Palaro ng Timog Silangang Asya 2023
Punong-abalang lungsod | Phnom Penh, Kambodya | ||
---|---|---|---|
Motto | "Sports Into Peace" (Khmer: "កីឡាចូលទៅក្នុងសន្តិភាព" Tagalog: Isports Para sa Kapayapaan) | ||
Mga bansang kalahok | 11 | ||
Mga atletang kalahok | TBA | ||
Seremonya ng pagbubukas | 5 Mayo 2023 | ||
Seremonya ng pagsasara | 15 Mayo 2023 | ||
Opisyal na binuksan ni | King of Cambodia (inaasahan) | ||
Main venue | Pambansang Istadyum ng Morodok Techo | ||
|
Ang Palaro ng Timog Silangang Asya 2023, (Khmer: ការប្រកួតកីឡាប្រជាជាតិអាស៊ីអាគ្នេយ៍ ២០២៣, translit. kar brakuot keila bracheacheat asi akne 2023) o kilala bilang 32nd SEA Games ay ang ika-32 edisyon ng palaro na gaganapin sa Phnom Penh, Kambodya sa darating na 5 hanggang 15 Mayo 2023.
Ang anunsyo ay ginawa sa pagpulong ng SEA Games Federation Council sa Singgapur kasabay ng Palaro ng Timog Silangang Asya 2015, at ang Pangulo ng Pambansang Komiteng Olimpiko ng Kambodya, na si Thong Khon. Ang Pilipinas ang orihinal na tinakdang maghost ng Mga Palaro, pero sinulong ito sa 2019 matapos bawiin ng Brunei ang orihinal na karapatang paghohost. Ito ang unang pagkakataon ng Kambodya na maghost ng mga palaro matapos kinansela ang Palarong Peninsularo ng Timog Silangang Asya 1963 dahil sa situwasyon ng politika sa bansang noong panahong na iyon. 40 isports ang itatampok ng Palarong SEA 2023[1]
Pagsulong at paghahanda[baguhin | baguhin ang wikitext]
Matapos ang anunsyo sa pagpili ng punong-abala, Si Punong Ministro Hun Sen ay inapruba ang huling disenyo ng pangunahing istadyum ng Mga Palaro.[2] Habang nasa bisitang pang-estado si Hun Sen sa Beijing noong Mayo 2014, Ang pinuno ng Tsina na si Xi Jinping (Kalihim na heneral din ng Partido Komunista ng Tsina) ay pinangako ang pagpondo sa konstruksyon ng pangunahing istadyum ng pang-lahatang komplex na pang-isports sa isang lungsod na tagasunod ng Phnom Penh na Khan Chroy Jong Va. Ang 60,000-upuan na pangunahing istadyum, na tinatayang gagastos sa higit $157 milyon (₱8.2 bilyon) at ipapatayo ng isang kompanyang konstruksyong Tsino, ay kukumpletuhin sa pagitan ng 2019 and 2020 kasama ang pondong Tsino na buong gagamitin sa buogn proyekto. Ang pagkalahatang arena na Morodok Techo National Sports Complex ay itatampok ang languyang pang-olimpiko, isang patlang pamputbol, isang karerahang pantakbo, mga korteng pantennis at mga dormitoryo sa mga atleta.[3] Opisyal na binuksan ang pangunahing istadyum noong Agosto 2021.
Ang palaro[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga bansang naglalahok[baguhin | baguhin ang wikitext]
Brunei
Cambodia
Indonesia
Laos
Myanmar
Malaysia
Pilipinas
Singapore
Thailand
Silangang Timor
Vietnam
Pagmarket[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagbrand[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang opisyal na logo and slogan ng 2023 Palarong Timog Silangang Asya ay ipinasya ng 2023 Cambodian SEA Games Organizing Committee noong 2 Hulyo 2020 at opisyal na inilunsad noong 7 Agosto. Idinaos ang paligsahan sa pagdidisenyo noong 2019 na binubuo ng Angkor Wat at 4 na dragon bilang pangunahing paksa. Ang naging inisyal na slogan ay "Sport Into Peace" (កីឡារស់ក្នុងសន្តិភាព) (Isports Tungo sa Kapayapaan). Inirebisa ng kaunti ang logo upang magamit pa ito sa 2023 ASEAN Para Games (Palarong Para ng ASEAN). Ang slogan sa Ingles ay inirebisa bilang "Sport: Live in Peace" (Isport: Mabuhay Nang Payapa).
Isang paligsahang pagdidisenyo ng maskot ay inorganisa noong 2019 at binuksan sa mga mamayang Kambodyano na edad 15 pataas. Kinailangan ng paligsahan na magsumite ang mga aplikante ng mga disenyo na sinusundan ang temang kuneho at sumasalamin sa kulturang Kambodyano. Natapos ang paligsahan noong 30 Nobyembre 2019. Ang nanalong disenyo ay binubuo ng dalawang kuneho na may kasuotang tradisyonal na Kambodyano; isang babae sa pula na nagngangalang Rumduol (រំដួល) at isang lalake sa asul na nagngangalang Borey (បុរី). Ang pula at asul naman ay mga kulay ng watawat ng Kambodya
The Games[edit][baguhin | baguhin ang wikitext]
Sports[edit][baguhin | baguhin ang wikitext]
See also: Southeast Asian Games sports
2023 Southeast Asian Games Sporting Programmes | ||||
---|---|---|---|---|
|
Talasanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ "40 sports to be featured at 2023 SEA Games in Cambodia". Bernama. 10 April 2022. Nakuha noong 11 April 2022.
- ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangannounce
); $2 - ↑ "Hun Sen reveals design for SEA Games stadium". The Phnom Penh Post. 19 May 2015. Nakuha noong 3 January 2016.
Sinundan: Vietnam |
Southeast Asian Games Phnom Penh XXXII Southeast Asian Games (2023) |
Susunod: Chonburi |