Paraan ng artikulasyon

Sa ponetika, tumutukoy ang paraán ng artikulasyón ng isang katinig sa interaksyon ng mga artikulador (hal. dila, ngipin) sa isa't-isa upang makagawa ng boses. Kalimitan na binabatay ito sa kung gaano kalapit ang dalawang artikulador sa isa't-isa (tinatawag na pagkahigpit). Bukod dito, ginagamit ring basehan ang pagkamalapit ng tunog sa titik na r (mga rotiko) para sa mga katinig na tapik at nginig at sa titik na s (mga sibilante) para sa katinig na prikatibo. Ginagamit rin minsan bilang basehan ang daloy ng hangin sa ilong (nasalidad) at dila (lateralidad), bagamat itinuturing ng ilang mga ponetiko ang mga ito bilang hiwalay.
Katawagan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tinatawag na obstruyente ang mga paraan ng artikulasyon na may nagaganap na pagpipigil sa daloy ng hangin. Kalimitan itong walang boses, pero karaniwan din ang mga may boses na obstruyente. Tinatawag naman na sonante ang mga paraan na walang ganitong pagpipigil, at madalas na may boses; bihira ang mga walang boses na sonante, pero makikita ito sa wikang Gales at Sinaunang Griyego, sa Klasikong Tibetano, at maging sa ilang mga dayalekto ng wikang Ingles na nagtatangi sa pagbigkas sa mga salitang which ('alin') at witch ('mangkukulam').
Maaari ring tawagin ang mga sonante bilang mga resonante; sa ganitong pananaw, itinuturing lamang na sonante ang mga resonanteng hindi bokoyde (mga katinig sa ilong at likido, pero hindi mga patinig at malapatinig). Ginagamit rin ang humaharang (occlusive) at tuluyan (continuant) bilang alternatibong pagkakategorya.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ladefoged, Peter; Maddieson, Ian (1996). The Sounds of the World's Languages [Mga Tunog ng mga Wika ng Mundo] (sa wikang Ingles). Oxford, Inglatera: Blackwell. ISBN 0-631-19814-8.