Pandan, Angeles

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Pandan
Pandan Barangay Hall
Pandan Barangay Hall
Watawat ng Pandan
Watawat
Opisyal na sagisag ng Pandan
Sagisag
Country Philippines
RegionCentral Luzon (Region III)
ProvincePampanga
CityAngeles City
Barangays9 purok
Pamahalaan
 • Barangay ChairmanAlejandrino, Jeremias Manahan "Jerry"[1]

Ang Barangay Pandan ay isa sa mga barangay na bumubuo ng Lungsod ng Angeles sa lalawigan ng Pampanga sa Pilipinas. Umano'y natuklasan sa huling bahagi ng ika-18 dantaon at ito ay kilala noon sa tawag na Luyus. Nagsimula ang populasyon ng bayang Culiat 661 katao noong Disyembre 8, 1829, nang kilalanin ang Culiat bilang isang bayan ng Pampanga. Sa kalaunan, binago ang pangalan na Culiat

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ito ay tinawag ng Pandan dahil sa mga halamang pandan na sagana noon sa lugar. Ang halamang pandan ay kilala hanggang ngayon dahil ginagamit ito sa pagsasaing at pampalasa sa mga kakanin.

Noong Disyembre 8, 1829 nang ang Culiat ay pasinayaan bilang isang munisipyo, ang barangay na ito ay malagubat at latian. Ito ay napaliligiran ng mga halamang pandan at dayap na sinasabing pinagmumulan daw ng sibol. [2]

Ito ay sinasabing natuklasan ni Mariano Henson dahil isa siya sa mga nagmamay-ari ng maraming lupain sa Pandan.

Bago sumapit ang ikalawang digmaang pandaigdig, ang Marisol ay bahagi ng barrio Pandan. Ito ay hiniwalay noong Hulyo 31, 1977 dahil sa isang kautusan na nagsasaad na ang isang lugar na may populasyon mahigit sa isang libo ay maaari nang maging isang barangay.[3]

Ang ibang bahagi ng Pandan noon ay ang lumang Pandan o Old Pandan at Land Tenure, Springside Subdivision na pag-aari ni Ricardo Canlas, St. Ignatius Phase I na pag-aari ni Jose Dizon, at ang St. Ignatius Phase II na pag-aari ni Dan Dizon. Noong 1989, ang mga subdibisyong ito ay ipinagkaloob na sa pamahalaan.

Sa panahon ng liberasyon mula sa mga Amerikano, ang mga bahay dito ay may bilang na 81 lang. Ang unang paaralang naitatag sa barangay na ito ay ang luyus Primary School na mula Grade I-IV lamang. Nasa tabi nito ang kapilya ng Pandan.

Walang gaanong makasaysayang pangyayari sa lugar na ito dahil sinasabing sa panahon ng giyera. Isa sa mga taong nakausap ng mga manunulat ay si G. Ernesto na nagsabing ang kanilang bahay ay ginawang ospital ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. [4]

Ang mga naging kapitan ng barangay o teniente del barrio ng Pandan ay sina Remegio B. Angeles, Leon Dayrit, Ciriaco Nuqui, Marcial G. Cruz, Vidal Yalung at Pablo Angeles. Ang iba pa ay sina Rufino Cordero, Abelardo Esguerra, Orlando Angeles at sa kasalukuyan ay si Jerry Alejandrino. [5] Sa ngayon ang Pandan ay isa sa 33 barangay ng lungsod ng Angeles. Ito ay nahahati sa animna purok: Purok I (Old Pandan), Purok 2 (Land Tenure), Purok 3 (San Ignacio), Purok 4 (Springside), Purok 5 (Citicenter) at Purok 6 (Magalang Avenue Extension). Ang Phase I at Phase II ng Citicenter ay pag-aari ni Ginoong Rosby Henson.

Ang pamunuang barangay sa kasalukuyan ay sina Jeremias M. Alejandrino, Kapitan ng Barangay; Francer A. Banting, kalihim; Joselito G. Bautista, ingat-yaman.

Sa kasalukuyan ang Pandan ay itinatayang may 16,492 bilang ng populasyon para sa taong 2012.

Mga Purok[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Purok I - Old Pandan
  2. Purok II - Land Tenure
  3. Purok III - San Ignacio Subdivision
  4. Purok IV - Springside Subdivision
  5. Purok V-A - Citicenter (Resettlement Area)
  6. Purok V-B - Citicenter (Resettlement Area)
  7. Purok VI - Magalang Avenue Extension
  8. Purok VI-A - Jaovil Compound
  9. Purok VII - Saint Ignatius Subdivision

References[baguhin | baguhin ang batayan]