Pampamahalaang Unibersidad ng Pennsylvania

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Penn State University - Dickinson Law

Ang Pampamahalaang Unibersidad ng Pennsylvania (InglesPennsylvania State University), karaniwang tinutukoy bilang Penn State o PSU, ay isang pampubliko, flagship, pang-estado, land-grant, sea-grant, space-grant, sun-grant, at pampananaliksik na pamantasan na may mga kampus at pasilidad sa buong estado ng Pennsylvania, sa Estados Unidos. Itinatag noong 1855, ang unibersidad ay may misyon sa pagtuturo, pananaliksik, at mga serbisyo publiko. Ang pangunahing kampus nito ay nasa University Park, na matatagpuan sa loob ng mga lungsod ng State College at College Township. Ito ay may dalawang mga paaralan ng batas, ang Penn State Law, na nasa University Park, at Dickinson Law, na matatagpuan sa Carlisle, 90 milya sa timog ng State College. Ang Kolehiyo ng Medisina ay matatagpuan sa Hershey. Bukod sa mga ito, ang Penn State ay meron ding 19 na satelayt na kampus at 5 kampus para sa espesyal na misyon campus na matatagpuan sa buong estado.[1] Ang Penn Estado ay kinikilala bilang isa sa mga "Public Ivies," isang pampublikong unibersidad na pagbibigay ng de-kalidad ng edukasyon na maihahambing sa mga sa mga institusyong Ivy League.[2][3][4]

Mga Kolehiyo[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang kampus sa University Park ay organisado sa labing-apat na natatanging mga kolehiyo:[5]

  • Kolehiyo ng Agham Pang-agrikultura
  • Kolehiyo ng Sining at Arkitektura
  • Smeal Kolehiyo ng Negosyo
  • Kolehiyo ng Komunikasyon
  • Kolehiyo ng Agham Panlupa at Mineral
  • Kolehiyo ng Edukasyon
  • Kolehiyo ng Inhinyeriya
  • Kolehiyo ng Kalusugan at Kaunlarang Pantao
  • Kolehiyo ng Agham Pang-impormasyon at Teknolohiya
  • Kolehiyo ng Malayang Sining
  • Eberly Kolehiyo ng Agham
  • Paaralang Gradwado
  • Schreyer Honors College
  • Kolehiyo ng Pagnanars

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]