Pamantasang Estatal ng Tbilisi
Ivane Javakhishvili Tbilisi State University | |
---|---|
Latin: Universitas Tphilisensis[1] | |
Itinatag noong | 1918 |
Uri | Public |
Rektor | Giorgi Sharvashidze |
Academikong kawani | 5000 |
Mag-aaral | 18,000 |
Lokasyon | , 41°42′36″N 44°46′42″E / 41.71000°N 44.77833°E |
Kampus | Urban |
Mga Kulay | Blue, white |
Palayaw | TSU |
Websayt | www.tsu.ge |
Ang Pampamahalaang Unibersidad ng Tbilisi Ivane Javakhishvili o Ivane Javakhishvili Tbilisi State University (Heorhiyano: ივანე ჯავახიშვილის სახელობის თბილისის სახელმწიფო უნივერსიტეტი Ivane Javaxishvilis saxelobis Tbilisis saxelmts'ipo universit'et ' i, madalas na pinaiikli sa kanyang makasaysayang pangalan, Tbilisi State University o TSU), ay isang unibersidad na itinatag noong 8 Pebrero 1918 sa Tbilisi, Georgia. Kung hindi ikokonsidera ang mga akademya at seminaryong teolohikong umiiral sa Georgia sa loob ng maraming siglo, ang TSU ang maituturing na pinakamatandang unibersidad sa Georgia at sa rehiyon ng Caucasus. Higit 18,000 mga mag-aaral ang naka-enroll sa unibersidad na may humigit-kumulang 5,000 guro at kawani.
Ang unibersidad ay may limang mga sangay sa mga rehiyon ng Georgia, anim na fakultad, 60 laboratoryo at sentrong pang-agham, isang aklatang pang-agham (na nagtataglay ng 3,700,000 mga aklat at peryodikal), pitong museo, at palimbagan (pahayagan "Tbilisis Universiteti").
Ang TSU ay merong anim na mga fakultad: Batas, Ekonomiks at Negosyo, Humanidades, Medisina, Agham Panlipunan at Pampulitika, Eksakto at Natural na Agham, at ang International School of Economics, na isang nagsasariling paaralang gradwado ng ekonomiks.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "ივანე ჯავახიშვილის სახელობის თბილისის სახელმწიფო უნივერსიტეტის გერბი". Tbilisi State University. Nakuha noong 31 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.