Papa Leon XIV
Papa Leon XIV | |
---|---|
Obispo ng Roma | |
![]() Leon XIV | |
Nagsimula ang pagka-Papa | 8 Mayo 2025 |
Hinalinhan | Papa Francisco |
Mga orden | |
Ordinasyon | 19 Hunyo 1982 |
Konsekrasyon | 12 Disyembre 2014 ni James Patrick Green |
Naging Kardinal | 20 Setyembre 2023 |
Ranggo |
|
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Robert Francis Prevost |
Kapanganakan | Chicago, Illinois, Estados Unidos | 14 Setyembre 1955
Kabansaan |
|
Dating puwesto |
|
Edukasyon |
|
Motto | In illo Uno unum Sa yaóng Isa, may pagkakaisa |
Lagda | ![]() |
Eskudo de armas | ![]() |
Si Papa Leon XIV (ipinanganak bilang Robert Francis Prevost; 14 Setyembre 1955), ang kasalukuyang pinuno ng Simbahang Katolika at soberano ng Estado ng Lungsod ng Vaticano. Inihalal siya sa kongklabeng pampapa ng 2025 noong 8 Mayo bilang kahalili ni Papa Francisco.
Taál ng Chicago, Illinois, si Prevost ay naging prayle ng Orden ni San Agustin noong 1977 at inordenang pari noong 1982. Bilang misyonero sa sumunod na dalawang dekada, nanilbihan siyang pastor sa parokya, kinatawan ng diyosesis, guro sa seminaryo, at administrador. Mula 2001 hanggang 2013, nanilbihan siyang priyor heneral ng Orden ni San Agustin. Bumalik siya sa Peru noong 2015 bilang Obispo ng Chiclayo hanggang 2023. Noong 2023, itinalaga siya ni Papa Francisco bilang Prefekto ng Dikasteryo para sa mga Obispo at pangulo ng Komisyong Pontipikal para sa America Latina, at hinirang siyang kardenal sa parehong taon.[1]
Bilang kardenal, pinanindigan niya ang sinodalidad, diyalogong misyonero, at ugnayan patungkol sa mga isyung panlipunan at panteknolohiya. Tinalakay din niya ang mga isyu tulad ng pagbabago ng klima, pandaigdigang migrasyon, pamamahala sa simbahan, at karapatang pantao. Nagpamalas rin siya ng pagsang-ayon sa mga reporma ng Ikalawang Konsilyong Vaticano.
Mamamayang Amerikano sa bisa ng sinilangang bayan, si Leo XIV ang unang papa na pinanganak sa Hilagang Amerika at may pagkamamamayang Peruviano (matapos maging naturalisado noong 2015). Siya rin ang pangalawang papa mula sa Kaamerikahan (kasunod ni Francisco), at ang unang papa mula sa Orden ni San Agustin. Ang kaniyang pangalang pampapa ay hango kay Papa Leon XIII, na siyang nagpaunlad ng modernong katuruang panlipunang Katoliko sa gitna ng Ikalawang Rebolusyong Industriyal. Naniniwala si Leo XIV na ang kasalukuyang Ikaapat na Rebolusyong Industriyal, partikular na ang pag-unlad ng artificial intelligence at robotiks, ay nagpapamalas ng "panibagong hamon para sa pagtatanggol ng dignidad pantao, hustisiya, at paggawa."[2]
Maagang buhay, pamilya, at pag-aaral
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kaligiran at lipi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinanganak si Robert Francis Prevost noong 14 Setyembre 1955 sa Mercy Hospital sa Chicago, Illinois.[3][4][5] Taál ng Ikapitong Pasagi ng New Orleans ang kaniyang ina na si Mildred (née Martínez) Prevost, na nagtapos sa DePaul University na may batsilyer sa library science noong 1947,[6][7] at ang kaniyang ama na si Louis Marius Prevost ay isang superintendente ng Brookwood School District 167 sa Glenwood, Illinois.[8][9][10] Siya rin ay isang beterano ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan isa siya sa unang nanguna sa isang sasakyang pang-ilog ng mga sundalo sa mga palapag ng Normandiya at kalaunan ay lumahok sa Operation Dragoon sa katimugang Pransiya.[11] Mayroon siyang dalawang nakatatandang kapatid na lalaki si Prevost na sina Louis at John.[3][12]
Maagang buhay at pag-aaral
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pinalaki sa Dolton, Illinois, isang naik sa Chicago, lumaki si Prevost sa parokya ng St. Mary of the Assumption, kung saan siya nag-aral, umawit sa koro, at nagsilbing sakristan.[3] Hinangad ni Prevost ang pagkapari noong siya ay bata pa at naglalaro ng kunwaring misa sa bahay kasama ang kaniyang mga kapatid.
