Pamantasang Estatal ng Utah

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Old Main

Ang Pamantasang Estatal ng Utah (Ingles: Utah State University, tinutukoy din bilang USU o Utah State) ay isang pampublikong pamantasang land-grant para sa pananaliksik sa Logan, Utah, Estados Unidos. Ito ay akreditado ng Northwest Commission on College and Universities. Dahil mayroong halos 20,000 mag-aaral na nakatira sa loob o malapit sa kampus, ang USU ay ang pinakamalaking pampublikong residensyal na kampus ng Utah.

Itinatag noong 1888 bilang ang kolehiyo ng agrikultura ng Utah, ang USU ay nakatuon sa agham, inhenyeriya, agrikultura, sining domestiko, agham militar, at mekanikong sining. Nag-aalok ito ng mga programang master at doktoral sa mga humanidades, agham panlipunan, at STEM (agham, teknolohiya, inhenyeriya, at matematika ). Natanggap nito ang kasalukuyang pangalan noong 1957.

Mga koordinado: 41°44′27″N 111°48′52″W / 41.740697222222°N 111.81450277778°W / 41.740697222222; -111.81450277778
Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.