Pandaigdigang Hukumang Pangkrimen
Pandaigdigang Hukumang Pangkrimen | |
---|---|
![]() Mga partido at lumagda sa Estatuto ng Roma
Estadong kasapi
Estadong kasapi na kalaunang umatras sa pagiging miyembro
Signatoryo, hindi pa nagratipika
Signatoryo na kalaunang nagbawi ng lagda nito
Hindi estadong kasapi, hindi signatoryo | |
Luklukan | Ang Haya, Olanda |
Mga wikang ginagamit | |
Mga opisyal na wika[1] | |
Mga kasaping estado | 125 |
Pinuno | |
• Pangulo | Tomoko Akane |
• Unang Bise-Presidente | Rosario Salvatore Aitala |
• Ikalawang Bise-Presidente | Reine Alapini-Gansou |
• Tagausig | Karim Ahmad Khan |
• Rehistrador | Osvaldo Zavala Giler |
Itinatag | |
• Pinagtibay ang Estatuto ng Roma | 17 Hulyo 1998 |
• Nagkabisa | 1 Hulyo 2002 |
Websayt www.icc-cpi.int |
Ang Pandaigdigang Hukumang Pangkrimen (Ingles: International Criminal Court o ICC) ay isang organisasyong intergobermental at pandaigdigang tribunal na nakabase sa Haya, Olanda. Ito ang kauna-unahan at natatanging permanenteng pandaigdigang hukuman na may hurisdiksyon na litisin ang mga indibidwal para sa mga pandaigdigang krimen, kabilang dito ang henosidyo, mga krimen laban sa sangkatauhan, mga krimen sa digmaan, at ang krimen ng pagsalakay. Iba ang ICC sa Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan, isang organo ng Nagkakaisang Bansa na namamagitan sa mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga estado. Itinatag noong 2002 alinsunod sa multilateral na Estatuto ng Roma, ang ICC ay itinuturing ng mga tagapagtaguyod nito bilang isang malaking hakbang patungo sa hustisya,[2] at isang makabagong inobasyon sa pandaigdigang batas at karapatang pantao.[3]
Nakatanggap ang Hukuman sa ilang mga batikos. Tumanggi ang ilang pamahalaan na kilalanin ang hurisdiksyon ng Hukuman, habang inakusahan naman ito ng ilang grupong sibil ng pagkiling, Eurosentrismo at rasismo.[4] Kinuwestiyon din ng ilan ang bisa ng Hukuman bilang paraan ng pagtataguyod ng internasyonal na batas.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The International Criminal Court: An Introduction" [Ang Pandaigdigang Hukumang Pangkrimen: Isang Pagpapakilala] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2013. Nakuha noong 25 Nobyembre 2012.
Ang mga opisyal na wika ng ICC ay Arabe, Tsino, Ingles, Pranses, Ruso at Kastila at sa kasalukuyan, ang mga ginagamit na wika ay Ingles at Pranses. (Isalin mula sa Ingles)
- ↑ "International Criminal Court: Definition, History, Purpose, & Facts" [Pandaigdigang Hukumang Pangkrimen: Kahulugan, Kasaysayan, Layunin, & Mga Katotohanan]. Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-16.
- ↑ Dancy, Geoffrey Thomas (14 Mayo 2021). "The hidden impacts of the ICC: An innovative assessment using Google data" [Ang mga nakatagong epekto ng ICC: Isang makabagong pagsusuri gamit ang datos ng Google]. Leiden Journal of International Law (sa wikang Ingles). 34 (3): 729–747. doi:10.1017/S0922156521000194. ISSN 0922-1565.
- ↑ Allo, Awol (28 Hulyo 2018). "The ICC's problem is not overt racism, it is Eurocentricism" [Hindi lantad na rasismo ang problema ng ICC, ito ay Eurosentrismo] (sa wikang Ingles). Al Jazeera. Nakuha noong 23 Pebrero 2022.