Kilala bilang "Bob" o "Rob" sa kaniyang mga kababata at mga magulang,[13] nagtapos siya ng edukasyong sekundarya sa St. Augustine Seminary High School sa Holland, Michigan noong 1973,[14] kung saan nakakamit siya ng Liham ng Papuri para sa kahusayan sa akademya, patuloy na pagiging mag-aaral na may karangalan, at pagsilbi bilang púnong patnugot sa kanilang anwaryo, kalihim sa konseho ng mag-aaral, at miyembro ng National Honor Society.[15][16] Lumahok din siya sa mga timpalak-bigkasan at debate, kung saan lumahok siya sa Congressional Debate.[17]
Unibersidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagtapos sa kolehiyo si Prevost sa Villanova University, isang kolehiyong Agustino, noong 1977 na may katibayan na Batsilyer sa Agham sa matematika.[18][19][20] Nakatamo siya ng Masterado ng Dibinidad mula sa Catholic Theological Union sa Chicago noong 1982, at nagsilbi rin bilang guro ng pisika at matematika sa St. Rita of Cascia High School sa Chicago sa panahon ng kaniyang pag-aaral.[21] Natamo niya ang Lisensiyado sa Batas Kanoniko noong 1984, na sinundan ng katibayan bilang Doktor sa Batas Kanoniko noong 1987 sa Pontifical University of Saint Thomas Aquinas sa Roma.[20] Sa panahong ito, siya ay nanirahan sa tirahan ng Orden ni San Agustin sa unang pagkakataon at trinabaho ang kaniyang mga kasanayan sa wikang Italyano.[22] Ang kaniyang tesis sa doktorado ay isang pag-aaral tungkol sa papel ng lokal na priyor sa Orden ni San Agustin.[20] Ginawaran siya ng Villanova University ng titulong Doktor sa Humanidades noong 2014.[18]
Maagang karera (1977-1998)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagbuo at maagang pagkapari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1 Setyembre 1977, sumapi si Prevost sa Orden ni San Agustin bilang nobisyado at nanirahan sa Simbahan ng Imnaculada Concepcion sa Compton Heights, St. Louis, Missouri.[23][24] Ipinahayag niya ang kaniyang mga paunang panata noong Setyembre 1978, at ang kaniyang mga maanyong panata noong Agosto 1981.[25] Naordinahan bilang pari si Prevost sa Roma, sa simbahan ni Santa Monica degli Agostiniani ni Arsobispo Jean Jadot noong 19 Hunyo 1982.[26]
Gawaing misyonero sa Peru
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sumali si Prevost sa misyong Agustino sa Peru noong 1985, kung saan nagsilbi siya bilang kanselor ng Prelatura Teritoryal ng Chulucanas mula 1985 hanggang 1986.[27] Noong 1987, matapos ipagtanggol ang kaniyang tesis sa doktorado, siya ay naging direktor ng bokasyon at direktor ng misyon ng Agustinong Pamprobinsiya ng Ina ng Mabuting Payo sa Olympia Fields, Illinois, at nagtrabaho sa kaguruan ng Nobisyadang Agustino sa Oconomowoc, Wisconsin, bago bumalik sa Peru noong 1988.[28] Sa kaniyang panahon sa Peru, nakilala at pinahahalagahan ni Prevost ang paring Dominikano at teologo na si Gustavo Gutierrez, isang tagapagtatag ng teolohiya ng pagpapalaya.[29] Natutunan din niya at pinagkadalubhasaan ang wikang Espanyol sa panahong ito.[22]
Gumugol ng isang dekada si Prevost sa pamumuno sa isang seminaryong Agustino sa Trujillo, kung saan siya ay nagtuturo ng batas kanoniko sa seminaryong diyosesis, kapitan ng pag-aaral, nagsilbi bilang isang hukom sa hukumang panrehiyon ng simbahan, at nagtatrabaho sa ministeryo ng parokya sa labas ng lungsod.[30] Siya ay napatunayang matagumpay sa mga pagsisikap ng mga Agustino na kumuha ng mga Peruano para sa pagkapari at pamumuno sa orden.[31]
Sa kasagsagan ng kapanahunang Fujimato, Pinuna ni Prevost ang mga gawain ng noo'y pangulo na si Alberto Fujimori, na naglagay ng natatanging diin sa mga biktima ng Hukbong Peruano, lalo na ang Colina Group, sa panahon ng terorismo sa Peru, gayundin sa pampulitikang katiwalian.[32] Noong 2017, pinuna niya ang pasya ni Pangulong Pedro Pablo Kuczynski na patawarin si Fujimori, at nanawagan kay Fujimori na "personal na humingi ng paumanhin para sa ilan sa mga malalaking kawalang-katarungan na nagawa".[33] Ang kaniyang mga taon sa Peru ay nagbigay sa kaniya ng pansariling kaalaman tungkol sa pampulitikang karahasan at hindi pagkakapantay-pantay sa Peru, maging hanggang sa paglalakbay sa pamamagitan ng kabayo sa matatarik na kalsada dahil sa kaniyang mga pangakong misyonero sa mga nakabukod na pamayanan sa mga lambak ng Lambayeque.[34] Namumukod-tangi rin siya bilang tagapagtanggol ng karapatang pantao ng tipon ng rehiyon ng Norte Chico laban sa karahasan ng katipunang gerilya na Marxista–Leninista–Maoista na Shining Path.[35][36]
