Pantig
Ang isang pantig ay isang yunit ng organisasyon para sa pagkasunod-sunod ng mga tunog ng pananalita, na tipikal na binubuo ng isang nukleong pantig (pinakamadalas na isang patinig) na may opsyunal na inisyal at huling mga palugit (tipikal na mga katinig). Kadalasang tinuturing ang mga pantig bilang mga ponolohikal na blokeng pantayo ng mga salita.[1] Maari nilang maimpluwensiya ang ritmo ng isang wika, ang prosodiya nito, ang metrong patula nito at mga huwaran ng diin nito. Kadalasang maaring hatiin ang pananalita hanggang sa buong bilang ng mga pantig: halimbawa, ang salitang siklab ay binubuo ng dalawang pantig: sik at lab.
Nagsimula ang pagsusulat na papantig noong ilang daang taon bago ang mga unang titik. Ang pinakaunang naitalang mga pantig ay sa mga tableta na sinulat noong mga 2800 BC sa lungsod ng Ur sa Sumer. Tinatawag ang paglipat na ito mula piktograma sa pantig na "pinakamahalagang pagsulong sa kasaysayan ng pagsusulat".[2]
Tinatawag na monosilabo ang mga salitang isa lamang ang pantig (tulad ng salitang ang sa Tagalog). Kabilang sa mga katulad na katawagan ang bisalibo para sa mga salitang may dalawang pantig, trisalabo para sa mga salitang may tatlong pantig, at polisilabo na maaring tumukoy sa isang salitang may higit sa tatlong pantig o kahit anumang salita na may higit sa isang pantig.
Pagbuo ng pantig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa wikang Filipino, nauuri ang pormasyon ng pantig[3] sa sumusunod:
- P - (patinig), halimbawa: u-ka
- KP -(katinig-patinig), halimbawa: ba-ta
- PK -(patinig-katinig), halimbawa: es-tan-te
- KPK -(katinig-patinig-katinig), halimbawa: bun-dok
- PKK - (patinig-katinig-katinig), halimbawa: ins-pi-ra-syon
- KKP -(katinig-katinig-patinig), halimbawa: pro-gra-ma
- KKPK -(katinig-katinig-patinig-katinig), halimbawa: plan-tsa
- KKPKK -(katinig-katinig-patinig-katinig-katinig), halimbawa: tsart
- KPKK -(katinig-patinig-katinig-katinig), halimbawa: nars
- KKPKKK - (katinig-katinig-patinig-katinig-katinig-katinig), halimbawa: shorts
Pagpapantig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagpapantig ay paraan ng pahahati-hati ng salita sa mga pantig.
Halimbawa:
- pag/ka/in
- lu/to
- trans/por/tas/yon
- ba/ba/e
- la/la/ki
Sa wikang Filipino uli, may mga alituntunin na sinusunod sa pagpapantig na ginawa ng Komisyon sa Wikang Filipino na napapaloob sa Ortograpiyang Pambansa.[4] Kabilang sa mga alituntunin nito ang pagpapantig ng mga hiram na salita. Halimbawa, ang hiram na salitang "libro" mula sa wikang Kastila ay pinapantig bilang li/bro at hindi lib/ro. Taliwas ito sa unang alituntunin ng pagpapantig na "kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang una ay isinasama sa sinundang patinig at ang ikalawa ay isinasama sa kasunod na pantig" tulad ng salitang "aklat" na pinapantig bilang ak/lat.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ de Jong, Kenneth (2003). "Temporal constraints and characterising syllable structuring". Sa Local, John; Ogden, Richard; Temple, Rosalind (mga pat.). Phonetic Interpretation: Papers in Laboratory Phonology VI. Cambridge University Press. pp. 253–268. doi:10.1017/CBO9780511486425.015. ISBN 978-0-521-82402-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Pahina 254. (sa Ingles) - ↑ Walker, Christopher B. F. (1990). "Cuneiform". Reading the Past: Ancient Writing from Cuneiform to the Alphabet (sa wikang Ingles). University of California Press; British Museum. ISBN 0-520-07431-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) ayon sa pagbabanggit sa Blainey, Geoffrey (2002). A Short History of the World (sa wikang Ingles). Chicago, IL: Dee. p. 60. ISBN 1-56663-507-1.{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jinoe, Daddy (2022-09-19). "Ano Ang Pantig at mga Halimbawa". The Filipino Homeschooler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ortograpiyang Pambansa" (PDF). kwfdiksiyonaryo.ph. Nakuha noong 2023-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)