 2023). "Should positive discrimination be legal in the UK?". www.peoplemanagement.co.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-08-06.
- ↑ "Definition of discrimination; Origin". Oxford Dictionaries (sa wikang Ingles). Oxford University. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 14, 2013. Nakuha noong Enero 14, 2013.
- ↑ Introduction to sociology (Imprenta) (sa wikang Ingles) (ika-7 (na) labas). New York: W. W. Norton & Company Inc. 2009. p. 324.
- ↑ Altman, Andrew (2020), Zalta, Edward N. (pat.), "Discrimination", Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles) (ika-Tag-init ng 2020 (na) labas), Metaphysics Research Lab, Stanford University, nakuha noong 2020-10-13,
[A]s a reasonable first approximation, we can say that discrimination consists of acts, practices, or policies that impose a relative disadvantage on persons based on their membership in a salient social group. [...] [W]e can refine the first-approximation account of discrimination and say that the moralized concept of discrimination is properly applied to acts, practices or policies that meet two conditions: a) they wrongfully impose a relative disadvantage or deprivation on persons based on their membership in some salient social group, and b) the wrongfulness rests (in part) on the fact that the imposition of the disadvantage is on account of the group membership of the victims.
- ↑ Altman, Andrew (2020), Zalta, Edward N. (pat.), "Discrimination", Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles) (ika-Tag-init 2020 (na) labas), Metaphysics Research Lab, Stanford University, nakuha noong 2020-12-29
- ↑ "United Nations CyberSchoolBus: What is discrimination?" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-06-01.
- ↑ "Definition of Ageism". Oxford Dictionaries (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 14, 2013. Nakuha noong Disyembre 4, 2012.
- ↑ Kirkpatrick, George R.; Katsiaficas, George N.; Kirkpatrick, Robert George; Mary Lou Emery (1987). Introduction to critical sociology (sa wikang Ingles). Ardent Media. p. 261. ISBN 978-0-8290-1595-9. Nakuha noong Enero 28, 2011.
- ↑ "Discrimination". UNICEF (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-08.
- ↑ "Global Caste Discrimination". Human Rights Watch (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 15, 2008. Nakuha noong Abril 26, 2016.
- ↑ "India: Official Dalit population exceeds 200 million". International Dalit Solidarity Network. May 29, 2013. Nakuha noong July 30, 2014.
- ↑ Ayesha Almazroui (Marso 18, 2013). "Emiratisation won't work if people don't want to learn" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 26, 2016. Nakuha noong Abril 26, 2016.
- ↑ "Race and National Origin Discrimination". Office for Civil Rights (sa wikang Ingles). U.S. Department of Education. Nakuha noong Disyembre 16, 2017.
- ↑ Kadi, Joanna (1996). Thinking Class (sa wikang Ingles). South End Press. ISBN 0-89608-548-1.
- ↑ Vornholt, Katharina; Sjir Uitdewilligen; Frans J.N. Nijhuis (Disyembre 2013). "Factors Affecting the Acceptance of People with Disabilities at Work: A Literature Review". Journal of Occupational Rehabilitation (sa wikang Ingles). 23 (4): 463–75. doi:10.1007/s10926-013-9426-0. PMID 23400588.
- ↑ Vornholt, Katharina; Villotti, Patrizia; Muschalla, Beate; Bauer, Jana; Colella, Adrienne; Zijlstra, Fred; Van Ruitenbeek, Gemma; Uitdewilligen, Sjir; Corbière, Marc (10 Oktubre 2017). "Disability and employment – overview and highlights". European Journal of Work and Organizational Psychology (sa wikang Ingles). 27 (1): 40–55. doi:10.1080/1359432X.2017.1387536. ISSN 1359-432X.
- ↑ 20.0 20.1 Puaschunder, Julia (Agosto 2019). "Discrimination of Excellence: A Research Agenda" (PDF). Proceedings of the 14th International Research Association for Interdisciplinary Studies (RAIS) Conference at the Erdman Center of Princeton University (sa wikang Ingles). 14 (1): 54–58. doi:10.2139/ssrn.3459603. S2CID 219357207.