Priyor panlalawigan at priyor heneral (1998–2013)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1998, inahalal si Prevost bilang priyor panlalawigan ng Agustinong Pamprobinsiya ng Ina ng Mabuting Payo sa Chicago, at pormal na iniluklok sa puwesto noong 8 Marso 1999.[20] Inihalal siyang priyor heneral ng Orden ni San Agustin noong 2001. Nanilbihan siya sa puwesto hanggang 2013, sa loob ng dalawang tig-anim na taong termino.[37] Bilang priyor heneral, nanirahan at nagtrabaho si Prevost sa Roma, ngunit madalang siyang naglakbay sa iba't ibang panig ng mundo. Bumalik si Prevost sa Estados Unidos noong 2013, kung saan nanilbihan siyang direktor ng pormasyon sa Kumbento ni San Agustin sa Chicago, at unang konsehal at bikaryo panlalawigan ng Agustinong Pamprobinsiya ng Ina ng Mabuting Payo.[20]
Obispo ng Chiclayo (2015–2023)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 3 Nobyembre 2014, hinirang ni Papa Francisco si Prevost bilang tagapangasiwang apostoliko ng Diyosesis ng Chiclayo sa hilagang Peru at obispo titular ng Sufar.[38] Ang konsagrasyon niya ay ginanap noong 12 Disyembre 2014 sa Katedral ni Sta. Maria sa Chiclayo at pinamunuan ni Arsobispo James Green, ang nunsiyo para sa Peru.[39][40] Noong 26 Setyembre 2015, pinangalanan siyang Obispo ng Chiclayo.[41] Alinsunod sa kasunduan ng Santa Sede at Peru noong 1980, naging naturalisadong mamamayan muna sa Prevost bago maging obispo.[21] Dahil sa mga lungsod ng Trujillo at Chulcanas naunang nagministro si Prevost, hindi siya pamilyar sa mga klerigo at layko ng kaniyang bagong diyosesis. Gayunman, napansin ng mga pari ng Chiclayo ang kakayahan ni Prevost sa wikang Espanyol kumpara sa mga Amerikanong pari na dati nang nanilbihan sa kanilang rehiyon.[42]
Noong 13 Hulyo 2019, itinilagang miyembro si Prevost bilang kasapi ng Kongregasyon para sa mga Klerigo,[43] at noong 15 Abril 2020, naging tagapangasiwang apostoliko ng Callao.[44] Noong 21 Nobyembre 2020, sinapi siya sa Kongregasyon para sa mga Obispo.[45] Sa Kapulungan ng mga Obispo sa Peru, nagsilbi siya sa permanenteng konseho (2018–2020) at nahalal bilang pangulo ng kanilang Komisyon para sa Edukasyon at Kultura noong 2019, habang kasapi rin ng Caritas Peru.[46][47]. Bilang obispo, nagtatag siya ng pang-diyosesis na Komisyon para sa Ekolohiyang Integral at nagtalaga ng isang babae upang pangunahan ito.[48] Nakipagpulong ng pribado si Prevost at Papa Francisco noong 1 Marso 2021,[49] na nagsiklab ng haka-haka tungkol sa posibleng bagong puwesto sa Chicago o Roma.[50]
Dikasteryo para sa mga Obispo at pagkakardenal (2023–2025)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 30 Enero 2023, itinalaga ni Papa Francisco si Prevost bilang prefekto ng Dikasterya para sa mga Obispo.[51][52] Bagama't ninais niyang manatili sa Peru, tinanggap niya ang bagong puwesto at paglipat sa Roma.[53]
Noong 30 Setyembre 2023, hinirang na kardenal si Prevost, kasapi sa orden ng mga diyakonong kardenal. Itinalaga sa kaniya ang Kapilya ni Santa Monica ng mga Agustino.[54] Bilang prefekto, pinangunahan niya ang pagbusisi at pagrekomenda ng mga kandidato para sa pagka-obispo sa iba't ibang panig ng daigdig, kaya naman mas lalo siyang nakilala sa Simbahang Katolika.[55] Ito rin ang dahilan kung bakit naging bantog siyang papabile sa kongklabe.[56][57][58] Noong 2023 Oktubre, itinalaga si Prevost bilang kasapi ng pito pang dikasteryo sa Kuryang Romano at sa Komisyong Pontipikal para sa Estado ng Vaticano.[59]
Noong 6 Pebrero 2025, inasenso ni Francisco si Prevost sa orden ng mga obispong kardenal, at itinalaga siyang obispong titular ng Suburbikaryanong Diyosesis ng Albano.[60][61]
Pagkapapa (2025–kasalukuyan)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkahalal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inihalal si Prevost bilang papa noong 8 Mayo 2025, sa pangalawang araw ng kongklabe, at sa ika-apat na balota. Sinenyales ng puting usok mula sa Kapilya Sistina, bandang alas sais sa Roma, na mayroon nang napiling papa.[62] Matapos tanggapin ang kaniyang pagkahalal at piliin ang kaniyang pangalan bilang papa, niyakap ni Leon ang kaniyang mga kapwa kardenal pagkalabas ng Kapilya Sistina. Si Dominique Mamberti, bilang kardenal protodiyakono, ang nagpahayag ng kinaugaliang pagpapahayag sa Latin, Habemus papam, upang ipakilala si Papa Leon XIV sa madla mula sa gitnang balkonahe ng Basilika ni San Pedro.[63][64]

Sinuot ni Leon ang kinaugaliang estola pampapa at mozzetta,[65] mga kasuotang hindi ginamit ni Papa Francisco noong ipinakilala siya sa madla. Ibinihagi niya ang kaniyang unang talumpati sa wikang Italyano at Espanyol, at ipinagkaloob ang bendisyong Urbi et Orbi sa unang pagkakataon sa wikang Latin.
