Parirami
Sa matematika, ang parirami[1][2] (Ingles: square) o kuwadrado (mula Kastila: cuadrado, "parisukat") ay ang resulta ng pagpaparami sa isang bilang gamit ang sarili niya. Isinusulat ito sa anyong x2, kung saan ang x ay ang bilang na paparamihin. Isinusulat rin ito sa anyong pinalawig: x × x. Parehas lang ang parirami sa proseso ng pagpapalakas ng bilang sa ikalawang antas.
Ang parirami ng isang buumbilang ay tinatawag ring kuwadradong bilang (Ingles: square number) o perpektong parirami (Ingles: perfect square). Sa alhebra, malimit na ginagamit ang parirami di lamang sa mga bilang kundi maging sa mga damikay (Ingles: polynomial) at iba pang mga ekspresyon o halaga. Halimbawa, ang parirami ng linyar na damikay na x + 1 ay ang kwadratikong damikay na (x + 1)2 = x2 + 2x + 1.
Isa sa mga pinakamahahalagang katangian ng parirami ay ang pagkakapareho ng parirami ng x sa kabaligtarang pandagdag na -x. Ibig sabihin, sumasakto ito sa identidad na x2 = (-x)2. Maaari rin itong tingnan bilang isang tukol na bunin.
Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ "parirami": Del Rosario, Gonsalo (1969). Salcedo, Juan (pat.). Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino (sa wikang Filipino). Maynila, Pilipinas: Lupon sa Agham.
- ↑ "parirami". Tagalog Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 31, 2021.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.