- ↑ 21.0 21.1 De Vos, Marc (2020). "The European Court of Justice and the march towards substantive equality in European Union anti-discrimination law". International Journal of Discrimination and the Law (sa wikang Ingles). 20: 62–87. doi:10.1177/1358229120927947.
- ↑ Chang, C.H. (2017). "How meritocracy is defined today?: Contemporary aspects of meritocracy". Recent Issues in Sociological Research (sa wikang Ingles). 10 (1): 112–121. doi:10.14254/2071-789X.2017/10-1/8.
- ↑ Hurwitz, Michael (2011). "The impact of legacy status on undergraduate admissions at elite colleges and universities". Economics of Education Review (sa wikang Ingles). 30 (3): 480–492. doi:10.1016/j.econedurev.2010.12.002.
- ↑ Clayton, Thomas (1998). "Building the New Cambodia: Educational Destruction and Construction under the Khmer Rouge, 1975-1979". History of Education Quarterly (sa wikang Ingles). 38 (1): 1–16. doi:10.2307/369662. JSTOR 369662.
- ↑ Elting, Liz. "Workplace Ageism Is Hurting Employees And Businesses Alike". Forbes (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-08-23.
- ↑ Sauder, Michael (2020). "A Sociology of Luck". Sociological Theory (sa wikang Ingles). 38 (3): 193–216. doi:10.1177/0735275120941178. ISSN 0735-2751.
- ↑ "Language Discrimination". Workplace Fairness (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-13.
- ↑ "Language Discrimination: Your Legal Rights" (PDF). ACLU Foundation of North California (sa wikang Ingles). The Legal Aid Society-Employment Law Center. 2002. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 4 Setyembre 2012.
- ↑ Quoted in Skutnabb-Kangas, Tove, and Phillipson, Robert, "'Mother Tongue': The Theoretical and Sociopolitical Construction of a Concept". In Ammon, Ulrich (pat.) (1989). Status and Function of Languages and Language Varieties, p. 455. Berlin, New York: Walter de Gruyter & Co. ISBN 3-11-011299-X. (sa Ingles)
- ↑ 30.0 30.1 30.2 Dommisse, Ebbe (16 Nobyembre 2016). "Single dominant tongue keeps inequality in place". The Business Day (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Oktubre 2020.
- ↑ Anna Wierzbicka, Propesor ng Lingguwistika, Pambansang Pamantasang Australyano at may-akda ng 'Imprisoned by English, The Hazards of English as a Default Language, sinulat sa Natural Semantic Metalanguage (NSM), "the universally convertible currency of communication, which can serve as a common auxiliary inter-language for speakers of different languages and a global means for clarifying, elucidating, storing, and comparing ideas" (194) (pagsuri sa aklat) (sa Ingles)
- ↑ "Mother Tongue Based Education in the Philippines | Cultural Survival". www.culturalsurvival.org (sa wikang Ingles). 2012-07-13. Nakuha noong 2025-11-09.
- ↑ "𝐇𝐚𝐬𝐡𝐭𝐚𝐠 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 "𝐁𝐈𝐀𝐒𝐚𝐲𝐚" – Notre Dame of Dadiangas University" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-09.
- ↑ "Denouncing Linguistic Prejudice and Discrimination". World Pulse (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-09.
- ↑ Silberzhan, Raphael (Mayo 19, 2013). "It Pays to be Herr Kaiser". Psychological Science (sa wikang Ingles). 24 (12): 2437–2444. doi:10.1177/0956797613494851. PMID 24113624.
- ↑ Laham, Simon (Disyembre 9, 2011). "The name-pronunciation effect: Why people like Mr. Smith more than Mr. Colquhoun". Journal of Experimental Social Psychology (sa wikang Ingles). 48 (2012): 752–756. doi:10.1016/j.jesp.2011.12.002.
- ↑ Cotton, John (Hulyo 2007). "The "name game": affective and hiring reactions to first names". Journal of Managerial Psychology (sa wikang Ingles). 23 (1): 18–39. doi:10.1108/02683940810849648.