Si Leon ang ika-267 papa ng Simbahang Katolika,[66] ang unang papa mula sa Orden ni San Agustin, at ang pangalawang papa mula sa Kaamerikahan (kasunod ni Papa Francisco).[67][68] Siya ay dalawahang mamamayan ng Peru at Estados Unidos.[69] Itinuturing siyang unang Amerikanong papa[70] sa bisa ng pagkakapanganak sa Estados Unidos.[71][72][73] Siya rin ang pangalawang papa na katutubong mananalita ng wikang Ingles, kasunod ni Papa Adrian IV.[74] Si Leon rin ang unang papa na isinilang pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa kasagsagan ng Digmaang Malamig. Bagkus, siya rin ang unang papa na pinanganak sa henerasyong Baby Boomer. Bagama't si Leon ang unang papa mula sa Orden ni San Agustin,[75][76] pampito siya sa mga relihiyosong papa na tagasunod ng Tuntuning Agustino.[77]

Mga sumunod na pangyayari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 9 Mayo, isang araw pagkatapos ng kaniyang pagkahalal, ipinagdiriwang ni Leon ang kaniyang unang Misa bilang papa sa Kapilya Sistina kasama ang mga kardenal. Sa kaniyang homiliya, binatikos niya ang kawalan ng pananampalataya sa mundo, at nangarap ng simbahang nagsisilbing "tanglaw na nagbibigay-liwanag sa madidilim na gabi sa mundo".[78] Ibinalita na maninirahan si Leo sa Apostolikong Palasyo sa halip na sa Kasa Santa Marta, kung saan nanirahan si Francsico.[79][80][81]
Ipinagdiriwang ang Misa inagurasyon ni Leo noong 18 Mayo sa Plaza ni San Pedro.[82][83][84] Tinanggap niya sa Misa ang pallium at ang kaniyang Singsing ng Mangingisda, tanda ng pagka-Obispo ng Roma at kahalili ni San Pedro. Labing-dalawang kinatawan ng Bayan ng Diyos, kabilang ang mga kardenal at obispo, ang bumati at nanumpa ng katapatan sa bagong papa.[85]
Mga pananaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang pangalan ng paghahari ni Prevost ay pinili bilang parangal kay Papa Leon XIII (r. 1878–1903),[86] na siyang sumulat ng ensiklikadang Rerum novarum na nagtatag ng makabagong Katolikong panlipunang pagtuturo at itinataguyod ang mga karapatan sa paggawa.[87][88] Ayon sa direktor ng Kawanihan ng Balita ng Banal na Luklukan na si Matteo Bruni, ang pagpili ng pangalang "Leon" ay "malinaw na isang sanggunian sa buhay ng mga kalalakihan at kababaihan, sa kanilang trabaho – kahit sa isang kapanahunan na minarkahan ng artipisyal na katalinuhan".[89]
Ayon kay Kardinal Fernando Chomalí ng Tsile, sinabi sa kanya ni Leon na ang pagpili ng kaniyang pangalang pampapa ay batay sa kanyang pag-aalala tungkol sa mga pagbabago sa kalinangan ng daigdig, isang uri ng rebolusyong Copernican na kinasasangkutan ng artipisyal na katalinuhan at robotika. Sinabi ni Chomalí: "Siya ay binigyang inspirasyon ni Leon XIII, na sa gitna ng Rebolusyong Industriyal ay sumulat ng Rerum novarum na naglulunsad ng isang mahalagang palitang-usap sa pagitan ng simbahan at ng makabagong mundo."[90] Ipinaliwanag mismo ni Leon na "ang simbahan ay nag-aalok sa lahat ng kaban ng kaniyang panlipunang pagtuturo bilang tugon sa isa pang rebolusyong industriyal at sa mga pag-unlad sa larangan ng artipisyal na katalinuhan na nagdudulot ng mga bagong hamon para sa pagtatanggol sa karangalan ng tao, katarungan at paggawa."[91][92]
Sa isang panayam noong Mayo 2023, binigyang-diin ni Prevost ang pangangailangan para sa kahinahunan at tungkulin sa paggamit ng hatirang pangmadla upang maiwasan ang "pagpatong ng mga pagkakahti at alitan" at paggawa ng "pagkasira sa pakikipagniig ng Simbahan."[93] Ang pananaw na ito ay naaayon sa kaniyang ugali na magsalita nang "may pag-iingat at masusing pag-iisip" at "matibay na pagpapasiya at kalinawan" gaya ng inilarawan sa kaniya ni Christopher White, ang koresponden sa Lungsod ng Vaticano ng National Catholic Reporter.[94]
