Palaro ng Timog Silangang Asya 2007
Punong-abalang lungsod | Nakhon Ratchasima, Thailand | ||
---|---|---|---|
Motto | Tema: "SPIRIT, FRIENDSHIP AND CELEBRATIONS" | ||
Mga bansang kalahok | 11 | ||
Mga atletang kalahok | 5,282 | ||
Disiplina | 475 sa 43 disiplina | ||
Seremonya ng pagbubukas | 6 Disyembre 2007 | ||
Seremonya ng pagsasara | 15 Disyembre 2007 | ||
Opisyal na binuksan ni | Vajiralongkorn | ||
Opisyal na sinara ni | Surayud Chulanont Prime Minister of Thailand | ||
Panunumpa ng Manlalaro | Suebsak Pansueb | ||
Panunumpa ng Hukom | Paibul Srichaisawat | ||
Torch lighter | Udomporn Polsak | ||
Main venue | 80th Birthday Stadium | ||
|
Ang ika-24 na Palaro ng Timog Silangang Asya o 24th SEA Games ay ginanap sa Lungsod ng Nakhon Ratchasima sa Thailand mula 6 Disyembre 2007 hanggang 16 Disyembre 2007.[1] Ang Thai Olympic Committee ay pinlano na ang palaro ay ganapin kasabay ng pagdiriwang ng ika-80 taong kaarawan ni Haring Bhumibol Adulyadej.
Ang edisyong ito ng palaro ay ang pang-anim na beses na ng Thailand bilang bansang punong-abala. Ang ilang disiplina ay nagsimula na bago pa man ang opisyal na pagbubukas ng palaro. Ang ibang larangan ay ginaganap sa Bangkok at Chonburi.
Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng Hari ng Thailand, ang pagbubukas ng palaro ay naging makulay at magarbo, ipinamalas ng bansang punong-abala ang kultura ng hilagang silangan ng bansa. Ang kalderon ay sinindihan ni Udomporn Patsak.
Paghahanda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong ika-24 ng Pebrero taong 2006, ang mga opisyales ng lalawigan ng Nakhon Ratchsima ay pinag-usapan ang iskedyul ng palaro at progreso ng kasalukuyang ginagawang stadium na pampalakasan na nagkakahalaga ng $65 milyon. Natapos ang sports complex buwan ng Hunyo ng taong 2007.
Talaan ng medalya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang ng mga natamong medalya (huling tala Disyembre 15 18:14 [2] (UTC +7))
Pos. | Bansa | Ginto | Pilak | Tanso | Kabuuan |
---|---|---|---|---|---|
1 | Thailand (THA) | 183 | 123 | 103 | 409 |
2 | Malaysia (MAS) | 68 | 52 | 96 | 216 |
3 | Vietnam (VIE) | 64 | 58 | 82 | 204 |
4 | Indonesia (INA) | 56 | 64 | 83 | 203 |
5 | Singapore (SIN) | 43 | 43 | 41 | 127 |
6 | Pilipinas (PHI) | 41 | 91 | 96 | 228 |
7 | Myanmar (MYA) | 14 | 26 | 47 | 87 |
8 | Laos (LAO) | 5 | 7 | 32 | 44 |
9 | Cambodia (CAM) | 2 | 5 | 11 | 18 |
10 | Brunei (BRU) | 1 | 1 | 4 | 6 |
11 | Silangang Timor (TLS) | 0 | 0 | 0 | 0 |
Kabuuan | 477 | 470 | 595 | 1542 |
Mascot
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang opisyal na mascot ng palaro ay si Can, isang pusang siamese (Ingles: siamese cat). Si Can ay pinangalanan ng isang walong-taong gulang na babae, si Piyathida Sreewimon at idinisensyo ni Sa-ard Jomnagrm.[3] Ang mascot ay makikitang nakasuot ng pha khao ma isang tradisyonal ng tuwalyang Thai at ipinapakitang tumutugtog ng kaen, isang instrumento mula sa hilagang-silangan. Pinili ang pusang siamese dahil ang mga lahing ito ay nagmula sa distrito ng Pimai ng Nakhon Ratchasima. Ang mga pusang siamese, ayon sa tradisyonal na kultura ng mga Thai, ay pinaniniwalaang nagbibigay ng kapalaran at karangyaan at isa sa mga lahi ng mga pusa na kilala sa buong mundo.
Mga kasaling nasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasyon | Manlalaro | Opisyal | |||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Kodigo | Designasyon ng IOC | Lalaki | Babae | Kabuuan | Lalaki | Babae | Kabuuan |
BRU | Brunei Darussalam | 51 | 10 | 61 | 44 | 2 | 46 |
CAM | Cambodia | 161 | 71 | 232 | 64 | 4 | 68 |
INA | Indonesia | 369 | 205 | 574 | 160 | 28 | 188 |
LAO | Popular na Demokratikong Republika ng Laos | 246 | 168 | 414 | 186 | 35 | 221 |
MAS | Malaysia | 494 | 326 | 820 | 239 | 35 | 294 |
MYA | Myanmar | 292 | 214 | 506 | 156 | 35 | 191 |
PHI | Pilipinas | 373 | 247 | 620 | 143 | 32 | 175 |
SIN | Singapore | 262 | 180 | 442 | 165 | 51 | 216 |
THA | Thailand | 540 | 442 | 982 | 342 | 65 | 407 |
TLS | Timor Leste | 7 | 0 | 7 | 8 | 0 | 8 |
VIE | Vietnam | 331 | 293 | 624 | 152 | 17 | 169 |
Kabuuan | 3,126 | 2,156 | 5,282 | 1,659 | 324 | 1,983 |
Mga palakasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
|
|
|
¹ - hindi opisyal na disiplina sa Olympics.
² - disiplinang nilalaro lamang sa SEA Games.
³ - hindi tradisyonal na displina sa Olmypics at SEA Games at isinali ng punong-abala.
° - dating nilalaro sa Olympics, wala sa naunang edisyon at isinali lamang ng bansang punong-abala.
ʰ - palakasang hindi nilaro sa naunang edisyon at ibinalik ng bansang punong-abala.
Kontrobersiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang 24 na edisyon ng Palaro ng Timog Silangang Asya ay ang pinaka-kontrobersiyal sa kasaysayan ng palaro dahil sa mga pandaraya at ang paggamit ng Neutral Judge sa lahat ng venue ng laro
Kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Opisyal na website ng 2007 Southeast Asian Games Naka-arkibo 2008-05-17 sa Wayback Machine.
Mga batayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Ang opisyal na website ng Palaro ng Timog Silangang Asya 2007". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-10-16. Nakuha noong 2021-08-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-10-16 sa Wayback Machine. - ↑ "Mga natamong medalya". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-12-31. Nakuha noong 2007-12-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-12-31 sa Wayback Machine. - ↑ "Ang mascot ng Palaro". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-09-30. Nakuha noong 2007-11-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2012-09-30 sa Wayback Machine.