Pamantasang Masaryk

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Gusali ng medisina

Ang Pamantasang Masaryk (Ingles: Masaryk University, Tseko: Masarykova univerzita; Latin: Universitas Masarykiana Brunensis) ay ang pangalawang pinakamalaking unibersidad sa Czech Republic, isang miyembro ng Compostela Group at Utrecht Network. Itinatag noong 1919 sa Brno bilang ikatlong pamantasang Czech (kasunod ng Pamantasang Carlos sa Praga na itinatag sa 1348 at Pamantasang Palacký na itinatag noong 1573), ito ngayon ay binubuo ng siyam na fakultad at humigit-kumulang 35,000 mag-aaral.[1] Ito ay ipinangalan kay Tomáš Garrigue Masaryk, ang unang pangulo ng isang malayang Czechoslovakia.[2]

Noong 1960, ang unibersidad ay naging Pamantasang Jan Evangelista Purkyně na isinunod sa pangalan ni Jan Evangelista Purkyně, isang biolohistang Czech. Noong 1990, kasunod ng Velvet Revolution bumalik ang unibersidad sa orihinal na pangalan.[3]

Mga footnote[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Detailed Statistical Data". Masaryk University. Sininop mula sa orihinal noong 27 Agosto 2016. Hinango noong 5 Mayo 2014.
  2. "MU Brief History". Masaryk University. Hinango noong 2016-01-06.
  3. "MU Important Dates in the History". Masaryk University. Hinango noong 2008-12-13.