Sinaad ng National Catholic Reporter na si Pope Leo XIV ay nakatuon sa ekumenismo kasama ng iba pang mga denominasyong Kristiyano.[95] Sa pagpapasinaya ni Papa Leon XIV, tinukoy niya ang "mga kapatid na Kristiyanong Simbahan" at nanalangin para sa "isang nagkakaisang simbahan, isang tanda ng pagkakaisa at komunyon, na nagiging isang lebadura para sa isang mundong pinagkasundo."[96][97]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Arceo, Acor (10 Mayo 2025). "For US Cardinal Prevost, road to becoming Pope Leo was paved in Peru". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Mayo 2025.
- ↑ Wells, Christopher (14 Mayo 2025). "Leo XIII's times and our own - Vatican News". vaticannews.va (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Mayo 2025.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 FitzPatrick, Lauren (3 Mayo 2025). "From Chicago's south suburbs to helping choose the next pope". Chicago Sun-Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ Bosman, Julie (8 Mayo 2025). "Pope Leo XIV Grew Up in the Chicago Area". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ Ward, Joe; Mercado, Melody; Hernandez, Alex V.; Filbin, Patrick (8 Mayo 2025). "Pope Leo XIV Named First American Pope — And He's From Chicago". Block Club Chicago (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ "Obituary for Mildred Prevost". Chicago Tribune (sa wikang Ingles). 20 Hunyo 1990. p. 28. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ Burack, Emily (8 Mayo 2025). "A Guide to Pope Leo XIV's Family". Town & Country (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ "Obituary for Louis M. Prevost". Chicago Tribune (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1997. p. 6. Inarkibo mula sa orihinal noong May 8, 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ de Senneville, Loup Besmond (30 Enero 2023). "Démission du cardinal Ouellet : un évêque américain placé à la tête du dicastère pour les évêques" [Resignation of Cardinal Ouellet: an American bishop appointed to head the dicastery for bishops]. La Croix (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ Musik, Morley (16 Mayo 2025). "From Hyde Park to the papacy: Pope Leo's local roots". Hyde Park Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Vergun, David (9 Mayo 2025). "Pope Leo XIV's Father Served in the Navy During World War II" (sa wikang Ingles). United States Department of Defense. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Griffin, Jake (8 Mayo 2025). "'It was a shocking moment': New pope's brother lives in New Lenox". Chicago Daily Herald (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ Mervosh, Sarah; Maag, Christopher (9 Mayo 2025). "Two Priests Reflect on Their Longtime Friend Bob, Now Pope Leo XIV". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ Van Gilder, Rachel; Sanchez, Josh (8 Mayo 2025). "New pope attended Catholic high school in West Michigan" (sa wikang Ingles). WOOD-TV. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ "Robert Prevost is Commended". The Holland Sentinel (sa wikang Ingles). 7 Oktubre 1972. p. 5. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ "St. Augustine Wins 1973 Yearbook Award". The Holland Sentinel. February 20, 1974. p. 17. Inarkibo mula sa orihinal noong May 8, 2025. Nakuha noong May 8, 2025.
