Pamantasang Estatal ng Tbilisi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ivane Javakhishvili Tbilisi State University
Coat of Arms of Tbilisi State University.svg
Latin: Universitas Tphilisensis[1]
Itinatag noong 1918
Uri Public
Rektor Giorgi Sharvashidze
Academic staff 5000
Mag-aaral 18,000
Lokasyon Tbilisi, Georgia
41°42′36″N 44°46′42″E / 41.71000°N 44.77833°E / 41.71000; 44.77833Coordinates: 41°42′36″N 44°46′42″E / 41.71000°N 44.77833°E / 41.71000; 44.77833
Kampus Urban
Mga Kulay Blue, white
         
Nickname TSU
Websayt www.tsu.ge
Corpus I

Ang Pampamahalaang Unibersidad ng Tbilisi Ivane Javakhishvili Ivane Javakhishvili Tbilisi State University (Heorhiyano: ივანე ჯავახიშვილის სახელობის თბილისის სახელმწიფო უნივერსიტეტი Ivane Javaxishvilis saxelobis Tbilisis saxelmts'ipo universit'et ' i, madalas na pinaiikli sa kanyang makasaysayang pangalan, Tbilisi State University o TSU), ay isang unibersidad na itinatag noong 8 Pebrero 1918 sa Tbilisi, Georgia. Kung hindi ikokonsidera ang mga akademya at seminaryong teolohikong umiiral sa Georgia sa loob ng maraming siglo, ang TSU ang maituturing na pinakamatandang unibersidad sa Georgia at sa rehiyon ng Caucasus. Higit 18,000 mga mag-aaral ang naka-enroll sa unibersidad na may humigit-kumulang 5,000 guro at kawani.

Ang unibersidad ay may limang mga sangay sa mga rehiyon ng Georgia, anim na fakultad, 60 laboratoryo at sentrong pang-agham, isang aklatang pang-agham (na nagtataglay ng 3,700,000 mga aklat at peryodikal), pitong museo, at palimbagan (pahayagan "Tbilisis Universiteti").

Ang TSU ay merong anim na mga fakultad: Batas, Ekonomiks at Negosyo, Humanidades, Medisina, Agham Panlipunan at Pampulitika, Eksakto at Natural na Agham, at ang International School of Economics, na isang nagsasariling paaralang gradwado ng ekonomiks.

  1. "ივანე ჯავახიშვილის სახელობის თბილისის სახელმწიფო უნივერსიტეტის გერბი". Tbilisi State University. http://www.tsu.edu.ge/ge/about/emblem/. Hinango noong 31 January 2015.