- ↑ Bertrand, Marianne (Setyembre 2004). "Are Emily and Brendan More Employable than Lakisha and Jamaal?" (PDF). The American Economic Review (sa wikang Ingles). 94 (4): 991–1013. doi:10.1257/0002828042002561.
- ↑ Easton, Stephen (Hunyo 30, 2017). "Blind recruiting study suggests positive discrimination common in the APS". The Mandarin (sa wikang Ingles).
- ↑ Smith, Jacquelyn (Nobyembre 4, 2014). "Here's What Recruiters Look At In The 6 Seconds They Spend On Your Résumé". Business Insider (sa wikang Ingles).
- ↑ "No names, no bias". The Economist (sa wikang Ingles). Oktubre 29, 2015.
- ↑ Silberzhan, Raphael; Simonsohn, Uri; Uhlmann, Eric (Pebrero 4, 2014). "Matched-Names Analysis Reveals No Evidence of Name-Meaning Effects: A Collaborative Commentary on Silberzahn and Uhlmann" (PDF). Psychological Science (sa wikang Ingles). 25 (7): 1504–1505. doi:10.1177/0956797614533802. PMID 24866920.
- ↑ "The Power of Names". The New York Times (sa wikang Ingles). Mayo 29, 2013.
- ↑ Kislev, Elyakim (2016-09-19). "Deciphering the 'Ethnic Penalty' of Immigrants in Western Europe: A Cross-Classified Multilevel Analysis". Social Indicators Research (sa wikang Ingles). 134 (2): 725–745. doi:10.1007/s11205-016-1451-x.
- ↑ Carmichael, F.; Woods, R. (2000). "Ethnic Penalties in Unemployment and Occupational Attainment: Evidence for Britain". International Review of Applied Economics (sa wikang Ingles). 14 (1): 71–98. doi:10.1080/026921700101498.
- ↑ Dennis, Rutledge M. (1995). "Social Darwinism, scientific racism, and the metaphysics of race". Journal of Negro Education (sa wikang Ingles). 64 (3): 243–52. doi:10.2307/2967206. JSTOR 2967206.
- ↑ 47.0 47.1 Racism Oxford Dictionaries (sa Ingles)
- ↑ 48.0 48.1 48.2 Ghani, Navid (2008). "Racism". Mula sa Schaefer, Richard T. (pat.). Encyclopedia of Race, Ethnicity, and Society (sa wikang Ingles). SAGE. pp. 1113–1115. ISBN 978-1-4129-2694-2.
- ↑ Newman, D. M. (2012). Sociology: exploring the architecture of everyday life (sa wikang Ingles) (ika-9 (na) labas). Los Angeles: SAGE. p. 405. ISBN 978-1-4129-8729-5.
racism: Belief that humans are subdivided into distinct groups that are different in their social behavior and innate capacities and that can be ranked as superior or inferior.
- ↑ Newman, D.M. (2012). Sociology: exploring the architecture of everyday life (sa wikang Ingles) (ika-9 (na) labas). Los Angeles: Sage. p. 405. ISBN 978-1-4129-8729-5.
racism: Belief that humans are subdivided into distinct groups that are different in their social behavior and innate capacities and that can be ranked as superior or inferior.
- ↑ "'Western workers favoured in UAE', survey respondents say". The National (sa wikang Ingles). Abril 18, 2015. Nakuha noong 2019-07-08.
- ↑ "Accent Discrimination Law and Legal Definition" (sa wikang Ingles). USLegal.
- ↑ 53.0 53.1 Department Of State. The Office of Electronic Information, Bureau of Public Affairs (2008-09-19). "Saudi Arabia". 2001-2009.state.gov (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-24.
- ↑ "Maldives". United States Department of State (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Marso 2022.
- ↑ "Myanmar's apartheid against the Rohingya". www.amnesty.org.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-08-06.
- ↑ Albert, Eleanor; Maizland, Lindsay (23 Enero 2020). "What Forces Are Fueling Myanmar's Rohingya Crisis?". www.cfr.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-08-06.
- ↑ Matsumoto, David (2001). The Handbook of Culture and Psychology (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 197. ISBN 978-0-19-513181-9.
