Pumunta sa nilalaman

Patakaran sa bisa ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Taták ng pagpasok
Taták ng paglabás
Mga tatak sa pasaporte ng pagpasok at paglabás sa Pilipinas

Ang patakaran sa bisa ng Pilipinas ay nakapaloob sa Batas Komonwelt Blg. 613, na tinatawag ding Batas sa Pandarayuhan ng Pilipinas, at ilan pang batas na nagsusog dito. Magkasama itong ipinapatupad ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas at Kawanihan ng Pandarayuhan, bagaman ang mga pagbibigay ng bisa ay tanging kapangyarihan ng Kawanihan ng Pandarayuhan.

Sa pangkalahatan, ang mga dayuhang mamamayan na nagnanais na makapasok sa Pilipinas ay nangangailangan ng bisa, liban na lang kung:

Mapa ng pangangailangan ng bisa ng Pilipinas

Programang nagpapaubaya ng bisa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inilunsand ng Pilipinas ang programang magpapaubaya ng bisa sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 408.[2] noong Nobyembre 9, 1960 sa ilaim ng Pangulong Carlos P. Garcia. Habang ang Kawanihan ng Pandarayuhan ang nagbibigay ng bisa, pinangangasiwaan naman ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ang programa, na siyang nagpapanatili ng talaan ng mga bansang maaari lumahok dito. Sumusunod ito sa panuntunang, ang mga mamamayan ng mga bansang may ugnayang diplomatiko sa Pilipinas at hindi kasama sa mga bansang pinaghihigpitan ng Kagawaran ang mga mamamayan ay maaaring makapasok sa Pilipinas nang walang bisa. Ang mga mamamayang pinahihintulutang makapasok ng walang bisa ay dapat may pasaporteng may bisa pa ng di-bababa sa anim na buwan matapos ang kabuuang panahon na kanilang gugugulin sa Pilipinas.[3][4]

Noong Huyo 1, 2013, sinimulang ipatupad ng Kawanihan ang pinalawig na pagpapaubaya ng bisa sa mga mamamayang saklaw ng mula sa 21 hanggang 30 araw, sa pag-asang payayabungin nito ang turismo. Ganap na mapapatupad ang programa sa Agosto ng naturang taon.[5] Maaaring manatili hanggang dalawang buwan, bawat pagpapalawig ngunit di-dapat humigit sa kabuuang dalawang taon ang mga mamamayang di-saklaw ng pinalawig.[4] Maaari pang manatili ng isang buwan bawat pagpapalawig ngunit di-lalagpas sa kabuuang anim na buwan at ang mga dayuhang nangangailangan ng bisa, kailangan din nilang magpakita na sila'y may tiket ng kanilang palabas na paglalakbay.[3]

Iminungkahi naman noong Marso 2015 na palawigin ang pagpapaubay sa pangangailangan ng bisa sa mga mamamayan ng India at Tsina.[6]

Ang mga may hawak ng pasaporte ng sumusunod na 157 hurisdiksiyon ay hindi nangangailangan ng bisa upang makapasok sa Pilipinas:[8][9]

  • United Kingdom Mamamayang Briton (ibayong-dagat)
  •  Portugal (sa mga pasaporteng iniisyu sa Macau lamang)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Compare visa requirements of countries in South East Asia". http://aroundtheworldinaday.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-07-19. Nakuha noong 2014-07-15. {{cite web}}: External link in |website= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2014-07-19 sa Wayback Machine.
  2. "Executive Order No. 408, s. 1960". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Nobiyembre 2014. Nakuha noong 1 November 2014. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong) Naka-arkibo 1 November 2014[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  3. 3.0 3.1 "Guidelines on Entry Visas of Temporary Visitors to the Philippines". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-15. Nakuha noong 2015-07-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2014-03-15 sa Wayback Machine.
  4. 4.0 4.1 "BI extends stay of foreign tourists". Philippine Bureau of Immigration. 2007-08-06. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-13. Nakuha noong 2015-07-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Tourists' initial stay in PH extended from 21 to 30 days". Philippine Daily Inquirer. Hulyo 24, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Philippines proposes to remove entry visa requirements for India and China.
  7. "Philippines waives visa requirements for 7 more countries". The Philippine Star. 2014-04-15. Nakuha noong 2014-04-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Guidelines on the Entry of Temporary Visitors to the Philippines". Department of Foreign Affairs (Philippines). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 27, 2014. Nakuha noong Abril 15, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo March 27, 2014[Date mismatch], sa Wayback Machine. (maliban sa Somalia, na tinanggalan ng 30 araw na walang-bisang pagpasok.[7])
  9. "Visa Information - Philippines (PH)". Timatic. IATA. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-14. Nakuha noong 2013-12-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "The Bureau of Immigration, Philippines Official Website - General Information". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-15. Nakuha noong 2013-08-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Consulate general of the Philippines HK SAR". Nakuha noong 2013-08-23. In accordance with Department of Foreign Affairs Service Circular 125-10 dated 17 December 2010, holders of Hong Kong SAR passport do not need a visa for a stay not exceeding fourteen (14) days provided that they possess a return or onward airline ticket.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)