- ↑ "Attends State Forensic Congress in Lansing". The Holland Sentinel (sa wikang Ingles). 24 Oktubre 1972. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
- ↑ 18.0 18.1 Mervosh, Sarah (8 Mayo 2025). "The Pope Is a Graduate of Villanova, Where the Church Bells Won't Stop Ringing". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ Arceo, Acor (10 Mayo 2025). "Pope Leo XIV gives Pennsylvania's Villanova University another reason to cheer". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ 20.0 20.1 20.2 20.3 20.4 "Biography of Pope Leo XIV, born Robert Francis Prevost". Vatican News (sa wikang Ingles). 8 Mayo 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ 21.0 21.1 Rich, Motoko; Dias, Elizabeth; Horowitz, Jason (8 Mayo 2025). "Pope Leo XIV, the First American Pontiff, Took a Global Route to the Top Post". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025. Maling banggit (Invalid na
<ref>
tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "Rich, Dias & Horowitz 2025" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ 22.0 22.1 Horowitz, Jason; Bosman, Julie; Dias, Elizabeth; Graham, Ruth; Romero, Simon; Taj, Mitra (17 Mayo 2025). "Long Drives and Short Homilies: How Father Bob Became Pope Leo". The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Kukuljan, Steph (8 Mayo 2025). "Pope Leo XIV in St. Louis: 'Bob' Prevost started his papal journey here". STLtoday.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ "Pope Leo XIV Lived In St. Louis While Preparing For The Priesthood". St. Louis Magazine (sa wikang Ingles). 8 Mayo 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ "Pope Leo XIV (Robert Francis Prevost)". Catholic-Hierarchy (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Enero 2025. Nakuha noong 10 Mayo 2025.
- ↑ Scaramuzzi, Iacopo (25 Abril 2025). "Prevost, il cardinale americano cosmopolita e schivo che può essere l'outsider" [Prevost, the cosmopolitan and shy American cardinal who could be the outsider]. La Repubblica (sa wikang Italyano). Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Moral Antón, Alejandro (3 Nobyembre 2014). "Robert F. Prevost nombrado Administrador Apostólico en Chiclayo" [Robert F. Prevost appointed Apostolic Administrator in Chiclayo]. Augustinians.net (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ "Augustinian Archbishop Robert Francis Prevost, O.S.A., to become Cardinal". Mendel Catholic Prep Alumni Association (sa wikang Ingles). 28 Setyembre 2023. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Scaramuzzi, Iacopo (25 Abril 2025). "Prevost, il cardinale americano cosmopolita e schivo che può essere l'outsider" [Prevost, the cosmopolitan and shy American cardinal who could be the outsider]. La Repubblica (sa wikang Italyano). Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Kelly, John J. (1989). Adventure in Faith: The Story of the Chulucanas Prelature. Augustinian Historical Institute, Villanova University. ISBN 978-0-941491-42-6. Nakuha noong 20 Mayo 2025 – sa pamamagitan ni/ng Internet Archive.
- ↑ Winters, Michael Sean (8 Mayo 2025). "Prevost is new pope, an American cardinal committed to the reforms Pope Francis began". National Catholic Reporter (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Mayo 2025.
- ↑ "Peru's President pardons Alberto Fujimori. Heated protests in the country, even for the Bishops it is inappropriate". Agenzia Fides (sa wikang Ingles). 28 Disyembre 2017. Nakuha noong 21 Mayo 2025.
- ↑ "El Papa León XIV y su relación con Perú, el país que adoptó como hogar y al que dedicó parte de su discurso" [Pope Leo XIV and his relationship with Peru, the country he adopted as his home and to which he dedicated part of his speech]. Perfil (sa wikang Kastila). 8 Mayo 2025. Nakuha noong 21 Mayo 2025.
- ↑ Angulo, Jazmine (8 Mayo 2025). "El paso del Papa León XIV por Chiclayo: se trasladaba a caballo para ir hasta las zonas más alejadas del país" [Pope Leo XIV's passage through Chiclayo: he traveled on horseback to reach the most remote areas of the country]. Infobae (sa wikang Kastila). Nakuha noong 21 Mayo 2025.
- ↑ Páez, Angel (May 8, 2025). "León XIV: el 'papa de Chiclayo' que vivió la violencia terrorista en Perú, acompañó a los humildes y se enfrentó al ex presidente Alberto Fujimori" [Leo XIV: The 'Pope of Chiclayo' who lived through terrorist violence in Peru, stood up for the poor, and confronted former President Alberto Fujimori.]. Clarín (sa wikang Kastila). Nakuha noong May 9, 2025.
- ↑ "León XIV: El Papa que enfrentó a Alberto Fujimori cuando era obispo en Chiclayo" [Leo XIV: The Pope who confronted Alberto Fujimori when he was bishop in Chiclayo]. ATV – Atrevámonos (sa wikang Kastila). May 8, 2025. Nakuha noong May 9, 2025.