- ↑ Nakdimen, K. A. (1984). "The Physiognomic Basis of Sexual Stereotyping". American Journal of Psychiatry (sa wikang Ingles). 141 (4): 499–503. doi:10.1176/ajp.141.4.499. PMID 6703126.
- ↑ Macklem, Tony (2003). Beyond Comparison: Sex and Discrimination (sa wikang Ingles). New York: Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-82682-2.
- ↑ 60.0 60.1 Sharyn Ann Lenhart (2004). Clinical Aspects of Sexual Harassment and Gender Discrimination: Psychological Consequences and Treatment Interventions (sa wikang Ingles). Routledge. p. 6. ISBN 978-1-135-94131-4. Nakuha noong April 20, 2018.
GENDER OR SEX DISCRIMINATION: This term refers to the types of gender bias that have a negative impact. The term has legal, as well as theoretical and psychological, definitions. Psychological consequences can be more readily inferred from the latter, but both definitions are of significance. Theoretically, gender discrimination has been described as (1) the unequal rewards that men and women receive in the workplace or academic environment because of their gender or sex difference (DiThomaso, 1989); (2) a process occurring in work or educational settings in which an individual is overtly or covertly limited access to an opportunity or a resource because of a sex or is given the opportunity or the resource reluctantly and may face harassment for picking it (Roeske & Pleck, 1983); or (3) both.
- ↑ Christina Macfarlane, Sean Coppack and James Masters (Setyembre 12, 2019). "FIFA must act after death of Iran's 'Blue Girl,' says activist". CNN (sa wikang Ingles).
- ↑ "Australian Parliament, Explanatory Memorandum to the Sex Discrimination Amendment (Sexual Orientation, Gender Identity and Intersex Status) Bill 2013" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 19, 2014. Nakuha noong Oktubre 6, 2014.
- ↑ Cabral, Mauro (Abril 8, 2015). "Making depathologization a matter of law. A comment from GATE on the Maltese Act on Gender Identity, Gender Expression and Sex Characteristics" (sa wikang Ingles). Global Action for Trans Equality. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 4, 2015. Nakuha noong 2015-07-03.
- ↑ "OII-Europe applauds Malta's Gender Identity, Gender Expression and Sex Characteristics Act. This is a landmark case for intersex rights within European law reform". Oii Europe (sa wikang Ingles). Abril 1, 2015. Nakuha noong 2023-01-17.
- ↑ sdgcounting (2017-06-06). "SDG 5 Indicators". Medium (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-09-23.
- ↑ MacInnis, Cara C.; Hodson, Gordon (2012). "Intergroup bias toward "Group X": Evidence of prejudice, dehumanization, avoidance, and discrimination against asexuals". Group Processes & Intergroup Relations (sa wikang Ingles). 15: 725–743. doi:10.1177/1368430212442419.
- ↑ Drydakis, Nick (2011). "Women's Sexual Orientation and Labor Market Outcomes in Greece". Feminist Economics (sa wikang Ingles). 17: 89–117. doi:10.1080/13545701.2010.541858. S2CID 154771144.
- ↑ Drydakis, Nick (2014). "Sexual orientation discrimination in the Cypriot labour market. Distastes or uncertainty?". International Journal of Manpower (sa wikang Ingles). 35 (5): 720–744. doi:10.1108/IJM-02-2012-0026. hdl:10419/62444. S2CID 10103299.
- ↑ Ahmed, A. M., Andersson, L., Hammarstedt, M. (2011) Are gays and lesbians discriminated against in the hiring situation? Naka-arkibo 2015-05-29 sa Wayback Machine. Institute for Labour Market Policy Evaluation Working Paper Series 21. (sa Ingles)
- ↑ Baert, Stijn (2014). "Career lesbians. Getting hired for not having kids?". Industrial Relations Journal (sa wikang Ingles). 45 (6): 543–561. CiteSeerX 10.1.1.467.2102. doi:10.1111/irj.12078. S2CID 34331459.
- ↑ "New Benefits for Same-Sex Couples May Be Hard to Implement Abroad". ABC News. Hunyo 22, 2009. (sa Ingles)
- ↑ "ILGA: 2009 Report on State Sponsored Homophobia (2009)" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Mayo 2, 2010.
