Simbahan ng Pandacan
Ang Parokya ng Santo Niño de Pandacan, mas kilala sa pangalan na Simbahan ng Pandacan,[a] ay isang simbahang parokyang Katoliko Romana sa distrito ng Pandacan sa Maynila, Pilipinas. Naitatag ang simbahan bilang isang independiyenteng simbahang parokya noong 1712 mula sa parokya ng Sampaloc. Nabuo noong 1760, nagsilbing tahanan ito sa imahe ng Santo Niño de Pandacan hanggang sa nawasak ito mula sa apoy noong 2020. Kasalukuyang binubuong muli ang simbahan.
Nagdiriwang ang simbahan ng liturhikal na kapistahan sa ikatlong araw ng Linggo ng Enero. Nasa ilalim ito ng hurisdiksyon ng Arkidiyosesis ng Maynila sa ilalim ng Bikaryato ng San Fernando de Dilao.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang imahe ng Banal na Sanggol ni Hesus, mas kilala sa pangalang Santo Niño, ay dinambana sa simbahan at ang pista nito ay tradisyonal na pinagdiriwang sa ikatlong araw ng Linggo ng Enero. Noong unang bahagi ng 1600, ang imahe ay nakita ng mga batang naglalaro at nakamtan mula sa isang balon malapit sa simbahan. Dahil nasa ilalim pa ng parokya ng Sampaloc ang Pandacan noong panahong iyon, dinambana ang imahe sa Simbahan ng Sampaloc. Nawala ito biglaan sa Sampaloc at nahanap lamang sa mismong pinanggalingan ng imahe kung saan ito unang natagpuan. Noong ibinalik ito sa Sampaloc, nawala ulit ito at nahanap ulit sa Pandacan.[2]
Pinaniniwalaang ninais ng milagrosong imahe na manatili sa Pandacan, isang visita o kapilyang-pantulong ang itinayo kung saan mismo itinayo ang imahe. Nahalungkat ang isang bukal ng tubig, at isang balon, na tinawag na "Balon ng Banal na Sanggol", ang ginawa. Maraming milagro at paggaling mula sa sakit ang iniugnay mula sa tubig mula sa balon, at ang debosyon para sa Santa Niño de Pandacan ay lumaki at naging sikat.[2] Matagal nang sinelyado ang balon dahil sa mga polutante o maduming sangkap ngunit nananatili pa ring nakatayo ang dambana na kinaroroonan ng balon.[3]
Naging independiyente parokya ang Simbahan ng Pandacan mula sa Sampaloc noong 1712.[3]
Ang unang simbahang gawa sa bato sa Pandacan ay itinayo noong 1732[4] ni Francisco del Rosario. Inabot ng 30 taon bago mabuo ang simbahan. Ang orihinal na simbahan, na nabuo noong 1760, ay dalawang beses nawasak ng mga lindol. Isang modernong simbahan ay nakatayo sa lugar ng pinagguhuan kabilang na ang paaralan ng parokya na nakatayo sa sementeryong Katoliko ng distrito.[5]
Sunog noong 2020 at muling pagtatayo ng 2021
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Hulyo 10, 2020, isang apoy, na dulot ng sira sa kuryente,[6] ang wumasak sa simbahan.[7] Nagdulot ng pagkasira sa altar at loob ng simbahan ang apoy. Mula ng mangyari ang apoy, ang Misa ay ginaganap sa labas ng simbahan, malapit sa isang patio.[8]
Winasak ng apoy ang 400 taong gulang na imahe ng Santo Niño de Pandacan at iba pang mga relihiyosong bulto, ngunit naisalba ang tres potencia o ang Banal na Korona ng imahe, kabilang na rin dito ang sunog nitong andador, setro, at ang kasulya ng imahe. Gayunpaman, noong binuksan ang siboryo ciborium, ang banal na tinapay ay natagpuang buo pa. Ang siboryo at ang banal na tinapay ay itinago sa Simbahan ng Paco para ingatan.[9]
Noong Enero 2021, nakatanggap ang simbahan ng bagong imahe ng Santo Niño na gawa sa kahoy ng yakal na nakaligtas sa apoy noong 2020. Ang bagong kahoy na imahe ay gawa sa katutubong kahoy ng Pilipinas, hindi tulad ng orihinal na imahe na sinasabing gawa sa kahoy mula sa Mehiko.[10]
Noong Hulyo 10, 2021, isang taon makalipas ang sunog, ang Arsobispo ng Maynila, si Kardinal Jose Advincula, ang namuno sa seremonya ng muling pagtatayo ng Simbahan ng Pandacan.[11]
Tanghalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang simbahan bago ang sunog noong 2020
- Ang simbahan noong 2016
- Ang toreng kampana
- Isa sa mga kampana ng simbahan
- Loob ng simbahan na nakaharap sa santuwaryo
- Gilid na dingding na may mga bintanang may disento o stained window at mga relihiyosong imahe
- Tanaw sa likuran ng loob ng simbahan
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Basilica del Santo Niño — isang menor de edad basilica sa Cebu City na nakatuon sa isa pang imahe ng Banal na Bata — ang Santo Niño de Cebú
- Simbahang Katoliko sa Pilipinas
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kastila: Iglesia Parroquial de Pandacan, Ingles: Pandacan Church
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "RCAM" (sa Ingles). Nakuha noong 2025-12-01.
- 1 2 "Help Give Hope and Rebuild the Sto. Niño Parish" (sa Ingles). Nakuha noong Marso 23, 2023.
- 1 2 Aluit, Alphonso J. (1994). By Sword and Fire: The Destruction of Manila in World War II, 3 February-3 March 1945 (sa Ingles). National Commission for Culture and the Arts. ISBN 971-569-162-5.
- ↑ Chua, Xiao (Enero 14, 2018). "BULING-BULING FESTIVAL: Pagdiriwang sa Sto. Niño at sa kontribusyon ng Pandacan sa Inang Bansa". GMA News Online. Nakuha noong Marso 23, 2023.
- ↑ Aluit, Alphonso J. (1994). By Sword and Fire: The Destruction of Manila in World War II, 3 February-3 March 1945 (sa Ingles). National Commission for Culture and the Arts. ISBN 971-569-162-5.
- ↑ "Why the sight of a burning Pandacan Church made people cry". ABS-CBN News (sa Ingles). Hulyo 14, 2020. Nakuha noong Marso 23, 2023.
- ↑ Cator, Currie (Hulyo 10, 2020). "Fire razes Sto. Niño Church in Manila". CNN Philippines (sa Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 8, 2020. Nakuha noong Marso 23, 2023.
- ↑ Pata, Danny (Hulyo 12, 2020). "Pandacan Parish holds Sunday Mass outside fire-ravaged church building". GMA News Online (sa Ingles). Nakuha noong Marso 23, 2023.
- ↑ Severo, Jan Milo (Hulyo 13, 2020). "Consecrated hosts found intact at burned Pandacan church". The Philippine Star (sa Ingles). Nakuha noong Marso 23, 2023.
- ↑ "Pandacan church gets new image of Sto. Niño". The Philippine Star (sa Ingles). Enero 18, 2021. Nakuha noong Marso 23, 2023.
- ↑ Patinio, Ferdinand (Hulyo 10, 2021). "Manila archdiocese breaks ground for new Pandacan church". Philippine News Agency (sa Ingles). Nakuha noong Marso 23, 2023.