Pumunta sa nilalaman

Probisyonal na Gobyerno ng Republika ng Korea

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pumunta lamang sa usapan para sa iba pang mga pangalan ng artikulong ito.
Probisiyonal na Gobyerno ng Republika ng Korea
대한민국임시정부
大韓民國臨時政府
1919–1948
sagisag ng Korea
sagisag
Awiting Pambansa: Aegukga
KatayuanDesterado
KabiseraSeoul (de jure)
Kabisera habang ipinataponShanghai, at nilipat sa Chongqing
Karaniwang wikaKoreano
Pamahalaanpampanguluhang republika (1919-1925)
(1940-1948)
Parliyamentaryong republika(1925-1940)
• 1919-1925
Syngman Rhee
• 1927-1933 and
 1935-1940
Yi Dongnyeong
• 1926-1927 and
 1940-1948
Kim Gu
• 1919-1921
Yi Donghwi
• 1924-1925
Park Eunsik
• 1944-1945
Kim Kyu-sik
PanahonMaagang ika-20 Siglo
1 Marso 1919
• Saligang Batas
11 Abril 1919 1919
• Pagproklama ng Pamahalaan
Abril 13, 1919
29 Abril 1932
• Digmaan idineklara sa Axis
10 Disyembre 1941
15 Agosto 1945
• Republika ng Korea naitatag
15 Agosto 1948 1948
9 Setyembre 1948
SalapiWon
Kodigo sa ISO 3166KP
Pinalitan
Imperyo ng Korea
Probisyonal na Gobyerno ng Republika ng Korea
Hangul대한민국임시정부
Hanja大韓民國臨時政府
Binagong RomanisasyonDaehanmin(-)guk Imsijeongbu
McCune–ReischauerTaehanmin'guk Imsijŏngbu
Kasaysayan ng Korea

Sinauna
 Panahon ng Jeulmun
 Panahon ng Mumun
Gojoseon 2333-108 BCE
 Jin
Sinaunang Tatlong Kaharian: 108-57 BCE
 Buyeo, Okjeo, Dongye
 Samhan: Mahan, Byeon, Jin
Tatlong Kaharian: 57 BCE - 668 CE
 Goguryeo 37 BCE - 668 CE
 Baekje 18 BCE - 660 CE
 Silla 57 BCE - 935 CE
 Gaya 42-562
North-South States: 698-935
 Pinag-isang Silla 668-935
 Balhae 698-926
Sumunod na Tatlong Kaharian 892-935
Goryeo 918-1392
Joseon 1392-1897
Imperyong Koreano 1897–1910
Pamumuno ng Hapon 1910–1945
 Pamahalaang Probisyonal 1919-1948
Pagkakahati ng Korea 1945–1948
Hilagang Korea, Timog Korea 1948–present
 Digmaang Koreano 1950–1953

  • Talaan ng mga namuno
  • Panahong Linya
  • Kasaysayang Militar
  • Kasaysayang Naval
  • Agham at Teknolohiya ng Korea
  • Korea Portal

    Ang Probisyonal na Pamahalaan ng Republika ng Korea ay bahagyang kinilala bilang pamahalaang desterado ng Korea, na naka-base sa Shanghai, Tsina at nilipat sa Chongqing noong pamumuno ng Hapon sa Korea.

    Binuo ang naturang pamahalaan noong 13 Abril 1919 makalipas ang Ika-1 Marso Kilusan ng parehong taon noong namuno ang Hapon sa Tangway ng Korea.[1].

    Hindi natamo ng pamahalaan ang pormal na pagkilala mula sa ibang bansa, ngunit ang magandang anyo ng pagkilala ay inihatid ng Pamahalaang Nasyonalista ng Tsina at iba pang mga pamahalaan, na karamihan man ay desterado rin.

    Pinigilan ng pamahalaan ang militar na pananakop ng Hapon na nagtagal mula 1910 hanggang 1945. Nakipag-ugnayan sila sa armadong pangpigil laban sa hukbong Hapones noong 1920 at 1930, kabilang na ang Digmaan ng Chingsanli noong Oktubre 1920, at paglusob sa Pamumunong Militar na Hapones sa Shanghai noong Abril 1932.

    Humantong ang labanan sa pagkakabuo ng Hukbong Liberasyong Koreano noong 1940, na nagdalahan ng karamihan sa pagka-destiyera ng mga hukbong panglabang Koreano. Gaya ng napag-planuhan, nag-deklara ng digmaan ang pamahalaan laban sa Hapon at Alemanya noong 9 Disyembre 1941 at nakibahagi ang Hukbong Liberasyon sa kilusang magkaanib sa Tsina at iba pang bahagi ng Timog-Silangang Asya.

    Bago magtapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naghanda ng pagsugod ang Hukbong Liberasyong Koreano laban sa mga Hapones sa Korea sa pakikipagtulungan Amerikanong Tanggapan ng Estratehikong Serbisyo, ngunit naantala ng pagsuko ng Hapon ang pagsagawa ng balak. Natamo ang layunin ng pamahalaan noong pagsuko ng mga Hapones noong 2 Setyembre 1945.

    Ang mga lugar ng Probisyonal na Pamahalaan sa Shanghai at Chongqing ay naging mga museo.

    1. Sources of Korean Tradition, vol. 2, From the Sixteenth to the Twentieth Centuries, edited by Yŏngho Ch'oe, Peter H. Lee, and Wm. Theodore de Bary, Introduction to Asian Civilizations (New York: Columbia University Press, 2000), 336.

    Kawing Panlabas

    [baguhin | baguhin ang wikitext]