Paputok

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Para sa ibang gamit, tingnan ang Paputok (paglilinaw).
Ang paputok ay tinatawag din na labintador o rebentador. Para sa ibang mga paputook na tinatawag din na rebentador o labintador, tingnan labintador.
Isang rolyo ng paputok

Ang papautok ay isang maliit na kagamitang pampasabog na pangunahing ginagamit para makalikha ng isang malakas na ingay, lalo na ang isang malakas na kalampag; nagkataon lamang sa layunin nito ang isang epektong biswal. Mayroon itong mitsa na nakabalot sa isang makapal na papel para mapigilan ang eksplosibong kompuwesto. Unang nagmula sa Tsina ang mga paputok.

Sa pangkahalatang katawagan, tinatawag ang paputok bilang rebentador o labintador ngunit may mga partikular na paputok na ang tawag ay rebentador o labintador. Ang maliit na hugis tatsulok na paputok ay tinatawag na rebentador[1] samantalang tinatawag din na labintador ang paputok na kilala din bilang el diablo o diablo na hugis tubo.[2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]