Panulaan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Disambig colour.svg Nakakarga ang "Berso" dito. Para sa berso sa awitin, tingnan ang Berso (musikang popular).
Si Walt Whitman ay tanyag sa ika-19 dantaong Amerikanong panulaan.

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.

Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Mga uri ng tula[baguhin | baguhin ang batayan]

May apat na mga uri ang tula.

  • Tulang naglalarawan - nagpapahayag ng pagpapahalaga o maaaring pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang kalagayan, pook, o pangyayari.
  • Hele - ginagamit ng ina upang libangin, turuan at patulugin ang bata. Sa ibang lipunan, ginagamit ito upang ipasa ang mga kaalamang pang kalinangan o tradisyon.
  • Tulang pasalaysay - nagsasaad ng kuwento (mga halimbawa: epiko, ballad, idyll, lays at nobela)
  • Haiku - napaikiling tula mula sa Hapon.

Liriko o pandamdaming tula[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Awit - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman
  • Dalit o Himno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
  • Elehiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
  • Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
  • Soneto - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro
  • Patnigan
  • Duplo - isang uri ng tulang dramatiko na kadalasang isinasagawa tuwing may lamay. Ito ay sa anyo ng labanan, at bilyako o bilyaka ang tawag sa mga manlalahok nito.
  • Balagtasan
  • Salaysay o Naratibo
  • Padula/Drama

Mga sangkap ng tula[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
  • Sukat - bilang ng pantig ng tula.
  • Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
    • Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
    • Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.
    • Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma:
      • Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig
      • Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y
  • Sining o kariktan - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa.
  • Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
    • Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula
  • Anyo - porma ng tula.
  • Tono/Indayog - diwa ng tula.
  • Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga link na panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]