Pamantasang Estatal ng Washington

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Thompson Hall (1894)

Ang Pamantasang Estatal ng Washington (WSU) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Pullman, Washington, sa rehiyong Palouse sa hilagang-kanluran ng Estados Unidos. Meron itong mga sangay na kampus sa iba't ibang panig ng estado ng Washington.

Itinatag noong 1890, ang WSU (kolokyal: "Wazzu") ay isang land-grant na unibersidad na may programa sa malawak na hanay ng mga akademikong disiplina.[1] Ito ay nararanggo sa tuktok na 140 unibersidad sa bansa na may mataas na aktibidad ng pananaliksik, ayon sa US News & World Report.[2] Meron itong pagpapatala sa antas undergraduate na humigit-kumulang 24,000 mag-aaral at kabuuang pagpapatalang 30,000. Ito ang pangalawang pinakamalaking institusyon ng mas mataas na edukasyon sa estado ng Washington kasunod ng Unibersidad ng Washington.[3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Washington State University- Academic life".
  2. U.S. News & World Report. Hinago noong Setyembre 22, 2015.
  3. "Key Facts about Higher Education in Washington" (PDF). Washington Higher education coordinating board. 2012. Hinango noong Setyembre 22, 2015.

Mga koordinado: 46°43′31″N 117°09′35″W / 46.7252°N 117.1596°W / 46.7252; -117.1596
Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.