Palazzo della Cancelleria
Itsura
Ang Palazzo della Cancelleria (Palasyo ng Kansilyeriya, na tumutukoy sa dating Apostolikong Kansilyeriya ng Santo Papa) ay isang palasyong Renasimiyento sa Roma, Italya, na matatagpuan sa pagitan ng kasalukuyang Corso Vittorio Emanuele II at Campo de 'Fiori, sa rione ng Parione. Itinayo ito 1489–1513 nina Baccio Pontelli at Antonio da Sangallo ang Nakatatanda[1] bilang isang palasyo para kay Kardinal Raffaele Riario, Camerlengo ng Banal na Simbahang Katoliko, at itinuturing bilang pinakaunang palasyong Renasimiyento sa Roma. Kinalalagyan ng Palazzo ang Apostolikong Kansilyeriya, isang ekstrateritoryal na pag-aari ng Banal na Luklukan, at itinalaga bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook.[2]
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Palazzo della Cancelleria Apostolica
- Ang Vatican: espiritu at sining ng Christian Rome, isang libro mula sa The Metropolitan Museum of Art Libraries (buong maaaring tingnan online bilang PDF), na naglalaman hinggil sa Palazzo (p. 370-4)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ FROMMEL, Christop. Architettura del Rinascimento Italiano. Milano, Skyra, 2009, p. 150-154'
- ↑ Historic Centre of Rome, the Properties of the Holy See in that City Enjoying Extraterritorial Rights and San Paolo Fuori le Mura (accessed: 2011-07-22)