- ↑ "Augustinians re-elect current Prior General at Chapter meeting". Rome, Italy. Catholic News Agency. 11 Setyembre 2007. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ "Rinunce e nomine, 03.11.2014" [Resignations and Appointments, 03.11.2014] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Italyano). Holy See Press Office. 3 Nobyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hunyo 2023. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "Pope Francis' successor/ Who is Pope Leo XIV, who was elected today by the Conclave?". CNA. 8 Mayo 2025. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "US cardinal Prevost is new pope, chooses name Leo XIV". Philippine News Agency. 9 Mayo 2025. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "Conventio Acuerdo entre la Santa Sede y la Republica del Perú". Secretariat of State, Holy See (sa wikang Kastila). 26 Hulyo 1980. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ Beltrán, Edgar (20 Mayo 2025). "'Great charity and great clarity' - How Pope Leo is remembered in Chiclayo". The Pillar (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "Rinunce e nomine, 13.07.2019" [Resignations and Appointments, 13-07.2019] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Italyano). Holy See Press Office. 13 Hulyo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Hulyo 2023. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "Rinunce e nomine, 15.04.2020" [Resignations and Appointments, 15.04.2020] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Italyano). Holy See Press Office. 15 Abril 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Hunyo 2023. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "Rinunce e nomine, 21.11.2020" [Resignations and Appointments, 21.11.2020] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Italyano). Holy See Press Office. 21 Nobyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2023. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ Wells, Ione; Olmo, Guillermo D.; Sullivan, Helen (9 Mayo 2025). "Peru celebrates Pope Leo XIV as one of their own". BBC News. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "In-depth: A look at the man who has become Leo XIV". Aleteia. 8 Mayo 2025. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ Olmo, Guillermo D. (8 Mayo 2025). ""Mi querida Diócesis de Chiclayo": la estrecha relación con Perú del nuevo papa León XIV" ["My beloved Diocese of Chiclayo": the new Pope Leo XIV's close relationship with Peru]. BBC News Mundo (sa wikang Kastila). Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "Audiences, 01.03.2021" (Nilabas sa mamamahayag). Holy See Press Office. 1 Marso 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hunyo 2023. Nakuha noong 31 Mayo 2021.
- ↑ Gagliarducci, Andrea (6 Marso 2021). "Curial speculation follows papal meetings with bishops". Catholic News Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Pebrero 2023. Nakuha noong 31 Mayo 2021.
- ↑ "Resignations and Appointments, 30.01.2023" (Nilabas sa mamamahayag). Holy See Press Office. 30 Enero 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hunyo 2023. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "Pope Francis names Chicago native head of Vatican bishops' department". The Pillar. 30 Enero 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Mayo 2025. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch; 8 Mayo 2025 suggested (tulong) - ↑ Bubola, Emma (9 Mayo 2025). "Francis Connected With Leo Long Ago and Boosted His Career". The New York Times. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "Assignation of Titles and Deaconries to the new Cardinals, 30.09.2023" (Nilabas sa mamamahayag). Holy See Press Office. 30 Setyembre 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Oktubre 2023. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ Wooden, Cindy (30 Abril 2025). "U.S. cardinal's résumé, demeanor land him on 'papabile' lists". Angelus. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ White, Christopher (30 Abril 2025). "The first American pope? This cardinal has the best chance of making history in this conclave". National Catholic Reporter. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2025. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "Who will be pope? Meet some possible contenders". PBS News Hour. 2 Mayo 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2025. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ Baker, Aryn (6 Mayo 2025). "Who Could Be the Next Pope? These Are the Names to Know". Time. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Mayo 2025. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "Biography of Pope Leo XIV, born Robert Francis Prevost". vaticannews.va. 8 Mayo 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2025. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "Resignations and Appointments, 06.02.2025" (Nilabas sa mamamahayag). Holy See Press Office. 6 Pebrero 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Pebrero 2025. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "College of Cardinals: Pope extends terms of dean and vice-dean". Vatican News. 6 Pebrero 2025. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "Just In: White smoke pours from the Sistine Chapel chimney, signaling a pope has been elected to lead the Catholic Church". Associated Press News. 8 Mayo 2025. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Deliso, Meredith; Forrester, Megan (8 Mayo 2025). "What we know about Leo XIV, the new American pope". ABC News. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Galeazzi, Giacomo (8 Mayo 2025). "Leone, nome forte contro i potenti. Un omaggio alla dottrina sociale" [Leo, a strong name against the powerful. A tribute to social doctrine]. La Stampa (sa wikang Italyano). Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Wooden, Cindy (8 Mayo 2025). "Chicago native Cardinal Prevost elected pope, takes name Leo XIV". United States Conference of Catholic Bishops. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Watling, Tom; Bedigan, Mike (8 Mayo 2025). "Chicago-born Robert Prevost appointed 267th Pope". The Independent. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ "Biography of Pope Leo XIV, born Robert Francis Prevost". vaticannews.va. 8 Mayo 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2025. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Kirby, Paul; Wells, Ione (9 Mayo 2025). "Who is Robert Prevost, the new Pope Leo XIV?". BBC News. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Horowitz, Jason; Rich, Motoko; Dias, Elizabeth (8 Mayo 2025). "Robert Francis Prevost, Now Leo XIV, Is First American Pope". The New York Times. ISSN 0362-4331. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Robecco, Valeria (9 Mayo 2025). "Donald tra stupore e orgoglio: 'Spero di vederlo presto'. Festa per lo 'yankee latino'" [Donald between amazement and pride: 'I hope to see him soon'. Celebration for the 'Latin Yankee']. Il Giornale (sa wikang Italyano). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Mayo 2025. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Horowitz, Jason; Rich, Motoko; Dias, Elizabeth (8 Mayo 2025). "Robert Francis Prevost, Now Leo XIV, Is First American Pope". The New York Times. ISSN 0362-4331. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Faiola, Anthony; Boorstein, Michelle; Pitrelli, Stefano (8 Mayo 2025). "Leo XIV, elevated by Francis, becomes first American pope". The Washington Post. ISSN 0190-8286. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ "Robert Francis Prevost becomes first U.S.-born pope". NBC News. 9 Mayo 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2025. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Sporzynski, Darius von Guttner (9 Mayo 2025). "'Peace be with all of you': how Pope Leo XIV embodies a living dialogue between tradition and modernity". The Conversation. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ "Augustinian Friar and Villanova University Alumnus Elected Pope" (Nilabas sa mamamahayag). Villanova University. 8 Mayo 2025. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Giesen, Greg (8 Mayo 2025). "Pope Leo XIV is first Augustinian pope. What is the Augustinian order?". The News Journal. Nakuha noong 20 Mayo 2025 – sa pamamagitan ni/ng Yahoo News.