- ↑ "ILGA:7 countries still put people to death for same-sex acts" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 29, 2009.
- ↑ "Islamic views of homosexuality" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 15, 2015. Nakuha noong Abril 26, 2016.
- ↑ "AU welcomes progress in peace process". IRIN (sa wikang Ingles). 2004-09-29. Nakuha noong Abril 26, 2016.
- ↑ "They Want Us Exterminated". Human Rights Watch. Agosto 16, 2009. (sa Ingles)
- ↑ Harrison, Rebecca. "South African gangs use rape to "cure" lesbians". Reuters. Marso 13, 2009. (sa Ingles)
- ↑ Kelly, Annie (2009-03-12). "Raped and killed for being a lesbian: South Africa ignores 'corrective' attacks". The Guardian (sa wikang Ingles).
- ↑ "Reverse Discrimination". Findlaw (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-17.
- ↑ "Reverse Discrimination". dictionary.com (sa wikang Ingles).
- ↑ Embrick, David G. (2008). "Affirmative Action in Education". Mula sa Schaefer, Richard T. (pat.). Encyclopedia of Race, Ethnicity, and Society, Volume 1 (sa wikang Ingles). SAGE. pp. 12–19. ISBN 978-1-41-292694-2.
- ↑ "Anti-discrimination laws & legislation in Philippines". L&E Global (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ "[ PRESIDENTIAL DECREE NO. 442, May 01, 1974 ]". Supreme Court E-Library (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ "ARTICLE III - BILL OF RIGHTS - Supreme Court E-Library". elibrary.judiciary.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-12-03. Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ "Republic Act No. 7277". officialgazette.gov.ph (sa wikang Ingles). Marso 24, 1992. Nakuha noong Nobyembre 10, 2025.
- ↑ "REPUBLIC ACT NO. 7877 - AN ACT DECLARING SEXUAL HARASSMENT UNLAWFUL IN THE EMPLOYMENT, EDUCATION OR TRAINING ENVIRONMENT, AND FOR OTHER PURPOSES - Supreme Court E-Library". elibrary.judiciary.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2025-03-25. Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ "Republic Act 8972: Solo Parents' Welfare Act of 2000 | Philippine Commission on Women" (sa wikang Ingles). 2000-11-07. Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ "R.A. 9710". lawphil.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ "R.A. 9710". lawphil.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ "Republic Act No. 11036". lawphil.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ "Republic Act No. 11313". lawphil.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ "FAQs Republic Act No. 11313: Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law) | Philippine Commission on Women" (sa wikang Ingles). 2021-09-17. Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ "THE IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS OF REPUBLIC ACT NO. 11313 OR "AN ACT DEFINING GENDER-BASED SEXUAL HARASSMENT IN STREETS, PUBLIC SPACES, ONLINE, WORKPLACES, AND EDUCATIONAL OR TRAINING INSTITUTIONS, PROVIDING PROTECTIVE MEASURES AND PRESCRIBING PENALTIES THEREFOR", OTHERWISE KNOWN AS THE "SAFE SPACES ACT"" (PDF). philguarantee.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ Abad, Michelle (2019-08-28). "TIMELINE: SOGIE equality in the Philippines". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-10.
- ↑ "The Universal Declaration of Human Rights" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 8, 2014.
- ↑ "Human Rights Law". www.un.org (sa wikang Ingles). 2015-09-02. Nakuha noong 2018-07-10.
- ↑ Fennelly, David; Murphy, Clíodhna (2021). "Racial Discrimination and Nationality and Migration Exceptions: Reconciling CERD and the Race Equality Directive". Netherlands Quarterly of Human Rights (sa wikang Ingles). 39 (4): 308–328. doi:10.1177/09240519211055648. S2CID 243839359.
- ↑ International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination (sa Ingles)
- ↑ "Civil rights" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 23, 1999. Nakuha noong Marso 20, 2019.
- ↑ Singer, Peter (1999) [1993]. "Equality for Animals?". Practical Ethics (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) labas). Cambridge: Cambridge University Press. pp. 57–58. ISBN 978-0-521-43971-8.
