Perdita (buwan)

Ang Perdita ay isang panloob na likas na satelayt ni Urano at ang huling natuklasang buwan sa 1986 at ang huling natuklasang panloob na buwan sa ika-20 na siglo.
Natuklasan ito noong Enero ng 1986 gamit ang mga larawan ni Voyager 2 sa pagdaan niya kay Urano kaso hindi ito nakumpirma ng pag-iral hanggang Mayo ng 1999 na napansin ni Erich Karkoschka at naitala niya ang napansin niya na pag-iral nitong buwan. Kaso ito ay hindi nagkaroon ng bagong mga larawan at itinanggal ang kaniyang pag-iral sa 2001. Pagdaan ng 2003, nalarawan ng Teleskopyong Pangkalawakang Hubble ang Perdita at binalik ang kaniyang pag-iiral at binigay ng pagtatalaga na S/1986 U 10 sa 1999 at ang impormal na pangalan na Uranus XXV.[1] Ito ay pinangalanan sa anak ni haring Leontes sa sinulat ni William Shakespeare na si Perdita, nagmula naman ang pangalan na ginamit ni William sa salita ng wikang Latin na "perdita" na nagbibigay kahulugan na "nawawala".[2]
Si Perdita ay nasa 43:44 na ugong na ligiran kay Belinda at nagbigay daan sa masa ni Belinda gamit ang ugong na ligiran nito at sinabi na si Belinda ay 26 o 27 na beses mas malaki kay Perdita.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.