- ↑ Byfield, Erica (8 Mayo 2025). "What is the Order of St. Augustine, which counts Pope Leo XIV as a member?". WNBC. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Mao, Frances (9 Mayo 2025). "Pope Leo XIV calls Church 'a beacon to illuminate dark nights' in first mass". BBC News. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ McElwee, Joshua; Pullella, Philip (17 Mayo 2025). "Moving back in: Pope Leo expected to live at Vatican's Apostolic Palace". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Mayo 2025. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Hernández, Virginia (9 Mayo 2025). "Adiós a Santa Marta: León XIV residirá en el Palacio Apostólico y la Misa de inicio de su Pontificado será el 18 de mayo". El Mundo (sa wikang Kastila). Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ "Pope Leo XIV set to move into long-abandoned papal apartment". La Croix International. 12 Mayo 2025. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ "Inauguration Mass of Pope Leo XIV to be held on May 18". Vatican News. 9 Mayo 2025. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Lubov, Deborah Castellano. "Vatican releases Pope Leo XIV's liturgical celebrations for May". Vatican News. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Campisi, Tiziana (16 Mayo 2025). "The rite for the Inauguration of the Petrine Ministry of Leo XIV". Vatican News. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Giuffrida, Angela (18 Mayo 2025). "Pope Leo XIV holds inaugural Mass at St Peter's Square in front of 250,000". The Irish Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ "Who is Pope Leo XIV and why does he overcome a taboo against a US pontiff?" (sa wikang Ingles). ABC News. 8 Mayo 2025. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Galeazzi, Giacomo (8 Mayo 2025). "Leone, nome forte contro i potenti. Un omaggio alla dottrina sociale" [Leo, a strong name against the powerful. A tribute to social doctrine]. La Stampa (sa wikang Italyano). Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ "Pope Leo XIV to Cardinals: Church must respond to digital revolution". Vatican News (sa wikang Ingles). 10 Mayo 2025. Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ Merlo, Francesca (8 Mayo 2025). "Matteo Bruni: Pope Leo XIV's name choice highlights the Church's mission". Vatican News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Mayo 2025.
- ↑ San Martin, Ines (9 Mayo 2025). "Chilean cardinal gives insight to the conclave" (sa wikang Ingles). Our Sunday Visitor. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ Kent, Lauren (10 Mayo 2025). "Pope Leo signals he will closely follow Francis and says AI represents challenge for humanity" (sa wikang Ingles). CNN. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ Winfield, Nicole (10 Mayo 2025). "Pope Leo XIV pledges to pursue the reforms of Pope Francis". National Catholic Reporter (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ Tornielli, Andrea (12 Mayo 2023). "The bishop is a pastor not a manager". L'Osservatore Romano (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ White, Christopher (30 Abril 2025). "The first American pope? This cardinal has the best chance of making history in this conclave". National Catholic Reporter (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2025. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ Reese, Thomas (14 Mayo 2025). "Can Pope Leo XIV be a compassionate pastor and a hard-nosed administrator?" (sa wikang Ingles). National Catholic Reporter. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ Collins, Charles (18 Mayo 2025). "Pope Leo XIV calls for "unity" during his official inauguration". Crux (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Mayo 2025.
- ↑ "As Pope Leo XIV is inaugurated, WCC celebrates unity of humanity" (sa wikang Ingles). World Council of Churches. 19 Mayo 2025. Nakuha noong 22 Mayo 2025.
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Vatican: the Holy See – websayt ng Batikano
Sinundan ni: Francisco (2013-2025) |
Kronolohikong tala ng mga Papa (2025-) | Humalili: Kasalukuyan |