If a being suffers, there can be no moral justification for refusing to take that suffering into consideration. ... This is why the limit of sentience ... is the only defensible boundary of concern for the interests of others. ... Similarly those I would call 'speciesists' give greater weight to their own species when there is a clash between their interests and the interests of those of other species.
- ↑ Altman, Andrew (2020), "Discrimination", mula sa Zalta, Edward N. (pat.), Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles) (ika-Tag-init ng 2020 (na) labas), Metaphysics Research Lab, Stanford University, nakuha noong 2020-12-29
- ↑ Sherif, M. (1967). Group conflict and co-operation (sa wikang Ingles). London: Routledge.
- ↑ Tajfel, H.; Turner, J. C. (1979). "An integrative theory of intergroup conflict". Mula sa Austin, W.G.; Worchel, S. (mga pat.). The social psychology of intergroup relations (sa wikang Ingles). Monterey, CA: Brooks/Cole. pp. 33–47.
- ↑ Rubin, M.; Hewstone, M.; atbp. (2004). "Social identity, system justification, and social dominance: Commentary on Reicher, Jost et al., and Sidanius et al". Political Psychology (sa wikang Ingles). 25 (6): 823–844. doi:10.1111/j.1467-9221.2004.00400.x. hdl:1959.13/27347.
- ↑ "Prejudice & Discrimination Theories #2". Keith E Rice's Integrated SocioPsychology Blog & Pages (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-17.
- ↑ Talbert, Ryan D.; Ren, Junlan (2025). "Race, Racism, and Mental Health". The Blackwell Encyclopedia of Sociology (sa wikang Ingles): 1–7. doi:10.1002/9781405165518.wbeos1065.pub2. ISBN 978-1-4051-6551-8.
- ↑ Krieger, Nancy (1999). "Embodying Inequality: A Review of Concepts, Measures, and Methods for Studying Health Consequences of Discrimination". International Journal of Health Services (sa wikang Ingles). 29 (2): 295–352. doi:10.2190/M11W-VWXE-KQM9-G97Q. ISSN 0020-7314. PMID 10379455. S2CID 2742219.
- ↑ Williams, David R.; Lawrence, Jourdyn A.; Davis, Brigette A. (2019-04-01). "Racism and Health: Evidence and Needed Research". Annual Review of Public Health (sa wikang Ingles). 40 (1): 105–125. doi:10.1146/annurev-publhealth-040218-043750. ISSN 0163-7525. PMC 6532402. PMID 30601726.
- ↑ Mohai, Paul; Pellow, David; Roberts, J. Timmons (2009-11-01). "Environmental Justice". Annual Review of Environment and Resources (sa wikang Ingles). 34 (1): 405–430. doi:10.1146/annurev-environ-082508-094348. ISSN 1543-5938.
- ↑ Krieger, Nancy (2014). "Discrimination and Health Inequities". International Journal of Health Services (sa wikang Ingles). 44 (4): 643–710. doi:10.2190/HS.44.4.b. ISSN 0020-7314. PMID 25626224. S2CID 30287261.
- ↑ Pascoe, Elizabeth A.; Smart Richman, Laura (2009). "Perceived discrimination and health: A meta-analytic review". Psychological Bulletin (sa wikang Ingles). 135 (4): 531–554. doi:10.1037/a0016059. hdl:10161/11809. ISSN 1939-1455. PMC 2747726. PMID 19586161.
- ↑ Williams, David R.; Mohammed, Selina A. (2009). "Discrimination and racial disparities in health: evidence and needed research". Journal of Behavioral Medicine (sa wikang Ingles). 32 (1): 20–47. doi:10.1007/s10865-008-9185-0. ISSN 0160-7715. PMC 2821669. PMID 19030981.
- ↑ Hackett, Ruth A.; Steptoe, Andrew; Lang, Raymond P.; Jackson, Sarah E. (2020-03-01). "Disability discrimination and well-being in the United Kingdom: a prospective cohort study". BMJ Open (sa wikang Ingles). 10 (3) e035714. doi:10.1136/bmjopen-2019-035714. ISSN 2044-6055. PMC 7069317. PMID 32169928.